Thursday, August 29, 2019

Roots of Favoritism


Ano ang pinanggagalingan ng favoritism? One is pleasure. Yun bang “I am pleased with my son” or “I am pleased with my daughter.” Tuwang-tuwa si Isaac sa kanyang anak na mahilig sa labas at laging wala. Ganun din kasi si Isaac. This son pleased him more. Si Rebecca naman ay paborito ang mas batang anak. Laging maayos, madalas sigurong naglilinis ng mga Tupperware nilang lalagyan, nagva-vacuum ng mga tent nila. Laging tumutulong kaya’t paborito ng nanay.
Sa mga magulang: Kung magiging honest kayo, mayroon  kayong favorite. Favorite nyo siyempre yung nagbibigay ng pleasure. Yung thoughtful na anak, yung masipag na anak ay nagiging favorite. Kung minsan ay baliktad. Yung tamad ang paborito. Di natin alam kung ano ang nagiging factor dito. But one is a favorite because he or she adds or gives more pleasure than the others. Mayroon naman, nagiging paborito natin ang isa dahil inuugnay natin siya sa taong gusto natin. Halimbawa, tuwang-tuwa ka sa nanay mo. Kamukhang-kamukha naman ng anak mo ang nanay mo kaya’t mahal na mahal mo na agad. Inis ka sa tiya mong ubod nang sungit. Naging kamukha ng anak mo. Kaya’t kakapanganak pa lang ay yamot ka na sa batang yan. Nangyayari yan, di ba? We associate people with other people that we either like or dislike. And they become innocent victims of our prejudices.
We also associate people with good luck or bad luck. Sabi natin, “Mula nang ipanganak ko to, nagkamalas-malas na ang buhay natin. Ipinanganak pa lang yan, nawalan nang trabaho ang tatay nya. Nasunugan tayo, nagkaroon tayo ng sakit, etcetera. Mala sang batang ito!” Kaya’t hindi na paborito. Mayroon naman, nang ipinanganak siya’y nagkaroon ng promotion ang tatay nya. Noon sila nanalo ng kung ano, noon sila nagkaroon ng pagluwag sa buhay. Sabi, “Swerte ito. Itong paborito natin.” Kaya’t tuwing ipakikilala, “O, ito yung anak kong malas. Ito yung swerte”. Nadidinig yan ng mga batang maliliit at nagkakaroon sila ng inferiority complex. Matatalino pa ang mga yan sa atin. Alam nila pag sila’y liked or disliked. Probably you were a victim of this.
Kung minsan, nagiging paborito ang isang bata dahil magandang lalaki o babae, o di kaya’y matalino. It brings honor to the family to have such a child so he or she becomes the favorite. Sometimes those with good manners become the favorite. O kaya’y dahil sipsip ang anak di ba? Very thoughtful, makarinyo, laging ganyan. Papasok lang sa eskwela, pag-uwi ay may pasalubong pang dalandan. Siya tuloy ang nagiging paborito.


No comments:

Post a Comment