Wednesday, November 24, 2021

God Prepared A Future For Us


     God prepared a future for me. He has a plan for me. At dadalhin Nya ako sa future na yun.

Jeremiah 29:11 "For I know the plans I have for you," declares the Lord, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future."

     Sabi ni Lord, "Alam ko ang plano ko para sa inyo," Kayo, may plano ba kayo sa buhay nyo? Siguro kung minsan mayroon, kung minsan wala. Pero sabi ni Lord, "Ako mayroon, I have a plan for you. Ang buhay mo hindi ala tsamba. Hindi kung ano na lang ang mangyari. Mayroon akong definite plan for you. It's not just that I have a plan, but I know the plan; I know it very well." And what is that plan? A plan to prosper you. A plan not to harm you. A plan to give you hope and a future.


Monday, November 15, 2021

Masama ba na magamit ang pera for tithes sa pagpapagamot ng magulang na may matinding karamdaman?


 

I don’t think so na masama yun. Urgent need naman. Health. Pandugtong-buhay. At magulang mo pa ang pasyente. Maunawain ang Diyos; ewan ko lang ang pastor  ninyo? Kaya lang, pag kaya mo na…palitan! Don’t abuse this leeway, though. Halos lahat ng tao ay itinuturing ang sarili nila na needy, gipit, kulang ang kita, may kailangang gastusan, etc. etc. Pag lahat ng needy ay nagpa-excuse sa tithing, what will happen the church sytem?


Friday, November 5, 2021

I want to know the biblical view about annulment. Does God allow Christians to get annulled and remarry or do we stay unhappy in a marriage or get annulled but remain single for life still unhappy?


 

This is very personal opinion: If a person is so miserable in marriage, one option is to get an annulment, remarry if there is someone to marry at ipaubaya na nya sa Diyos ang case nya. Kung parusahan siya ng Diyos, tanggapin niya. Kung hindi siya parusahan because of the merits of his/her case, e di salamat.

But to stay in a hopelessly miserable marriage is just another form of punishment—not from God but from one’s spouse or worse, from oneself! Minsan lang mabuhay ang tao. Dapat maghanap ng ginhawa.

Bago may mailto: LAST RESORT YAN HA. Hindi first aid at hindi way out para lang sumama sa iba


Monday, October 18, 2021

Enjoy without breaking God’s law.


 

Hindi naman ibig sabihin biglang binawi ang enjoyment. Mag-enjoy ka without breaking God’s law. Mag-enjoy ka within the confines of what God allows. Bata ka at may karapatan ka talagang mag-enjoy. Pero huwag kang mag-e-enjoy to the point that you offend God and break God’s law. Bigyan ng control at limitasyon yang mga pag-e-enjoy na yan. Hindi mo gagamitin ang lakas mo sa paglaban sa mga institusyon, sa mga magulang at sa Diyos. Enjoy within the confines of godliness.

At para sa mga magulang, sa mga matatanda: Let the young be young. Let the youth think young, act young and feel young. Youth yan eh. Tayo naman kasing matatanda, ayaw nating payagang maging bata yung mga bata. Gusto nating kilos matanda. “Huwag kang kikibo. Tumahimik ka diyan. Huwag kang kikilos. Dapat ganito.” Eh bata nga yan eh. Gusto mo naman agad mag-behave matanda. Do not rob the children of their childhood. While we discipline them and give limitations to what they can do, we should also permit them to be children. And we should permit the young people to be young people. Marami namang matatanda sa church ang hilig sa tugtog na punebre. Yung iba tuloy young people nagpupumilit magpunebre. Para tuloy may ililibing. Mga matatanda, kung ayaw nyo ng masisiglang mga tugtog, takpan nyo ang tainga nyo. Pero huwag nyong pipigilan ang mga young people sa tugtog nila dahil sila ay young at kayo ay old. Don’t force them to be old.



Saturday, August 21, 2021

Sa palagay nyo po, sino ang mas reliable pakinggan, ang preacher sa pulpit o ang Bible scholar/researcher/translator?

 

Yung scholar, committed and answerable to the science of scholarship, linguistics and historical context. Mas factual and scientific and discipline nya sa pag-intindi at pag-interpret ng verse. Usually, may specialized training/education siya. Wala siyang audience or congregational superiors to please kaya posibleng mas objective ang interpretation nya.

Yung preacher, may audience to please, may religious superiors to answer to, may “statement of faith” to operate within, plus yung church has payables to think of. So, a preacher could be constrained by such issues. The preacher is not as free to speak as the scholar.

 BUT PEOPLE LISTEN TO PREACHERS, NOT TO SCHOLAR! J


Tuesday, June 15, 2021

Ang Kahalagahan ng Kapayapaan


Kahit may sakit o karamdaman tayo, kung payapa naman natin itong tinatanggap, walang gaanong problem. Pero kahit tayo’y may tagumpay, kalusugan o kayamanan, kung wala tayong kapayapaan, then malaki pa rin ang problema natin.

Napakahalaga ng kapayapaan sa buhay. Kung minsan, may nawala sa buhay mo pero may peace ka naman ukol dito, it doesn’t hurt you. Where’s the sting of loss when you have peace anyway? This is why satan likes to take our peace anyway. The Lord describes Satan as a thief.

