May “pamahiin” na praktikal, mayroong harmless, may cute at
may unprofitable. Kung ang pagsunod sa pamahiin ay hindi naman lumalabag sa
batas ng tao at sa utos ng Diyos, wala naman akong nakikitang, “kasalanan”
doon. Siyempre, yung ibang conservative religious people might think that by
observing such pamahiin, you display lack of trust in God. Interpretation nila
yun. Hindi ganun ang pananaw ko. Maraming tinatawag na “pamahiin” ang sa totoo
lang ay nag-uugat sa kagandahang loob at kagandahang asal. (Mahabang
paliwanagan)
Tuesday, March 31, 2020
Monday, March 30, 2020
Bakit may mga taong pag tinuturuan mo at itinutuwid ay nagagalit?
Marami kasing tao ang gusto ay yung INUUTO sila. They reward
those who flatter and make them uto and punish those who tell them the truth.
Sunday, March 29, 2020
Ano para sa inyo ang positive at negative side ng isang mega-church versus community church o small church?
Advantage ng mega-church: size. It can do many things
because there are many people.
Disadvantage: size. Mahirap magkaroon ng maraming close relationships
kasi ang daming tao, unless gawan talaga ng paraan. Hindi naman natin napipili
kung magiging mega o small church tayo; assignment yan ni Lord.
Saturday, March 28, 2020
Kung may mababago kayo sa church, ano yun?
Marami-rami yan ha!
Isa, lumalawak ang isip at pang-unawa. Huwag sobrang kitid.
Para kasing may kalsada na may white line sa gitna. Maraming Christians, doon
lang lumalakad sa narrow white line kasi dini-demonize nila yung malapad na
daan na actually ay pwede namang lakaran kung malawak lang sana ang pang-unawa.
Kung makakilos sila, parang si satan ang creator and owner
of the world kaya ang konti-konti ng natira para sa mga anak ng Diyos. Very
defeatist. Very narrow. Very limiting.
Psalm 24:1 The earth is the Lord’s and everything in it…
Believers must repossess and enjoy creation.
Thursday, March 26, 2020
Pare-pareho lang naman pong Bible-based ang mga churches. So ano pong katangian o patakaran ng isang fellowship ang hahanapin nyo kung kayo ang sasali?
1.
Walang maraming bawal. Hindi yung kaliit-liitang
bagay ay minamalaki.
2.
Hindi puro fear at paranoia ang itinuturo. Hindi
naghahanap ng demonyo sa tasa ng sopas.
3. Hindi palapintas ng ibang groups.
4.
Hindi napipilitan ang members na magpanggap,
magbalatkayo at magkunwaring banal na banal kasi paparusahan o sisipain ang
hindi banal.
5.
Hindi parang pulis na laging nagmamanman at
nakabantay sa bawat kilos at galaw ng members.
6.
Malawak ang karanasan, malaki ang utak at
mayaman ang edukasyon ng pamunuan.
7.
Hindi nangongopya ng kultura ng Israel o ng
anupamang bayan kung hindi ipinamumuhay ang pananampalataya sa konteksto ng
sariling kultura.
8.
Mapagkalinga sa lahat at hindi naka-focus sa isa
lamang uri ng tao o isa lang antas ng pamumuhay/kabuhayan. In other words, a
church of mixed social, educational and economic backgrounds kasi realistic ang
ganung social climate. Hindi yung church na pangmayaman o pangmahirap o
pangganito at ganyan lamang.
9.
Yung pwede akong maglingkod at napaglilingkuran
din ako. Walang lugi.
1.
Yung magaan ang feeling. Masaya. Relaxed. Enjoy.
Wednesday, March 25, 2020
When is the right time to enter a relationship with the opposite gender?
Para hindi sobrang serious na relationship (Yung hindi pa
naman gustong mag-asawa/pakasal na)
1.
When you’re not too young anymore: above 16?
Better if above 18?
2.
When you are mature enough to love your partner
and not just seek love from her?
Mature enough to give and not just want to
receive?
Para sa super serious relationship na kasalan na ang next,
maganda ang:
1.older than 25
2. mayroong
financial means to support yourselves
3. nagawa na
ang major dreams na kailangang gastusan like pag-aaral, travel, etc.
4. nakatulong
na kahit paano sa mga magulang (bago magkaroon ng iba/bagong priority)
5. handa nang
“pakulong” sa buhay-may asawa.
Tuesday, March 24, 2020
Bakit may mga pastors na sobrang conservative at mayroon namang progressive kung iisa naman ang Bible?
Hindi naman yung Bible ang nagpapa-conservative kung hindi
yung likas na ugali, education, training, background, psychological profile
nung pastor o yung utos ng bishop/congregation.
Ano ang effective way para patahimikin ang nagger at bungangerang mother?
Give her what she
wants: attention or obedience This also applies to nagging wives. Kaya lang
naman nagna-nag kasi hindi pinapansin o sinusunod.
