Ang kasabihang ito ay hindi biblical thought. Ito ay kasabihan ng ating matatanda at hindi naman yan totally wrong.
Thursday, January 26, 2023
Ano ang ibig sabihin ng kasabihang, ‘Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa’ ? Isang principle ba ito para ma-save ang kaluluwa?
Saturday, January 21, 2023
Kung sa isang church ay puro disiplina, panghuhusga at masamang isipan, dapat bang manatili sa church?
Yes! Kasi kung hindi tayo mananatili, paano natin makokorek yun?
HUWAG MAWALAN NG PAG-ASA
Marami ngayong mga kabataan sa Singapore, Hongkong, Japan at
Taiwan na nagpapakamatay dahil mababa ang grade sa school. Naku,
hinding-hinding magpapakamatay ang mga Pilipino dyan, di ba? Kung yan lang,
hindi nyo ipagpapakamatay. Pero alam nyo naman, nakakahawa rin ang ganitong mga
sobrang competitive spirit. Baka mamaya dumadating na din sa ating bansa yang
sakit ng utak na yan. Mababa ang grade, nagpakamatay. Oh kaya, walang
kapera-pera. Sa dami ng utang, hindi malaman kung paano babayaran. Ang iniisip
na solusyon ay barilin ang sarili, uminom ng lason, laslasin ang pulso o tumalon sa ilog Pasig.
Mayroon namang nagpapakamatay dahil nalaman nyang may number
two ang asawa nya. O nalaman nyang number two pala siya na wala siyang kamalay-malay.
Maraming nagpapakamatay dahil sa numbers. Tandaan nyo ito, may pag-asa habang
nabubuhay.
So, unahin munang tangggapin ang katotohanan. Kung ano man
yung masaklap na katotohanan tungkol sa number na yan, accept your number
reality. Pagkatapos ay baguhin ito,
Ecclesiastes 9:4
Ngunit habang nabubuhay ang tao ay di sya dapat mawalan ng
pag-asa. Ang asong buhay ay mas mainam kaysa patay na leon.
Kung kailangang magpaka-aso kahit sandali, mabuti na
yun—buhay. Kaysa nagpakatapang-tapang ka, inisip mo yung kung anu-anong image
at dignity para kang leon na patay.
The end of a dream is not the end of the world. Ang
pansamantalang kabiguan ay hindi pagwawakas ng mundo. Kung hindi nyo gusto ang
numbers ng buhay nyo—pera, utang, grades, station in life—lalo nyong habaan ang
buhay ninyo at hintayin na gumulong ang wheel of fortune. Gugulong din ang
buhay. hindi pwedeng hindi. Nothing is permanent. Everything is temporary. Even
sickness or health, wealth or poverty, hindi yan permanent. Kung minsan kahit
wala kang gawin, maiiba yan dahil kasama ka ng mundong umiikot. Eh kung may
ginagawa ka pa na positive eh di lalong napadali. So baka numbers lang yan,
mag-isip-isip. Pag nagpakamatay ka, masasama ka sa statistics. So you’ll just
be a number again.
Pwede bang makipamista sa pista ng Katoliko?
Tinatanong nyo pa, pero namimiyesta naman yata talaga kayo.
Monday, January 9, 2023
Can you further explain, Once saved, always saved. Kahit nag-backslide na ang believer, saved pa rin ba?
Hanggang kailan ba dapat tumulong financially ang anak sa magulang?
Kung pababayaan nyo pa ang inyong pamilya, eh di lalong nagkawatak-watak yan. Kung sinong may kakayahan, yun ang gumawa. To whom much is given, much is required. Marami akong kakilala, luluha kayo ng dugo pag nalaman nyo ang mga pahirap na dinaranas ng anak dahil sa kapabayaan ng magulang. Inaasa na talaga ang lahat sa kawawang anak. Pero ang pagsunod sa magulang at ang pagiging mabuting anak ay may kasamang blessing. Tutuwangan kayo ng Panginoon pag ang ginagawa nyo ay tama.
Kasalanan po ba ang sumunod sa mga pamahiin?
May “pamahiin” na praktikal, mayroong harmless, may cute at may unprofitable. Kung ang pagsunod sa pamahiin ay hindi naman lumalabag sa batas ng tao at sa utos ng Diyos, wala naman akong nakikitang, “kasalanan” doon. Siyempre, yung ibang conservative religious people might think that by observing such pamahiin, you display lack of trust in God. Interpretation nila yun. Hindi ganun ang pananaw ko. Maraming tinatawag na “pamahiin” ang sa totoo lang ay nag-uugat sa kagandahang loob at kagandahang asal. (Mahabang paliwanagan)
Monday, January 2, 2023
Love. Never Mind Not Being Loved Back
Mayroon kayong mahal, kaopisina nyo. Talaga namang lahat ng bonus nyo at napanalunan nyong kaldero ay ibinibigay nyo pa rin. Alam nyo, kung nagmamahal ka, mas masaya yun kaysa sa minamahal. Eh, kayo yung nagmamahal. Hindi man kayo suklian ng pagmamahal, magmahal pa rin kayo. At least, naranasan nyong magmahal, di ba? Kaysa hindi na minahal, hindi pa kayo nagmahal. Eh di, wala na kayong naranasan.