Monday, February 18, 2019

Love. Never Mind Not Being Loved Back



Mayroon kayong mahal, kaopisina nyo. Talaga namang lahat ng bonus nyo at napanalunan nyong kaldero ay ibinibigay nyo pa rin. Alam nyo, kung nagmamahal ka, mas masaya yun kaysa sa minamahal. Eh, kayo yung nagmamahal. Hindi man kayo suklian ng pagmamahal, magmahal pa rin kayo. At least, naranasan nyong magmahal, di ba? Kaysa hindi na minahal, hindi pa kayo nagmahal. Eh di, wala na kayong naranasan.
       It’s alright to love and not to be loved back because loving by itself can give you a lot of happiness. Eh, kung sinuklian pa kahit kaunting pagtingin. Malay nyo naman. Kaya huwag kayong matakot umibig. Yung mga nabigo nan g 18 beses, may mga 18 pa uling nalalabi, ubusin nyo. Huwag kayong sobrang nadala, naging playing safe, ayaw nyo na. Buhay pa kayo, ba’t umaayaw na kayo? Malay nyo naman ditto sa ika-27 na pag-ibig, dyan na talaga matupad ang mga pangarap nyong ilakad hanggang altar. Habaan nyo ang lakad hanggang altar. Habaan nyo ang lakad. Mula sa Harrison maglakad na kayo para makabawi kayo.
         So, never mind kung hindi ka minamahal, mahal mo pala eh di mahalin mo pa rin. Hindi ka binibigyan ng pag-asa, mahalin mo pa rin. Huwag mong ilagay sa kanya yung pasya kung ano ang gagawin mo sa pag-ibig sa buhay. Sasaya ka rin. He who loves enjoys more than the one being loved.

Tuesday, February 5, 2019

LISTEN TO THE GOOD


Napansin nyo ba kung minsan na ang ganda-ganda ng araw nyo, mayroon lang tumawag  sa inyo, nagtext sa inyo o may nabalitaan kayo, nasira na ang buong araw nyo? Sometimes, you don’t want to even watch the news dahil baka hindi kayo makatulog. Many people listen to the bad and so they become miserable.
Romans 10:17 Consequently, faith comes from hearing the message and the message is heard through the word of Christ.
That’s not exactly the verse that proves what we’re saying, but there’s truth in the part that says that faith comes from hearing. May nasabi ang mahal sa buhay nyo, “ I love you, I miss you, “ happy ka na. Pero mayroon namang nagsabing “Ang tabang naman ng niluto mo,” lonely ka na. So listen to the good because you will not run out of bad things to hear about you and about others. But why choose to listen to such things all the time? Well, it is good to listen to these things once in a while for self-reflection para makapag-isip-isip tayo’t makapag-review-review pero hindi dapat laging yon ang madidinig. Huwag kayong pumayag na ang taynga nyo ay maging basurahan. Kung ayaw nyo yung lote nyo na hinahagisan ng mga kapitbahay ng dumi, bakit kayo pumapayag na yung taynga nyo ay ginagawang basurahan ng maraming tao? Tatawagan kayo. You say, “ I refuse to hear these things. Ayoko.” Taynga nyo yon, e. It is your right. “I refuse to hear all these negative things. All these negative talk. I don’t like, kasi masama.” Kung minsan masama ang loob nung tao. “Hoy, ang sama-sama ng loob ko.” Kakausapin ka. Tapos nakakahalata ka pag-alis nya, masaya na siya. Nakapagbulalas na kasi. Ikaw na yung masam ang loob. Lumipat na sa iyo. Kasi inilagay nya sa taynga mo, eh. Ganyan din yung may mga sikreto. Parang dalag na pagkadulas-dulas. Pag hinawakan mo, nagpupumiglas. Gustong makawala. May magsasabi sa iyo, “Hoy, may nalaman ako kay ganito, pero sikreto ito. Sa iyo ko lang sasabihin ha?: Huwag kayong papayag. “Ayoko marinig. Kasi ililipat mo sa akin yung hirap ng may dala-dalang sikretong, eh.” Mahirap dalhin ang sikreto di ba? Kaya duda ako sa mga taong gustong lagi, “Sige na. Mag-confide ka sa akin.” “Uuumm. Itsi-tsismis mo ako mamaya, ano?” Kasi ang taong matalino, ayaw nyang marinig yung sikreto ng iba. Kasi, pampabigat ng loob yon, eh. Mahirap yung nalalaman mo ang maraming bagay. Sometimes, it’s better not to know, especially if it’s very bad. And you won’t be able to do anything about it anyway. You will just feel helpless about it. Listen to the good. Avoid listening to the bad.
Kung minsan suriin ninyo ang inyong kausap habang nakikinig kayo sa kanya. May mga tao na pag dumapo sa inyo, nakausap kayo ng five or ten minutes, mamaya galit na kayo sa kagalit nila. Nahalata nyo ba yon? Yung na-influence na nya kayo. Yung hindi mo pa naririnig yung side ng iba, naging biased ka na. Jina-judge mo na. Kasi di nya dapat tinambakan ng bias yung taynga mo. So dapat nakabantay ka. Kung may security guard sa pintuan ng ating taynga. Pinipili lang ang pinapasok kasi nalalason tayo ng ganyang mga bagay. So what is our rule here? Listen to the good.