Monday, March 23, 2020
Bakit kaya may taong laging swerte?
Hindi swerte ang tawag sun. Blessed siya kasi blessed ang
pamamaraan nya sa buhay. Kasi yung swerte, tsamba-tsamba. Eh yung laging
maganda ang nangyayari, hindi na tsamba yun. Tamang pamumuhay, pag-iisip at
paggawa ang pinagmumulan nun.
Friday, March 20, 2020
Ano naman po ang top 5 accomplishments in life?
1 1. To know your gifts and develop them to the
max/point of usefulness.
2 2.
To give your best to life and to receive your
best share in life.
3 3.
To love and be loved.
4 4.
To cause/give happiness and to be happy
yourself.
5 5.
To enjoy God’s creation to the most and help
preserve/restore it.
Tuesday, March 17, 2020
Tama ba o hindi ang pagkain ng karne tuwing Huwebes at Biyernes Santo?
Ang sabi ni Lord, it’s not important what gets into the
mouth but what gets out of it. So hindi nakukuha sa mga schedule ang masama at
mabuti. Lalo namang hindi nakukuha yan sa dieta. Nasa puso natin yan.
Monday, March 16, 2020
Ano ang effective na sandata ng wife laban sa husband na nambababae?
Pera. Dapat may pera ang wife. May sariling income. Para
kaya nyang layasan ang husband pag gusto nya. Mahirap yung gusto mong lumayas
pero hindi mo magawa kasi ni wala kang pamasahe.
May mga tao bang nakatadhanang hindi mag-asawa at maglingkod na lang sa Panginoon bilang missionary?
Marital status is a choice of the individual or an
imposition of human circumstances. I don’t think God assigns who gets married
and who doesn’t. Kung minsan, nagiging excuse o escape ang ganyang idea ng mga
taong gustuhin man ay hindi naman talaga magkaroon ng partner o kaya
pa-consuelo sa sarili. Lalo na sa mga taong gusto talagang magkaroon ng asawa.
Hindi ako naniniwalang pagkakaitan sila ng Diyos dahil lang tinatawag sila sa
ministry. Mas marami ngang advantage kung may partner ang missionary.
Ano talaga ang meaning ng “CULT”? Bakit paboritong itawag ito ng mga religious groups sa ibang hindi nila kapanalig?
Yan ang tawag ng marami sa anumang religious belief or
teaching na hindi nila naiintindihan, o ayaw nilang intindihin o sa tingin nila
ay mali. (Siyempre, “mali” means iba sa paniwala nila kasi, natural, sila ang
tama sa tingin nila.)
The word cult is derived from the Latin word “cultus”
meaning worship. It was originally used to call a group of persons that
worshiped a deity. Technically, all religious groups could be called cults.
Even Christianity at first when it was an unknown and unpopular religion was
called a cult.
In the last several hundred years when the world was
dominated by a big and powerful religion, the word “cult: has been used by this
dominant religion to describe, berate, belittle, insult, stigmatize and even
demonize religious groups that did not belong to/with them. In this way, many
Bible-based groups were first called cults, especially when they were still
small and powerless. The word was, of couse, used by big religion to scare
their members and prevent them from joining the other groups which, naturally,
were threats to their dominance.
Most of the time, the term is used in a self-righteous,
self-promoting, disrespectful and even cruel way. The word is is usually used
to judge, label, insult, mock or destroy the reputation of others, especially
the religious competition, the non-conformist, the different or the new which
is not yet understood. Many people who use this word are usually not qualified
or educated or trained enough to pass expert and informed opinion. Most
observers notice that those who are quick to use this word are usually
opinionated, bigoted, biased, unloving, cruel or grossly uninformed or misinformed.
Or they are very zealous for their beliefs that they are quick to demonize any
idea that they do not believe in.
Friday, March 13, 2020
Mayroon ba talagang mga tao na mabigat kasama sa buhay?
Parang ganun nga nga. Madalas hindi lang siya ang factor;
yun ding kasama.
Hindi sila compatible.
Dapat suriin din ang sarili kung may kontribusyon rin sa pagbigat ng samahan.
Hindi sila compatible.
Dapat suriin din ang sarili kung may kontribusyon rin sa pagbigat ng samahan.
Tuesday, March 10, 2020
Ano ang best na sabihin pag galit na galit ako sa isang tao?
Wala. Be quiet.
Baka pagsisihan mo ang sasabihin mo habang galit.
Ano ang posibleng naging buhay ni Jesus dun sa missing years nya from 12 to 30 years sa story ng Bible?
Maraming haka-haka. But since there is no record in the
Bible, there could be no biblical basis to answer that. The only basis one
could have are:
1. Extrabiblical sources/other literary traditions
(which are difficult to verify)
2.
Educated guess, which at best is just that: a
guess.
3.
Faith that because it was not recorded, then the
Bible writers did not think it necessary to write about.
