Friday, February 19, 2021

Is it right to destroy one person dahil may isa siyang mali kahit na marami siyang tama?

 

Yung Sodom nga hindi wawasakin kung mayroon lang na kaunting matuwid. Alang-alang sa tamang ginagawa, hindi dapat was akin ang kapwa dahil sa isang mali—at  dapat suriin kung mali nga ba o akala lang ng iba ay mali.

At pag winasak ang isang tao dahil sa isa nyang mali, walang matitirang tao; dapat wasakin lahat.


Tuesday, February 16, 2021

Ano yung maipapayo nyo sa mga taong gustong maging deeper pa ang relationship

 

Have a ministry. Serve the needy. Kasi, God works. Those who work with God get closer to God.


Saturday, February 13, 2021

Masama ba na magamit ang pera for tithes sa pagpapagamot ng magulang na may matinding karamdaman?

 

I don’t think so na masama yun. Urgent need naman. Health. Pandugtong-buhay. At magulang mo pa ang pasyente. Maunawain ang Diyos; ewan ko lang ang pastor  ninyo? Kaya lang, pag kaya mo na…palitan! Don’t abuse this leeway, though. Halos lahat ng tao ay itinuturing ang sarili nila na needy, gipit, kulang ang kita, may kailangang gastusan, etc. etc. Pag lahat ng needy ay nagpa-excuse sa tithing, what will happen the church sytem?


Tuesday, February 9, 2021

I want to know the biblical view about annulment. Does God allow Christians to get annulled and remarry or do we stay unhappy in a marriage or get annulled but remain single for life still unhappy?

 

This is very personal opinion: If a person is so miserable in marriage, one option is to get an annulment, remarry if there is someone to marry at ipaubaya na nya sa Diyos ang case nya. Kung parusahan siya ng Diyos, tanggapin niya. Kung hindi siya parusahan because of the merits of his/her case, e di salamat.

But to stay in a hopelessly miserable marriage is just another form of punishment—not from God but from one’s spouse or worse, from oneself! Minsan lang mabuhay ang tao. Dapat maghanap ng ginhawa.

Bago may malito: LAST RESORT YAN HA. Hindi first aid at hindi way out para lang sumama sa iba