Ecclesiastes is really one of the frankest books of the
Bible. One of the most direct. Wala na siyang inilihim. Pati yung mga
disenchanment nya sa katotohanan. Anong mga sinabi dito ni Solomon? Justice is
not always the rule. Justice is not always the immediate rule, at least. The
criminals don’t always get punished or criminals don’t always get quickly
punished. Good citizens are not always honored or not always quickly honored.
Hindi lahat ng mabuti napi-premyuhan at hindi lahat ng masama napaparusahan.
Kaya ang mabuti pa, maging mabuti ka na lang kahit hindi laging biglang
nagkakaroon ng premyo ang mabubuti at hindi laging napaparusahan ang masasama.
May point nga naman siya. Tutal hindi natin mababago ang takbo ng buhay. Hindi
naman laging may justice, get as much out of life na lang. Huwag ka nang
masyadong magpakatalino at kung anu-ano pa. Huwag mo nang isipin ang lahat.
Sabi niya, enjoy food, enjoy drink, enjoy a good time. Kung
kaya nyo rin lang, huwag nyong tipirin ang pagkain. Huwag nyo ring tipirin yung
kaligayahan ng magpapakain. Magpa-blowout at mag-blowout—let’s enjoy! Kasi
hindi nyo ba napansin mula noong pinag-aralan natin ang Ecclesiastes wala nang
ipinaulit-ulit itong si Solomon kundi ang gulo ng buhay, ang lungkot ng buhay.
Hindi laging may logic ang buhay, hindi laging yung gusto mo ang mangyayari,
hindi laging tama ang mangyayari. Kaya ang sabi nya, “Alam nyo na sa kaguluhan na
yan, get the most na lang out of it.” And one of the most simplelst joys of
life that no one take away from you is kumain kang mabuti,uminom ka, magsaya
ka. Pinaulit-ulit niya yun. Yun naman kasing religion, gino-glorify ang
pagdurusa, ang pagtitiis , ang pagpa-fasting. So anong sinasabi ni Solomon?
Eat, enjoy food, enjoy drink, enjoy a good time. Sabi pa nya, do not make your
happiness, well-being and enjoyment dependent on justice. Huwag tayong maghanap
palagi ng justice dahil hindi naman lagi ito mangyayari. Kung hihintayin mo
muna ang justice bago ka lumigaya, itatama muna ang mali bago ka lumigaya, aba
eh, namatay ka na lang hindi ka pa lumigaya. Kaya sabi nya, hindi pa dumarating
yung justice, perfection o Shangri-la, mag-enjoy ka na. Para kung namatay ka
na, hindi ka nalugi, at least may na-enjoy ka na. Very wise.