REST
Unang-una, one way out of depression is rest, sleep and
peace. Kailangan mo ng recess. Isa sa mga Sampung Utos ng Diyos ang
pamamahinga.
Exodus 34:21 “Six days you shall labor but on the seventh
day you shall rest; even during the plowing season and harvest you must rest.”
Bawat anim na araw ng pagtatrabaho ay babawian at puputulin
mo. Magpapahinga ka sa ikapitong araw. Hindi dapat paggiyerahan kung kailan
yung ikapitong araw na yun. Ang pinag-uusapan natin ay dapat may break o
magkaroon ng pahinga ang bawat anim na araw na tuloy-tuloy na trabaho. Kapag pa
tag-ani o taniman, magpapahinga ka pa rin. Alam nyo, maigsi ang panahon ng
tag-ani at taniman lalo doon lalo doon sa ibang bansa dahil nag-iiba ang klima.
Pagka hindi ka kumilos nang mabilis, maiiwan ka ng panahon. Pero sang sabi nya,
kahit pa nga ganun, magpapahinga ka pa rin kahit pa nga oras ng taniman o
pag-aani.
Many people become depressed for lack of rest—physical,
mental, social or spiritual. Kung nade-depress kayo o nalulungkot, may
posibilidad na you are overproducing, because you must not mistake activity for
achievement, but probably you are overactive and there is no more rhthym in
your body. Maging ang Panginoong Hesus noong sila ay nanggagamot at nangangaral
ay nagpahinga.
Mark 6:31 Then, because so many people were coming and going
that they did not even have a chance to eat, he said to them, “Come with me by
yourselves to a quiet place and get some rest. Hindi magkamayaw ang mga tao na
pumupunta sa kanila. Hindi sila makapagpahinga. Punong-puno sila ng trabaho at
hindi mapatid-patid ang ipinapanalangin, tinuturuan, pinapalayas na espiritu,
ginagamot, kaya sinabi ng Panginoon, :Halikayo. Kayo lang, huwag kayong magsama
ng pasyente. Pupunta tayo sa isang tahimik na lugar at nang makapagpahinga.”
Nakita nyo? Kahit na napakabuting gawain, kahit na nakataya ang buhay ng iba at
mga pagod nila’t mga kung anu-ano, dapat ding magkaroon ng break yung
manggagawa. Hindi marapat na sobra ang inyong pagtatrabaho dahil mayroon kayong
binubuhay na tao, mayroon kayong papaaralin, mayroon kayong gustong i-save.
Dapat bini-break yun ng pahinga dahil may hangganan ang kaya ng tao. Alam yun
ng Diyos na nagdisenyo sa atin kaya nag-utos Siya—six days you shall labor and
on the seventh day you should rest. So kung mayroon sa ating sobrang
nalulungkot at nagdadramang bukid, baka naman pagod lang yan. Mag-isip-isip at
baka kailangan lang ng pahinga.