He should have lived a normal person’s life which details
did not have to be focused on, like life details in the movies where the script
features only the highlights or definitive events.
Monday, March 9, 2020
Conservative ba si Jesus noong panahon Nya?
Never! Yung mga Pharisee, Sadducees, priests, teachers of
the Law—yung mga kalaban Nya—ang conservative. If Jesus were with us today, He
won’t be among the conservatives. He won’t be wearing conservative attire. Like
He did then, He would be with the social and moral outcasts because He is a
“friend of sinners.”
Bakit kaya may taong laging swerte?
Hindi swerte ang tawag dun. Blessed siya kasi blessed ang
pamamaraan nya sa buhay. Kasi yung swerte, tsamba-tsamba. Eh yung laging
maganda ang nangyayari, hindi na tsamba yun. Tamang pamumuhay, pag-iisip at
paggawa ang pinagmumulan nun.
Okay lang ba na ang isang Kristiyano ay humingi ng tulong pinansyal sa PCSO, eh di ba galing yun sa lotto at sweepstakes na kung saan hindi kinalulugdan ng Panginoon?
Lahat ng mabuting bagay ay galing sa Diyos.
Kung saan-saan lang dumadaan.
Google ads:
Sunday, March 8, 2020
Okay lang ba na hatiin ang tithes? 50% sa church at 50% sa ibang Christian organizations, meaning outside ng church ko?
Nasa conviction mo yan, especially kung very worthy yung
organizations and the church does not do what the organizations do.
But why not just give
special love gifts to organizations? That way, hindi magagalit ang maraming
leaders na strict sa tithing.
Google ads:
Saturday, March 7, 2020
1. Ano ang magandang sagot sa “Bakit ako maniniwala sa Bibliya eh gawa lang naman din ng tao yan? 2. How do I know what is the right church for me? Is it wrong to choose a church of my preference?
Answer:
1. Hindi naman ine-explain ang paniniwala. Faith
yun: personal decision.
2. Dapat pumili ng church. Yung both ways may
growth: maggo-grow ka at makaka-contribute ka sa growth nung church.
Thursday, March 5, 2020
Ano ang pinagkaiba ng “faith healer” sa “albularyo”?
An albularyo or herbulario is herbalist; using herbs for
healing and wellness. A faith healer heals by spiritual/religious ritual or
practice and may or may not use herbs. Magkaiba sila. Sometimes nagsasama yung
dalawang disciplines sa isang practitioner kaya may nalilito.
Wednesday, March 4, 2020
Bakit ang daming versions ng Bible ang mga born-again? Ang gulo. Buti pa ang Catholics, isa lang ang Bible.
Isa lang ang Bible whether “Catholic” or “Protestant.”
“Version” does not mean magkakaiba ang content; it only
means magkakaiba ang style ng pag-translate from Hebrews and Greek.
Basing it on sources, all versions are generally the same
Bible. Iba-iba lang ng time of translation from the Greek and Hebrew-based
materials kaya may old-fashioned language at may contemporary.
The so-called Catholic Bible is also a version. Kaya lang,
Catholics are taught to read only one version. May “Protestants” din na one
version lang ang gusto, like the King James Version.
Catholics may read any version. Same with non-Catholics.
Essentially, pareho lang ang laman.
The more versions one reads, the more he expands his
scholarship/knowledge.
Tuesday, March 3, 2020
Ano ang pagkakaiba ng Reverend, Pastor at Brother?
Ranking lang yan na ina-assign o ina-award ng religious
congregations ayon sa mga standards nila.
May mga grupo na pag nakapasa ka sa specific standards nila,
kung anu-ano man yun—ay bibigyan ka ng title na “Rev.”
Ngayon, kung nagpapastor ka at hindi ka pasado sa standards
nila o taga-ibang grupo ka na hindi nila nire-recognize o ino-honor, “Pastor”
(lang) ang itatawag nila sa iyo—at least a description of what you do.
O kaya kung talagang ayaw ka nilang i-honor pati na ang
congregation na kinabibilangan o pinamumunuan mo, pero ayaw naman nilang
magmukhang sobrang disrespectful, “Bro” ang itatawag nila sayo.
Gawain yan ng mga religious, church o academic groups who
think very highly of themselves and appropriate unto their self-appointed authority
the “power” to give or deny such titles.
Some humble leaders do not even want to be called by
high-sounding titles; they even volunteer to “demote” themselves and ask to be
called by less affected appellations.
Those titles are meaningless. It’s what God thinks of you
and what you really fruitfully do in
ministry that matter. None of Jesus’
apostles ever carried or were accorded titles. Not even Jesus asked to be
called “Reverend.” On the Father is
reverend.
Sabi nga ni Shakespeare, “ What’s in a name? ...A rose by any
other name would still smell as sweet…” Or a foul-smelling blossom, by any
other name, would still smell as bad.
Subscribe to:
Posts (Atom)