Wednesday, August 28, 2019

Masama bang magninang/magninong sa binyag at sa kasal ang isang born-again?


Isang maselang bagay! Ang kaselanan ng bagay na ito’y cultural. Tayong mga Pilipino ay maka-kamag-anak, mahilig makipagkapwa at mahilig makipagkaibigan. Part of our culture yung positive na pakikisama. Noong dumating yung Protestantism, because they don’t have child baptism, itinuro ng mga missionaries sa atin yung napaka-simplistic approach na ‘Humiwalay kayo, huwag nyong gawin. Kasi hindi nila nauunawaan sa ating kultura yung Anakin mo yung nagpapaanak sa’yo. Lalo’t pamangkin mo, pinsan mo, etc., etc. Hindi ganun kasimple. Sa culture nila na individualistic, kaya nilang sikmurain yon. Kaya yung mga sekta na sumusunod sa ganung payo, dapat nilang isa-alang-alang na iba ang kultura ng nagpayo at iba ang kultura ng pinayuhan. Let me tell you a story. Minsan may lumapit sa akin para Anakin ko raw sa binyag ang anak niya. First and foremost, pag kayo’y nilapitan ng ganito, dapat kayong matuwa kasi it’s an honor. Huwag nyong sabihing, Lumayo ka sa akin, satanas! Honor yun at una mong gawin, magpasalamat ka at napili kang ninong o ninang. So sabi ko, “Ano bang ibig sabihin na gusto nyo akong gawing ninong?” Eh kasi, nakikita naming na mabuti kayong tao. Parang gusto naming ang iyong example. Sabi ko, “Mabuti naman at ganun ang impression nila.” Bukod dun gusto naming lumaki yung bata na may relasyon sa isang tulad nyo. Sabi ko, “Aba, kung ganyan ay tinatanggap kong buung-buo ang pagiging ninong, tinatanggap ko yung responsibilidad at yung relasyon. Pero pwede ba, excuse na lang ako doon sa seremonya? Natural, nagtanong siya. Eh, bakit naman ho? Ipinaliwanag ko. Kasi ho sa Bible, wala naman hong ganyan na nagbibinyag ng bata. . Sa katunayan, si Birheng Maria na inyong pinupuri at iginagalang ay hindi naman niya pinabinyagan si Hesus. So, ano sa palagay nyo, tama si Maria o hindi, na hindi pabinyagan si Hesus? Eh, siyempre, mabuting Katoliko, sabi nya, eh siguro, tama siya. Alangan namang sagutin nya, mali si Maria. Sabi ko, “Inialay nila sa Panginoon, dinala nila sa temple, pero hindi bininyagan. Alam nyo, na kay tanda-tanda na ni Hesus nung nagpabinyag. So ibig sabihin, hindi dapat binyagan ang bata.” Ipinaliwanag ko yung buong doctrine. Alam nyo, sabi nya, Eh di huwag na lang hong binyagan. In other words, nagkaintindihan kami at di kami nagkagalit. Kailangang igalang nyo yung tao. Una, pasalamat kayo at kinukuha kayo. Maganda ang intensyon. Una, pasalamat kayo at inukuha kayo. Maganda ang intensyon nila. Second, accept the responsibility but excuse yourself from the ritual. Hindi nyo sasabihing, Hindi ako pwede, masama yan, born-again Christian kasi ako. Huwag tayong napaka-self-righteous, napaka-judgmental, walang kapreno-preno at nasagasaan na ang lahat ng tao. Nasaktan na ang lahat ng damdamin. Wala naman tayong na-win na kaluluwa, nainis lang lalo sa atin. Mangyari, marami sa atin, a-attend ng libing olamay ng Katoliko; naku, kapag magpapadasal na, takbuhan na sa labas! Akala mo naman, uulanan kayo ng asupre dun sa loob. Ano ba naman ang masama na maging polite lang? Just be polite. Hindi mo naman kailangang umalis dahil kahit sa palengke, kahit sa tricycle, kahit saan, may mga impakto. Yung iba, makikipaglibing, tapos pag ipapasok na yung bangkay sa simbahan, maiiwan sa labas. Akala mo naman bahay ng diablo yung simbahan. Alam nyo, kung perfect na kayo at yan  na lang ang kaisa-isa nyong kapintasan, ay huwag kayong pumasok. Pero kung marami pa naman kayong ibang imperfections, huwag kayong maarte. Kung ayaw nyong sumali sa seremonya, maupo kayo dun sa medyo dulo, but be polite. Huwag kayong daldal nang daldal sa katabi nyo na, Mali talga yan, mali ang ginagawa nyo ditto, blah-blah-blah. Pag ganyan kayo, wala kayong madadala kay Lord. Walang matutuwa sa inyo, maski ang Dios! Si Hesus nga na nasa langit, nagpunta sa lupa at nakisalamuha sa mga tao para sila’y madala sa paanan ng Diyos. Ba’t hindi tayo makikisalamuha? Ano naman ang mawawala sa inyo? Natanggal ba yung kaligtasan nyo?
Para sa akin, kung hinihingi ng pagkakataon, I will be kinder and nicer to people. In other words, you earn your right to be heard. You can’t preach from an ivory tower.


No comments:

Post a Comment