John 10:10

The does the thief rob us of? He robs us of peace. Kaya gusto niya na proud tayo para marami tayong makaaway at mawalan tayo ng peace. Kaya gusto niya na covetous tayo para di tayo makuntento duon sa nasa atin na. Wala na tayong peace. Kaya gusto niya na tayo’y mayabang, abrasive at rude para masuot tayo sa gulo. Wala na naman tayong peace. That’s why Satan gives us a lot of temptation para kung mahulog o magkamali tayo, ang bunga nito’y loss of peace, either with God or with men. Ano ang goal ng Ten Commandments? Di ba the first five is about peace with God? Ang nire-regulate ay ang relasyon natin with God. Then the last five about our relationship with people so we  could have peace with them. Isa lang ang goal ng lahat halos ng pinapagawa sa atin ni satan—para mawalan tayo ng peace. Ang lahat naman ng ipinapagawa sa atin ng Diyos ay para magkaroon tayo ng peace. He teaches us to be good to ourselves—by having moments of peace.



Friday, March 19, 2021

Member po kasi ng dalawang church ang brother ko, isa sa Manila at isa dito sa province, Ngayon po nagkaroon ng policy sa aming church sa province kung saan ka member eh doon ka magpapadala ng tithes mo (para sa mga OFWs at nadestino ng work sa ibang lugar). Ngayon po pinapapili ang brother ko kung saan siya magpapa-member kasi dapat isa lang. Ang tanong ko po, okay lang po ba kung dalawang membership at kung okay lang, paano po ang tithing? 50-50? Kung ang pipiliin po ng brother ko ay ang church sa Manila, pag-uuwi po siya ng province ay they will not allow him na tumayo sa ministry nya.

 

Ano ba naman yan? Kaya maraming natu-turnoff sa fellowships eh. Naka-base sa tithing ang membership? Kung ako, ayoko ng ganyang policy. Pinoproblema ang hindi naman dapat problema. Eh paano yung OFWs na may fellowship abroad? Alangan namang di sila mag-support nun eh dun sila nakasilong. Favor ako sa hati. At kung ayaw na nila sa akin dahil hinahati ko ang tithers ko, eh di ibibigay ko na lang nang buo dun sa open-minded church na nagfi-feed sa akin. Pag hindi nila ako pinatayo sa ministry, we BOTH lose. Or perhaps they lose more because I will serve where I am welcome.


Friday, February 19, 2021

Is it right to destroy one person dahil may isa siyang mali kahit na marami siyang tama?

 

Yung Sodom nga hindi wawasakin kung mayroon lang na kaunting matuwid. Alang-alang sa tamang ginagawa, hindi dapat was akin ang kapwa dahil sa isang mali—at  dapat suriin kung mali nga ba o akala lang ng iba ay mali.

At pag winasak ang isang tao dahil sa isa nyang mali, walang matitirang tao; dapat wasakin lahat.


Tuesday, February 16, 2021

Ano yung maipapayo nyo sa mga taong gustong maging deeper pa ang relationship

 

Have a ministry. Serve the needy. Kasi, God works. Those who work with God get closer to God.


Saturday, February 13, 2021

Masama ba na magamit ang pera for tithes sa pagpapagamot ng magulang na may matinding karamdaman?

 

I don’t think so na masama yun. Urgent need naman. Health. Pandugtong-buhay. At magulang mo pa ang pasyente. Maunawain ang Diyos; ewan ko lang ang pastor  ninyo? Kaya lang, pag kaya mo na…palitan! Don’t abuse this leeway, though. Halos lahat ng tao ay itinuturing ang sarili nila na needy, gipit, kulang ang kita, may kailangang gastusan, etc. etc. Pag lahat ng needy ay nagpa-excuse sa tithing, what will happen the church sytem?


Tuesday, February 9, 2021

I want to know the biblical view about annulment. Does God allow Christians to get annulled and remarry or do we stay unhappy in a marriage or get annulled but remain single for life still unhappy?

 

This is very personal opinion: If a person is so miserable in marriage, one option is to get an annulment, remarry if there is someone to marry at ipaubaya na nya sa Diyos ang case nya. Kung parusahan siya ng Diyos, tanggapin niya. Kung hindi siya parusahan because of the merits of his/her case, e di salamat.

But to stay in a hopelessly miserable marriage is just another form of punishment—not from God but from one’s spouse or worse, from oneself! Minsan lang mabuhay ang tao. Dapat maghanap ng ginhawa.

Bago may malito: LAST RESORT YAN HA. Hindi first aid at hindi way out para lang sumama sa iba


Sunday, January 3, 2021

Dati po kaming may barkada. Yung isa, sobrang umasenso at pakiramdam namin di siya ma-reach. Bakit po ganun ang umaasenso?

 

Siyempre, kung umasenso siya, heto ang mga possible scenarios:

Busy na siya at kayo ay hindi masyado kaya hindi siya kasing available nyo.

Lumalawak ang utak nya at naiwan kayo at hindi na siya masyadong maka-relate sa inyo at hindi na siya masyadong enjoy. O kaya, noon pa mang barkada kayo, iba na ang utak nya kaya nga umasenxo siya. Kaya lang, sa pagdaan ng panahon, mas na-emphasized ang pagkakaiba nya sa inyo. At siyempre, people avoid what they do not enjoy.

Naiba na ang taste nya at effort mag-adjust sa taste nyo na baka pareho pa rin noong araw.