Saturday, August 10, 2019

Huwag Mabuhay Para Maghanapbuhay Lang


Maraming tao ang may hanapbuhay at ikabubuhay. Huwag mabuhay  lang para maghanapbuhay. Dapat ay naghahanapbuhay tayo para may kainin, para may isuot. At kung may lakas na ang ating katawan, maghahanap na tayo ng magagawa para sa kaharian ng Diyos, kasi tayo’y nabubuhay para palawakin ang kaharian ng Diyos. Hindi tayo nabubuhay para maghanapbuhay lang.
Naghahanapbuhay tayo para may kitain at para may maitulong sa gawain ng Panginoon. Pero di tayo nabubuhay para lang maghanapbuhay. The Christian’s life must revolve around God, His kingdom and His righteousness. Therefore, the Christian’s life must revolve around the church. Why?
Colossians 1:18
Christ is the head of his body, the church.

Maghanapbuhay para may kainin at damtin at para makapaghandog sa Diyos. Subalit di tayo nilikha ng Diyos para maghanapbuhay lang. May itinakda ang Panginoon sa bawat tao—ito ang dapat mangyari sa kanyang lifetime.

Many people can’t serve God because they worry too much. Sasabihin nila, “Di ko yata kayang gawin, wala akong kakayanan, wala na akong oras.” Gawin ninyo at saka nyo mapapatunayan. Sabi ng Lord, “Do this and all the things you think about will be added unto you. “Reveleation 22:12 is clear. Sabi ng Panginoon sa mga taong humarap sa Kanya sa Huling Paghuhukom. “I will give to everyone according to what he has believed.” That’s why we have to deal with worry so we could do more. The body is more important than clothes, so devote more resources to what enters the body, halimbawa, food and medication.

The Christian should value the body more than the clothing that’s draped on it. Ngayon kung marami masyado ang inyong pagpapala eh di pagandahin nyo rin nang maayos pero unahin kung ano ang pumapasok sa ating katawan. Huwag kayong maniwala na ang buhok ay kumakain—kumakain daw ng bitamina, ng kung anu-anong elements. Advertising lang yan. Walang bibig ang buhok. Napakahalagang isipin na palusugin ang katawan.

Gusto ko kayong i-challenge na i-review ang inyong family budget at personal budget, lalo na ang mga yuppies. Gaano kalaking pera ang napupunta sa mga text load na yan at gaano karami ang napupunta sa loob ng ating katawan na pinapalulusog at pinalalakas natin? Many people kill themselves to make money. And when they do have the money, they spend it all just to get well. Kaya’t mahalaga na unahin ang kalusugan ng katawan. But remember, the Lord didn’t say neglect your looks. What He said was not to worry about righteousness or what’s inside of you.

Matthew 6:33
But seek first His kingdom and His righteousness and all these things will be given to you as well

Do not worry. Seek God’s kingdom and His righteousness and remember who you are. You are God’s child. So pray to your Father who listens and takes care of those seeking God’s kingdom and righteousness. He will surely take care of everything else. 

No comments:

Post a Comment