Wednesday, December 28, 2022

BAWAL BA ANG LOTTO SA MGA CHRISTIANS?

 Ang kamalian ng lotto, sweepstakes o lahat ng sugal, ang pupunta sa inyong pera kung manalo kayo ay galing sa iba. May nanalo dahil maraming talo. Sasaya kayo dahil may lulungkot. Something is wrong with you kung tuwang-tuwa kayo dahil nanalo kayo kahit dugo ng iba yan. Bakit hindi nyo na lang straw-hin ang dugo nila? Diretsuhin nyo na lang dahil ganun din yon. Pag ang inyong kaligayahan ay kalungkutan ng iba, masama yon. May kumabig dahil merong natalo. Hindi yun mabuti. Kahit anong uri ng sugal, uwi-uwi nyo ang panalo at kung kayo ay may diwa ng Espiritu ng Diyos, malulungkot kayo para doon sa natalo.

Kaya nyo bang sumaya kung ang napalunan nyo ay galing sa pera ng iba? Halimbawa sa sabong, uuwi ang nanalong sabungero, magbo-blowout ng pamilya pero maraming uuwi na natalo at aawayin ng asawa dahil wala silang isasaing at kakainin. Napunta na doon sa nanalo. That is what is evil with gambling.
We Christians don’t take games of chance. If we want to have money, we work. Dapat nagkakapera kayo dahil nagtatanim kayo ng talong, pechay or kung anu-anong gulay at naiibenta nyo. May production kayo kaya kumita kayo; may nakakain pa ng gulay nyo. O kaya bumili kayo ng pisong isda, ibinenta nyo ng dalawang piso. O kaya iniluto nyo, nilagyan nyo ng konting kamatis, naging limang piso. O bibili kayo ng ganitong buto, itatanim nyo, after a few months namunga, ibinenta nyo, kumita kayo. May investment, may development.
In other words, may creative process. May napo-produce na bagong produkto. Karapat-dapat lang kayong kumita pag ganon. Pero naman, yung nagtayaan tayong apat, naghagis tayo ng barya at kung anong hulog noon, winner take all. Nasaan ang production don? Wala. Investment. Meron lang tatlong natalo, kaya ako nagkaroon. Tapos kukuha ng komisyon, ng tong ang lahat ng nag-administer don. That is not right. Ang daming talo. Yung buong ekonomiya talo kasi walang production. Yung ibinigay ni Lord na mga talents, ini-expect ni Lord na magkakaroon ng production. Gambling is immoral because there is no production. You earn something that you never really earned out of being productive. You actually siphoned it from somebody else’s blood. Wala nang production, nalugi pa ang planeta. Dahil yung nag-organize ng pasugal, siyempre may tong, merong administrative cost, so hindi lahat ng itinaya ay maiuuwi ng nanalo; may napupunta pa sa kung saan. So, kahit pa church ang nagpapa-bingo o raffle, gambling pa rin yan.

ANO ANG DAPAT GAWIN SA MGA TAONG HINDI MO GUSTO?

 May mga tao talagang kahit hindi ka naman inaano, naiinis ka sa kanya. Naiinis ka kung paano siya magsuklay, naiinis ka kung paano siya umupo, naiinis ka kung paano siya tumawa. Pero di ka naman niya inaano. Would you prefer na nagugustuhan mo siya? Hindi ba ang daming mga ipokrita? Pabeso-beso, pa chika-chika, pero gustong magkagatan. Kung pwede lang sakmalin ang leeg ng hinahalikan ay gagawin.


What can we do with people we don’t like? First of all, let’s try to like them. Let’s dig and find Christ in them. Kung talagang walang makita, let’s dig deeper and find bits of Christ in bits of them. Dahil hindi pwedeng wala tayong makita. Humanap ng mapupuri at magugustuhan at yun na lang ang palakihin natin sa ating isipan para magkaroon tayo ng positive disposition. Kung naghalukay ka na nang todo at wala ka pa ring makita, what can you do? Don’t pretend to like the person. Just be polite. Kung dumarating siya, you can smile pero di kailangang, “Hi, I’m so glad to see you.” Kunwari lang naman pala, di ba? Hindi natin kailangang mag-pretend.

