Saturday, August 24, 2019

What Should We Do With Bitterness


Bitterness must be acknowledged as sin. James 3:14-16 says that wherever there is bitterness, you’ll find every kind of evil practice. Basta’t may bitterness, marami itong anak na maling ginagawa. Sapagkat ang bitter person, tulad ng pinag-uusapan natin, ay laging gumaganti, laging nang-iinis, at lagi na lang gustong manakit.
There’s every kind of evil practice when there’s bitterness. There’s backbiting. Kung minsan, hindi mo alam kung bakit mo bina-backbite ang taong ito. Yun pala’y inggit ka sa kanya. Hindi kailangan  na may ginawa siyang masama. Pero yung gustung-gusto mo sa buhay ay nasa kanya. At parang ang dali-dali namang napupunta sa kanya. Pinaghihirapan mo pero hindi mo makuha. Halimbawa, tatlong taon ka nang display nang display, hindi ka pa maligawan. Minsan lang dumating ang babaeng ito, naligawan siya kaagad. Kaya’t kahit hindi ka inaano, bitter ka na sa kanya. O kung ikaw naman yung guy, ang tagal-tagal mo nang inikut-ikutan ang dalagang ito, walang mangyari. Here comes this guy, kararating-rating lang ay biglang naging nobyo na nya. So you become bitter. Hindi ka inaano pero galit ka sa kanya.
Acknowledge it as sin because the presence of bitterness becomes a parent for many evil deeds. Whether consciously or unconsciously, you would like to get even. Recognize it as sin and treat it as such. Bitterness, of course, stems from lack of forgiveness.
Matthew 6:15 But if you do not forgive men their sins, you Father will not forgive your sins.
It is a sin to harbor bitterness. God commands us to forgive. Whether or not the offense is intentional is immaterial. The point it to forgive. There is bitterness that comes from envy or from jealousy or from being hurt. Look, tama na ang mga dramang bukid. Yung mga di mo nagawa noon, kahit ka pa magngangalngal ay hindi na babalik. However, do something. May natitira pang panahon; hindi pa tapos ang lahat. Dahil habang binabalik-balikan mo yan ay sinisira mo rin itong present. You lose your present and your future if you keep on focusing on the past. Kaya’t i-contain na lang natin ang damage at hanggang doon na lang. Huwag nang palalain pa. If you’re a victim of a broken home, make the most of what’s left. Then make the most out of the experience. Turn every disadvantage into an advantage. Sabi nga, for every tear, a victory. Pwede nating makita ang advantages. Imaginge that our sad experiences have strengthened us to face up to nay challenge of life. Imagine that because we have gone through a loss, ang makikita natin ngayo’y isang improvement. Nagiging advantage din ang makarating ka na sa kababa-babaan dahil kahit ano’ng mangayari ngayon, pasalamat ka nang pasalamat. The present is better compared to the past. You become more appreciative of whatever blessing comes your way.


No comments:

Post a Comment