Bawal ba ang lotto, bingo, sweepstakes, jueteng at raffle sa mga Christians?
Ang kamalian ng lotto, sweepstakes o lahat ng sugal, ang pupunta sa inyong pera kung manalo kayo ay galing sa iba. May nanalo dahil maraming talo. Sasaya kayo dahil may lulungkot. Something is wrong with you kung tuwang-tuwa kayo dahil nanalo kayo kahit dugo ng iba yan. Bakit hindi nyo na lang straw-hin ang dugo nila? Diretsuhin nyo na lang dahil ganun din yon. Pag ang inyong kaligayahan ay kalungkutan ng iba, masama yon. May kumabig dahil merong natalo. Hindi yun mabuti. Kahit anong uri ng sugal, uwi-uwi nyo ang panalo at kung kayo ay may diwa ng Espiritu ng Diyos, malulungkot kayo para doon sa natalo. Kaya nyo bang sumaya kung ang napalunan nyo ay galing sa pera ng iba? Halimbawa sa sabong, uuwi ang nanalong sabungero, magbo-blowout ng pamilya pero maraming uuwi na natalo at aawayin ng asawa dahil wala silang isasaing at kakainin. Napunta na doon sa nanalo. That is what is evil with gambling. We Christians don’t take games of chance. If we want to have money, we work. Dapat nagk...