
Kung pipili lang ako between two extremes, I will never
advice people to borrow. Lalo kung merong interest! Magagalit sa atin ang mga
taga-bangko, pero the point is, ang dami ko nang nakitang hindi magandang
nangyari. It only started as an innocent petty little loan that became a giant
over the years and eventually became a monster that ate them all up. Wala pa
akong maikukuwento sa inyo na nagtagumpay from a loan. Ang maikukuwento ko sa
inyo, puro pighati na galing sa loan.
Sa Bible, hindi rin yan ina-advice eh. Mas mabuting property
na lang ang gamitin nyo para kung nawala man, eh di nawala, pero wala kayong
loan. Magbenta na lang kesa mag-collateral. Ang lakas magpatanda ng utang. Pag
may nakita kayong tao na two months nyo lang hindi nakita tapos biglang tumanda
na parang si Methuselah, maraming utang yon. Lalo kung may interest at
nakakatanggap-tanggap na kayo ng mga sulat ng bangko. Noong una, kaygaganda ng
ngiti sa inyo ng mga receptionist. Pero nang hindi na kayo makabayad,
nakakatakot na mga sulat ang lumalaglag sa inyong kandungan. I personally will
not encourage you to take out a loan.
No comments:
Post a Comment