Another way out of the pit is the Lord’s healing.
Dinadalangin natin na huwag tayong magkaroon ng sakit. Pero kung nagkaroon na.
ang dalangin naman natin ay pagalingin tayo. So kung nasa level ka na mataas at
malusog tapos nagkasakit ka, pwede kang manalangin na bumalik ka uli sa iyong
kalusugan. Kung nasa malusog kang bahagi pwede kang manalangin na huwag ka
naman magkaroon ng karamdaman o kaya mas lumusog ka pa. Saan man tayo na level
ng buhay, mapataas o mapababa sa ating pamantayan, naroon pa rin ang Diyos.
Wala kang pwedeng lusungin na sobrang baba na wala doon ang Diyos. Sinabi nga
sa Bible na ang Panginoong Hesus ay bumaba pa raw sa impyerno noong three days
na sya ay namatay. Nilusong Nya pa yun kaya wala Syang pwedeng hindi lusungin
para sagipin tayo. So healing that comes from the Lord is what we really need.
Psalm 30:2 Oh Lord my
God, I called to you for help and you healed me.
Gaano karaming
beses na tayong pinagaling ng Diyos? Physically na lang, huwag na tayong lumayo.
Ilang beses na tayong inubo, sinipon, at nagkaroon ng impeksyon? Wala kayong
ginagawa, may hihinga-hinga sa tabi ninyo, yun pala kutakutakot na mikrobyo ang
inilalabas nya mula sa kanyang katawan, natanggap mo naman ngayon, na-inhale mo
yung kanyang exhalation pero pino-protect ka ng Panginoon. Bihirang-bihira nga
tayong tinatablan ng sakit kaso kung tatablan tayo ng lahat ng dumadapo,
matagal na tayo dapat na alikabok kasi naglipad
ang lahat ng mga mikrobyo at lahat ng sakit sa ating paligid. So, iniingatan
tayo. At kung sakali man, the Lord heals us.