Hindi naman ibig sabihin biglang binawi ang enjoyment.
Mag-enjoy ka without breaking God’s law. Mag-enjoy ka within the confines of
what God allows. Bata ka at may karapatan ka talagang mag-enjoy. Pero huwag
kang mag-e-enjoy to the point that you offend God and break God’s law. Bigyan
ng control at limitasyon yang mga pag-e-enjoy na yan. Hindi mo gagamitin ang
lakas mo sa paglaban sa mga institusyon, sa mga magulang at sa Diyos. Enjoy
within the confines of godliness.
At para sa mga magulang, sa mga matatanda: Let the young be
young. Let the youth think young, act young and feel young. Youth yan eh. Tayo
naman kasing matatanda, ayaw nating payagang maging bata yung mga bata. Gusto
nating kilos matanda. “Huwag kang kikibo. Tumahimik ka diyan. Huwag kang
kikilos. Dapat ganito.” Eh bata nga yan eh. Gusto mo naman agad mag-behave
matanda. Do not rob the children of their childhood. While we discipline them
and give limitations to what they can do, we should also permit them to be
children. And we should permit the young people to be young people. Marami
namang matatanda sa church ang hilig sa tugtog na punebre. Yung iba tuloy young
people nagpupumilit magpunebre. Para tuloy may ililibing. Mga matatanda, kung
ayaw nyo ng masisiglang mga tugtog, takpan nyo ang tainga nyo. Pero huwag nyong
pipigilan ang mga young people sa tugtog nila dahil sila ay young at kayo ay
old. Don’t force them to be old.