Don’t feign affection or fondness. Madalas ay ginagawa natin yan sa mga bata. Ang mga bata’y malilikot. “Energetic pala ang mga anak mo.” Ang second reading pala’y “Ang lilikot pala ng mga yan.” Kung di ka talagang natutuwa ay huwag kang mag-pretend. May kasamang bata ang bisita mo sa bahay, nakabasag ng pigurin at naiinis ka. Huwag mong sasabihing, “Okay lang, okay lang.” Ang sabihin no, “Well, mapapalitan din naman yan” or something. But say something . Hindi mo kailangang sabihin na balewala sa’yo kung talagang ininda mo eh. Lying na yon. Gaano kaya karami sa atin fall into this? Trying to be Christian by being un-Christian, trying to be loving by lying? What do we do with people we honestly don’t like? Let’s just be polite with them. Live and let live but don’t make any pretenses.

There’s something that’s very godly to do. Try to like the person and you will see na may makikita kang likable sa kanya. Try to befriend the person if you can pero huwag mag-pretend na tuwang-tuwa ka sa kanya. Just go along with the person and find something good in him or her. At sa totoo lang, may makikita.

BAKIT TAYO NAKAYUKO PAG NAGDARASAL?

 Kaya tayo yumuyuko, it’s a symbol of humility.

Well, kung gusto nyo tumingala, pwede, kaya lang nakakangawit naman yun.
Alam nyo, ang Diyos ay nasa lahat ng dako.
So it doesn’t really matter kung nakatingala kayo, nakatabingi o nakataob.
Ang mahalaga, ang puso ninyo ay nakatuon sa Panginoon.
Kadalasan, kaya tayo yumuyuko para huwag na nating makita yung iba.
Para makapag-concentrate. Kasi kung nakatingin ka kung saan-saan, nadi-distract tayo.
Sasabihin mo, Ay, si ano hindi nakayuko. Ay, hindi nagdarasal.
Nagiging judgmental tuloy tayo. Kaya mabuti pa, manahimik at yumuko na.


Saturday ba o Sunday ang araw ng Sabbath?

 Kailan ba ang Sabbath? Linggo ba yun? Saturday ba yun? You know what the word Sabbath means? Seventh. When you count starting from Sunday, ang seventh nyo, Saturday. When you count starting from Monday, ang Sabbath nyo nagiging Sunday. Eh, kung nag-count kayo starting ng Thursday? Eh di, Wednesday. What I’m trying to say is, hindi naman sinabi ng Diyos na ang Sabbath ay araw ng Sabado o araw ng Linggo. Sabi niya sa Exodus 20:9,10. Six days you shall work and the seventh is a Sabbath in the Lord. Meaning? Kung nagtatrabaho ako mula Miyerkules, eh di ang Sabbath ko, dapat Martes!

What God is concerned with is not the schedule of the Sabbath but what should happen in the Sabbath—that you should break every six days of work with one day of rest, that you should not abuse yourself.
God likes us to break six days of work with a day of rest. Does it matter when? Do you think God, in His greatness, is concerned about when? He just likes you to rest. That’s really the point. So just take a break. Huwag mag-giyera about the exact day. Exactness especially on time issues is a modern-day syndrome.

CALL FOR GOD’S HELP

 

First of all, we need to call for God’s help. Dapat kilalanin ng tao na kailangan nya ang Diyos. Hindi lang yun, dapat tumawag siya sa Diyos.

Psalm 30:2 Oh Lord my God, I called to you for help and you healed me.

So ano ang nangyari bago nagka-healing? Tumawag muna ang tao sa Diyos. “Tulungan nyo po ako, pagalingin nyo po ako,” at dumating ang sagot. Man’s part is to call for God’s mercy.

Psalm 30:8 To you, Oh Lord, I called, to the Lord I cried for mercy.

Habag lang, hindi justice, ang hinihintay natin sa Diyos. Because if you want justice, what can you get from God but punishment? Maaaring may nagagawa tayo paminsan-paminsang tama pero gaano karami naman yung mga nagagawa at naiisip nating hindi tama? So you seek God’s mercy.

