Posts

Showing posts from 2025

Prepare For and Expect Disappointment

 Another way to prevent anger is by preparing for and expecting disappointment. Expect to be frustrated because of other people's mistakes, carelessness, shortcomings and selfishness resulting from a sinful nature. Prepare yourself for the worst when dealing with people. Decide beforehand how you would react  and act towards them. Kung nagpautang ka sa isang tao, i-prepare mo na ang sarili mo na baka hindi ka nya bayaran. Anong gagawain mo ngayon? Papatawarin mo na lang kasi pag hindi ka willing magpatawad, huwag ka na lang magpautang in the first place. Maraming tao ang hindi nagbabayad, so prepare yourself for this. Nasabi mo tuloy: "Sabi ko na nga ba, e.* Hindi naman abnormal na natural ka dahil handa ka nang ma-disappoint at di ka na surprised. Whenever you ask people to do something, expect that they might not able to do it. We are not saying this so that people might be tolerated not to perform well. No, but that there must be some reservation in our hearts for people...

YOU CAN BE SAVED

 Ang sinasabi naman ng Panginoon, "You can be saved." Napakalinaw sa Bibliya na pwede ka pang maligtas. ACTS 2:21 And everyone who calls in the name of the Lord will be saved.  Acts 16:31 They replied, " Believe in the Lord Jesus and you will be saved, you and your household." Siyempre, maraming pinag-uusapan ang mga theologians sa kung anu-anong mga degrees of salvation-- salvation ng kaluluwa natin doon sa eternity at meron din namang salvation from the forms of hell here on earth. Nagkakaroon tayo ng mga bagong pananaw at bagong pamantayan sa buhay. Naliligtas tayo sa kinakasadlakan ng maraming hindi nagkakaroon ng kaliwanagan.

YOU CAN BECOME BRAND NEW

 Pero ang sagot ng Bibliya, " You can become  brand new." Wasak-wasak ka na, giba-giba pero pwede kang maging bago. Matthew 16:25 For whoever wants to save his life will lose it. Sinuman ang willing na isuko ang kanyang buhay sa Diyos, nagkakaroon siya ng bagong buhay. Kung willing tayo na patayin na yung dati nating sarili, yung makasalanan, yung marumi nagkakaroon tayo ng isang bagong buhay na malinis, isang bagong pasimula.  2 Corinthians 5:17 Therefore, if anyone is in Christ he is a new creation; the old has gone, the new has come. Magandang katotohanan! Sinumang na kay Ķristo , inaaring bago. Nililimot  na ng Diyos ang dati, binibigyan ng bagong puso, bagong espiritu, bagong pasimula. Kaya hindi pwedeng magsabi ang taong " Wala akong kapag-a-pag-asa." Kung hindi na nare-repair ang buhay, sobrang  dami na siguro ang naging damage. This is totally new person na ibinibigay ng Panginoon pag tayo nagsusuko ng buhay sa Kanya.

Dapat bang maging banal upang maligtas?

Image
 Naalala nyo ba ang dalawang lalaking nakapako sa magkabila ni Kristo at kung paano Niya nailigtas ang isa?  Kung ang ating pag-aaralan ang istorya, nandito ang susi kung paano nailigtas ang isang tao.  Marami kasing nagsasabi na para ma-save, kailangan ikaw ay banal.  Sa tingin nyo ba banal ang lalaking ito? Pero sinabi ni Jesus sa kanya, Today, you will be with me in paradise.  Pumunta ba siya sa paraiso? Siyempre.Banal ba siya? Hindi. So hindi totoo na dapat maging banal para ma-save.

Ano ba ang new heaven and new earth?

Image
> Sa pagbabalik ni Lord ay magseset-up Siya ng kingdom here on earth at yun ang magiging everlasting kingdom. Ang totoo, hindi tayo pupunta sa heaven, dahil ibababa ni Lord yung heaven. Yun naman ay kung literal ang interpretasyon natin. Ano naman daw ang gagawin natin sa langit? Aba’y malay! Problema yun ng Diyos. Ang mahalaga, nandoon tayo. Hindi ko alam ang gagawin sa langit, pero alam ko ang gagawin sa hell. Katakot-takot na guilt at sisihan. Kung nadala ka ng tao sa maling relihiyon, walang kayong gagawin kundi magsisihan, magkagalit at mag-away-away. So heaven, I’m sure we will worship God forever and ever and ever. And who know, baka maraming field trip. Baka pupunta tayo sa Pluto, sa Saturn, bibisitahin natin lahat ng creation ng Diyos. Ang dami no’n, baka hindi natin kayang ubusin lahat.