Ang kamalian ng lotto, sweepstakes o lahat ng sugal, ang
pupunta sa inyong pera kung manalo kayo ay galing sa iba. May nanalo dahil
maraming talo. Sasaya kayo dahil may lulungkot. Something is wrong with you
kung tuwang-tuwa kayo dahil nanalo kayo kahit dugo ng iba yan. Bakit hindi nyo
na lang straw-hin ang dugo nila? Diretsuhin nyo na lang dahil ganun din yon.
Pag ang inyong kaligayahan ay kalungkutan ng iba, masama yon. May kumabig dahil
merong natalo. Hindi yun mabuti. Kahit anong uri ng sugal, uwi-uwi nyo ang
panalo at kung kayo ay may diwa ng Espiritu ng Diyos, malulungkot kayo para
doon sa natalo.
Kaya nyo bang sumaya kung ang napalunan nyo ay galing sa
pera ng iba? Halimbawa sa sabong, uuwi ang nanalong sabungero, magbo-blowout ng
pamilya pero maraming uuwi na natalo at aawayin ng asawa dahil wala silang
isasaing at kakainin. Napunta na doon sa nanalo. That is what is evil with
gambling.
We Christians don’t take games of chance. If we want to have
money, we work. Dapat nagkakapera kayo dahil nagtatanim kayo ng talong, pechay
or kung anu-anong gulay at naiibenta nyo. May production kayo kaya kumita kayo;
may nakakain pa ng gulay nyo. O kaya bumili kayo ng pisong isda, ibinenta nyo
ng dalawang piso. O kaya iniluto nyo, nilagyan nyo ng konting kamatis, naging
limang piso. O bibili kayo ng ganitong buto, itatanim nyo, after a few months
namunga, ibinenta nyo, kumita kayo. May investment, may development.
In other words, may creative process. May napo-produce na
bagong produkto. Karapat-dapat lang kayong kumita pag ganon. Pero naman, yung
nagtayaan tayong apat, naghagis tayo ng barya at kung anong hulog noon, winner
take all. Nasaan ang production don? Wala. Investment. Meron lang tatlong
natalo, kaya ako nagkaroon. Tapos kukuha ng komisyon, ng tong ang lahat ng
nag-administer don. That is not right. Ang daming talo. Yung buong ekonomiya
talo kasi walang production. Yung ibinigay ni Lord na mga talents, ini-expect
ni Lord na magkakaroon ng production. Gambling is immoral because there is no
production. You earn something that you never really earned out of being productive.
You actually siphoned it from somebody else’s blood. Wala nang production,
nalugi pa ang planeta. Dahil yung nag-organize ng pasugal, siyempre may tong,
merong administrative cost, so hindi lahat ng itinaya ay maiuuwi ng nanalo; may
napupunta pa sa kung saan. So, kahit pa church ang nagpapa-bingo o raffle,
gambling pa rin yan.
Oo nga naman,mabuting aral ito.maraming salamat po.at lalo na sa Lord,ngayon alam ko ng hindi mabuti talaga ang ganitong sugal.
ReplyDeletePastor Ed, eh yun pong mag work sa Casino mismo, bilang Card Dealer, Supervisor etc...advisable po ba?
ReplyDeletebawal po ba ang jueteng
ReplyDelete