Ano man ang sitwasyon natin, malala o maliit pa lang, tumawag na tayo sa Diyos. Kung minsan yung maliit na problema lumaki tuloy dahil hindi ka tumawag sa Siyos. Akala mo maliit lang, kayang-kaya. Lagi at every level let God be relevant.

Jeremiah 33:3 Call to me and I will answer you and tell you great and unsearchable things you do not know.”

 Tumawag ka lang. Yung mga hindi mo nauunawaan ipauunawa ko sa iyo. Yung hindi mo nakikita ipapakita ko sa iyo. Ang liit-liit pa ng alam mo, palakihin natin. Sabi nya, tumawag ka. And seek mercy, habag, awa.

 Psalm 6:9 The Lord has heard my cry for mercy, the Lord accepts my prayer.

Isaiah 55:7 “Let the wicked forsake his way and the evil man his thoughts. Let him turn to the Lord, and he will have mercy on him and to our God, for he will freely pardon.”

Ito pa lang. Sabi, kung ang dahilan ng inyong mga kalungkutan ay alam nyo naman na dahil sa kasalanan, sa kamalian, sa kapabayaan, palitan ang pamamaraan. Iwanan ang mga masasamang pag-iisip at makipagkasundo sa Diyos. Siguradong ikaw ay kahahabagan. At nagpapatawad siya nang walang sinisingil. Walang hihinging bayad sapagkat siya ay mabuti. Yung mga iba pag sinabi mong lumapit sa Panginoon, sasabihin, “Ang layo ko na e.” Eh di kailangang lalo ka ngang lumapit. Hindi ka naman sisingilin. Kailangan mo lang magbalik-loob. Mas malayo o mas malalim ang paghuhugutan, mas makikilala mo ang grasya ng Diyos. Hindi dahilan yung sobra ka nang nagkalubog-lubog sa kasalanan, sa pagkakamali at sa kasamaan para hindi manumbalik sa Siyos because he forgives freely. Hindi naman susukatin kung gaano yung kasalanan mo’t ganun din ang sukat na sisingilin sa iyo par aka patawarin. So ano ang dapat na ipagdalawang-loob, ano ang dapat na ipagpatagal pa sa paglapit sa Diyos?

 

THE LORD’S PAST VICTORIES

 

Kung tayo man ay nahihirapan o natutuksong maawa sa sarili, alalahanin lang natin ang mga tagumpay na ibinigay na sa atin ng Diyos noon pa man sa hinaba-haba ng buhay natin at magkakaroon na tayo ng dahilan para magpuri sa Diyos. Yun lang nandyan pa kayo at humihinga at buhay pa, hindi ba isang patotoo sa kabutihan ng Diyos, sa dami  ng posibilidad na hindi na tayo dapat humihinga ngayon at wala na tayo dapat ngayon sa balat ng lupa pero nandito pa tayo. That is the proof of God;s blessings.

Tuesday, December 20, 2022

HUWAG MAINGGIT SA MGA NAGTATAGUMPAY

 Do not envy those who are successful. Kung sa palagay nyo may taong mas matagumpay kaysa sa inyo, tandaan ninyo ito: pana-panahon lang yan. Mas matagumpay siya ngayon but you don’t know about tomorrow. Kaya huwag ninyong palaging ikinukumpara ang inyong sarili sa iba. Compare yourself with yourself. Dapat umasenso ka hindi dahil mas gusto mong higitan ang iyong kapatid o pinsan o kapitbahay. Dapat na umasenso ka kaysa sa sarili mo five o ten years ago because you have only yourself to compare yourself with. Natututo tayo sa ating mga pagkakamali. That we are able to pick up the pieces when we get broken every now and then. That we become better person than we previously were. Napakahalaga niyan. We must not envy those who are successful; we must use our envy to position ourselves correctly to receive God’s favor. We must be thankful and grateful not only for our success but also for the success of others.

