Posts

Is it right to destroy one person dahil may isa siyang mali kahit na marami siyang tama?

  Yung Sodom nga hindi wawasakin kung mayroon lang na kaunting matuwid. Alang-alang sa tamang ginagawa, hindi dapat was akin ang kapwa dahil sa isang mali—at   dapat suriin kung mali nga ba o akala lang ng iba ay mali. At pag winasak ang isang tao dahil sa isa nyang mali, walang matitirang tao; dapat wasakin lahat.

Ano yung maipapayo nyo sa mga taong gustong maging deeper pa ang relationship

  Have a ministry. Serve the needy. Kasi, God works. Those who work with God get closer to God.

Masama ba na magamit ang pera for tithes sa pagpapagamot ng magulang na may matinding karamdaman?

  I don’t think so na masama yun. Urgent need naman. Health. Pandugtong-buhay. At magulang mo pa ang pasyente. Maunawain ang Diyos; ewan ko lang ang pastor   ninyo? Kaya lang, pag kaya mo na…palitan! Don’t abuse this leeway, though. Halos lahat ng tao ay itinuturing ang sarili nila na needy, gipit, kulang ang kita, may kailangang gastusan, etc. etc. Pag lahat ng needy ay nagpa-excuse sa tithing, what will happen the church sytem?

I want to know the biblical view about annulment. Does God allow Christians to get annulled and remarry or do we stay unhappy in a marriage or get annulled but remain single for life still unhappy?

  This is very personal opinion: If a person is so miserable in marriage, one option is to get an annulment, remarry if there is someone to marry at ipaubaya na nya sa Diyos ang case nya. Kung parusahan siya ng Diyos, tanggapin niya. Kung hindi siya parusahan because of the merits of his/her case, e di salamat. But to stay in a hopelessly miserable marriage is just another form of punishment—not from God but from one’s spouse or worse, from oneself! Minsan lang mabuhay ang tao. Dapat maghanap ng ginhawa. Bago may malito: LAST RESORT YAN HA. Hindi first aid at hindi way out para lang sumama sa iba

Dati po kaming may barkada. Yung isa, sobrang umasenso at pakiramdam namin di siya ma-reach. Bakit po ganun ang umaasenso?

  Siyempre, kung umasenso siya, heto ang mga possible scenarios: Busy na siya at kayo ay hindi masyado kaya hindi siya kasing available nyo. Lumalawak ang utak nya at naiwan kayo at hindi na siya masyadong maka-relate sa inyo at hindi na siya masyadong enjoy. O kaya, noon pa mang barkada kayo, iba na ang utak nya kaya nga umasenxo siya. Kaya lang, sa pagdaan ng panahon, mas na-emphasized ang pagkakaiba nya sa inyo. At siyempre, people avoid what they do not enjoy. Naiba na ang taste nya at effort mag-adjust sa taste nyo na baka pareho pa rin noong araw.

Bakit po may mga mahilig manakot ng kung anu-anong visions at prophecies daw?

  Siguro sila mismo ay takot. Mahilig sila sa ganung mga spiritualizations? They are convinced that they are right and that they have a message for others to hear? Nagiging importante sila? Siyempre, the value of a “prophet” is in his prophecy. Kung walang prophecy eh di walang papel ang prophet. Lagi nila yung iniisip kaya lumalabas sa mga panaginip at pangitain nila?

Dapat nga po ba na ang mga Christians eh hindi na pumasok sa hindi Christian church? Paano po kung sa isang kasalan eh kabilang ka sa entourage pero hindi naman ito Christian wedding o ninong/ninang ka sa binyag? Dapat po bang tumanggi?

  I think God’s temple is in our hearts and we carry it with us everywhere. Hindi naman nawawala yun kahit pumasok tayo sa ibang houses of worship.