Monday, September 12, 2022

LOOK FOR THE GOOD

 

This is very much related to rule number one.

Hebrews 12:2 Let us fix our eys on Jesus, the author and perfector of our faith.

        The context here is that if you are in a Christian community and fix your eyes on people, mawawalan ka ng gana. May mga mangilan-ngilang tao na nakakagana rin sila. But if you look deep enough, you will realize that your heroes are just like you and me. So, nawawalan ka ng gana. Nadi-disillusion ka dahil nakikita mo ang kanilang weaknesses. Kaya ang sabi, fix your eyes on Jesus. Do not look only at the faults and failures of others. But look for the best in them and the positive aspect of all circumstances.

        Pag sinabing fix your eyes on Jesus, it means to focus on Jesus or to look for Jesus in people and fix your eyes on the part of Jesus in people. Pag may tiningnan tayong tao , sino bang nakikita natin? Kung minsan, “Kitang kita ko si taning sa taong ito.” It can happen. Sa atin din, yun ang pwedeng makita ng iba. Pero pag yun lagi ang hinahanap natin. “Ano ba ang masama ditto? Ano’ng mali nya? Anong error nya? Eh di lagi kang miserable because one of the easiest things to do in life (and I guarantee that you will be successful when you do this) is to look for faults. If you look for faults in people, you will always succeed. Then sometimes your success is so resounding that it destroys you. Kaya fix your eyes on Jesus. Oh eto yung asawa ko. Eto yung anak ko. Eto yung nanay ko. Eto yung kapatid ko. Eto yung employer ko. Eto yung empleyado ko. I will look for Jesus in this person and fix my eyes on that aspect. Kaya pwede mong masabing, “Mali siya sa ganito. Mali siya sa ganyan” Pero mayroon naman siyang character na kitang kita mo yung love ni Christ or orderliness nya or yung goodness nya. It is true that you will always find something wrong in a person but it is also true that inside everbody is also some good.

       Sabi nila, love is blind. Yes, blind to the faults of the one you love because you choose to be blind. Pagka mahal mo ang iyong anak at siya’y nakabasag ng plato. ‘Anak, nasaktan ka ba?” Pero pag maid ang nakabasag. “Mahal yan.” Eh, kasi baka hindi mo mahal ang maid, ano? Eh,mahal mo yung anak mo. So, nakakahanap ka ng dahilan because you look for the good in the person. “Good na good ang anak kong ito. Sigruo nahilo.” Eh yun pala kamukhang-kamukha nyo kaya mahal na mahaal nyo. Nakikita natin na kapag hinanap natin sa tao yung kamukha ni Hesus, mapapamahal sya sa atin. When do you know that you’re beginning to fall out of love? When you no longer hide from yourself the mistakes of the person, and when you no longer justify the mistake and, in fact, kayo na yung nagko-condemn nung mga mistakes na yun. So, kung mamahalin natin ang isang tao, hahanapin natin yung good sa kanya. You want to be happy? Fix your eyes on Jesus in every person. You will see a lot of it. Then you will be happy.

No comments:

Post a Comment