Do not be judgmental towards “successful” people who by your standards are not godly enough. Kung minsan sinasabi natin, “Eh bakit yan hindi naman godly, naging successful.” Anong malay natin kung ano ang laman ng puso ng isang tao? Anong malay natin kung anong namamagitan sa kanya at sa Diyos? We cannot be judges. Ang Panginoon ang siyang Hukom at gagawin Niya ang paghuhukom sa Kanyang pagbabalik. Huwag natin Siyang unahan. Walang nakakaligtas sa Kanya dahil nakikita ng Diyos ang lahat. Let us not judge other people. Sa palagay nyo ba merong isang taong hindi nakikita ng Diyos at hindi Niya alam kung anong nangyayari sa buhay niya. At kung may pinayagan ang Diyos na mangyari sa kanyang buhay na sa tingin natin ay parang hindi Niya karapat-dapat tanggapin, may karapatan ba tayong manghusga? Let us not be judges. Let God be the judge. For with the judgment we pronounce, we will also be judged. The measure we give is the measure we get.
     
 Huwag tayong maiinggit kahit kaninong taong nagmukhang matagumpay sa masamang paraan. Alam natin na may paghahatol ng Diyos diyan. At kahit yung mga taong parang ang yaman-yaman, makapangyarihan at maraming na-e-enjoy sa buhay kahit mali-mali ang pamumuhay nila, anong malay natin sa mga pagdurusa na nagaganap sa kanyang kalooban na hindi kita ng ibang tao? Anong malay natin sa mga kabigatan na kanyang dala-dala maging siya’y nakaupo sa magagandang upuan at nakahiga sa magagandang higaan? Anong malay natin kung nakakatulog siya o hindi? Ang dapat na binabantayan natin ay ang ating sarili, sapagkat nakikita ng ating Panginoon ang lahat.

Sunday, December 4, 2022

TANGGALIN ANG GALIT SA PUSO

  May gumawa sa iyo ng masama noong araw, hanggang ngayon inaalala mo pa? Ang totoo noon, paulit-ulit na nagagawa sa iyo ang masama kahit wala na siya dyan kasi nire-replay mo. Lugi ka.

     Kung mayroon kayong dapat patawarin, huwag yung kapag naghihingalo na siya o naghihingalo na kayo saka pa kayo nagpapatawaran. Patawarin nyo agad. Nakalaya siya, makakalaya kayo, mas luluwag ang buhay. Huwag kayong magtanim ng sama ng loob. Yung puso nyo dapat tinataniman ng pag-ibig, hindi ng sama ng loob. Hindi ng galit, hinanakit, himutok, mga pains o sorrows. Minsan na kayong nasaktan, tama na. Ilibing nyo na forever. Magpatawad na kayo para hindi maulit. Kasi habang sinasariwa nyo, bumabalik yung galit, bumabalik yung sakit. Sinong lugi? Eh di kayo. Mas maaga, mas mabuti. Kasi maigsi ang buhay. Sayang ang bawat saglit na inubos mo sa pagiging galit. Pwede mo naman sanang inubos mo sa pagiging masaya. It is your decision.
   
      Ephesians 4:31
      Stop being bitter and angry and mad at others. Don't yell at one another or curse each other or ever be rude.

      Sayang, minsan ka lang nagkaroon ng araw, ng petsa, ng taon na ganito sa buhay mo, may nakaaway ka pa? Di ba, sayang? Mas maganda kung may naging kaibigan ka. Huwag sasayangin ang bawat sandali.

       Philippians 3:13
       ...I forget what is behind and I struggle for what is ahead.

        Nililimot ko na yung tapos na. Kung mayroon kayong kamag-anak o kapatid, mahal sa buhay, asawa o magulang na nakagawa ng isang malaking pagkakamali noong araw at alam nyo yun. At pwedeng-pwede nyong isumbat o tapunan ng isang tingin kapag siya ang tinatamaan ng conversation kahit hindi alam ng iba. Pwedeng-pwede nyo siyang i-blackmail, huwag nyong gawin. Release the person. Limutin nyo na. At ang mga nagawa nilang mali noon, lalo't ikinahihiya nila, ikinasasama ng loob, huwag na huwag na nyong uungakatin pa. Yun ang pagpapakatao. Sinasabi, don't hit below the belt. Kahit sa boxing may batas. E, kalaban mo yun sa boxing, yun ba namang kapatid at mahal mo sa buhay, yung bang pag mayroon kang galit o inis, inilalabas mo yung baho nya? Inuungkat mo yung pagkakamali nya? It is cruel. It is unkind. It is ungodly. And even if you were able to hurt the person, do you think you can get away with it unscathed? No, kayo man, kahit galos magkakaroon. So huwag na huwag nyo nang uungkatin pa. Lalo't maselan, pinagsisihan o ikinahihiya na nga ng inyong kapwa.

