Wednesday, August 21, 2019

Is it okay na maniningil ng pautang?


Siyempre! Huwag lang ipitin kung talagang hindi pa kayang magbayad.
 Eh, kapag daw gumawa ka ng mabuti at masama pa ang sukli, charge it to the cross.
Hindi naman tayo gumagawa ng mabuti dahil naghahanap tayo ng mabuting sukli!
Ang totoo gumagawa tayo ng mabuti dahil sinusuklian natin yung ginawa sa atin ng Diyos.
Ang paggawa natin ng mabuti tulad ng hindi tayo naniningil sa kapwa, tayo ay nagbabayad-bayad sa Diyos. So, ke bayaran tayo ng mabuti, ke hindi, that is irrelevant.
Gumagawa tayo ng mabuti dahil nauna nang gumagawa sa atin ng mabuti ang Diyos.
Huwag nyong papayagan na yung sukli ng kapwa sa inyo ang magdi-determine kung anong gagawin nyo.
Paano kung sinuklian kayo ng masama? Masama din ba gagawin nyo? Wala naman yata kayong sariling bait, wala kayong sariling paninindigan pag ganyan.
Remember this—when you do good to others you are not planting an investment, you are repaying God a little bit.
Ngayon, kung yung ginawan nyo ng mabuti ay ginawan din kayo ng mabuti, eh di bonus na yun! Pero hindi nyo dapat yun hanapin.


No comments:

Post a Comment