Saturday, December 3, 2022

MATUTO KANG LUMUGAR

 Isa sa pinakamahalagang qualities ng isang tao ay yung paglagay niya sa lugar. Hindi siya lumalagay sa hindi niya dapat kalagyan at hindi niya inagaw ang lugar ng may lugar. Nang likhain ng Diyos ang sansinuklob, inilagay niya ang lahat ng bagay sa tamang lugar.

        
         Genesis 1:16-17 God made two great lights- the greater light to govern the day and the lesser light to govern the night. He also made the stars. God set them in the expanse of the sky to give light on the earth.
       
         In fact, the Lord set not only the stars in their places, but he set all things in their right places. Creation is a clear display of order. Ang tubig, dagat at bundok ay may mga hangganan. Even the creation of a nation has a clear set of boundary and positioning.
        
        Proverbs 28:2 When  a country is rebellious, it has many rulers; but a man of understanding and knowledge maintains order.
         
         A man of understanding and knowledge – in other words, a godly man- maintains order because God is a God of order. And what does “order” mean? It means everything is in its place. Nagiging magulo raw ang isang bansa kung marami ang naghahari, kung maraming mga tao ang pumupuwesto sa hindi naman nila lugar. Tumingin tayo sa paligid. Bakit palagi nang binabaha ang Metro Manila? Dahil tinitirhan ng mga tao sa tabing-ilog. Hindi dapat binabarahan ang tabi ng ilog para sa tag-ulan, buong luwag na makapaglalakbay at makararating sa dagat ang maraming tubig na bumababa mula sa mga bundok. Pero dahil maging ang kadulu-duluhan ng mga ilog ay tinutungtungan na ng mga poste ng mga bahay, nababarahan ang daloy ng tubig sa ilog. Maging ang mga easements na hindi dapat binabahayan ay nakakamkam na rin. Ano ngayon ang nangyayari? Pag umulan, walang mapuntahan ang tubig at nabubulok ang mga estero sa paligid natin. Alam ninyo bang binalak noong gawing parang Venice ang Maynila sa dami ng mga kanal nito? Ngayon, anong Venice? Na-panis ang plano dahil ang nangyari tinirahan ito ng mga tao, hinagisan ng basura at kinamkam ang mga ilog.
        
         Maging sa paglalagay ng bahay, dapat lang itong itirik sa tamang lugar. Tingnan ninyo ang mga kapatid nating Mangyan. Ang gagaling nilang gumawa ng bahay. Naroon sila sa gilid ng burol na hindi tinatamaan ng malalakas na hangin. Marurunong sila. Malayo sila sa disaster dahil nasa tamang lugar. Tandaan natin, kapag tayo ay nasa maling lugar, umasa kang disaster ang laging kasunod.
       
         Pag sumakay kayo sa eroplano, makikita ninyo na ang luwag-luwag ng Pilipinas. Makikita ninyong nagsiksikan ang mga tao sa bayan at maraming malalaking espasyong walang katao-tao. But because of misgovernance and bad management of the countryside, everybody flock to the city. The countryside is very rich but there are no economic opportunities. Kaya lahat dumadayo sa mga siyudad kahit na wala nang matirahan at nagsisiksikan. Hindi masikip ang Pilipinas, wala lang sa tamang lugar ang ibang tao.
       
To survive,  to thrive and to be a winner, we need our natural gifts and talent. Maraming mga magulang na sa kagustuhang ang mga anak nila ay maging inhinyero, doktor o nars kaya pinipilit ang mga anak kahit hindi yun ang talent nung bata. Kaya maganda yung lumulugar tayo sa tama.