Saturday, January 21, 2023

HUWAG MAWALAN NG PAG-ASA

 

Marami ngayong mga kabataan sa Singapore, Hongkong, Japan at Taiwan na nagpapakamatay dahil mababa ang grade sa school. Naku, hinding-hinding magpapakamatay ang mga Pilipino dyan, di ba? Kung yan lang, hindi nyo ipagpapakamatay. Pero alam nyo naman, nakakahawa rin ang ganitong mga sobrang competitive spirit. Baka mamaya dumadating na din sa ating bansa yang sakit ng utak na yan. Mababa ang grade, nagpakamatay. Oh kaya, walang kapera-pera. Sa dami ng utang, hindi malaman kung paano babayaran. Ang iniisip na solusyon ay barilin ang sarili, uminom ng lason, laslasin ang  pulso o tumalon sa ilog Pasig.

Mayroon namang nagpapakamatay dahil nalaman nyang may number two ang asawa nya. O nalaman nyang number two pala siya na wala siyang kamalay-malay. Maraming nagpapakamatay dahil sa numbers. Tandaan nyo ito, may pag-asa habang nabubuhay.

So, unahin munang tangggapin ang katotohanan. Kung ano man yung masaklap na katotohanan tungkol sa number na yan, accept your number reality. Pagkatapos ay baguhin ito,

Ecclesiastes 9:4

Ngunit habang nabubuhay ang tao ay di sya dapat mawalan ng pag-asa. Ang asong buhay ay mas mainam kaysa patay na leon.

Kung kailangang magpaka-aso kahit sandali, mabuti na yun—buhay. Kaysa nagpakatapang-tapang ka, inisip mo yung kung anu-anong image at dignity para kang leon na patay.

The end of a dream is not the end of the world. Ang pansamantalang kabiguan ay hindi pagwawakas ng mundo. Kung hindi nyo gusto ang numbers ng buhay nyo—pera, utang, grades, station in life—lalo nyong habaan ang buhay ninyo at hintayin na gumulong ang wheel of fortune. Gugulong din ang buhay. hindi pwedeng hindi. Nothing is permanent. Everything is temporary. Even sickness or health, wealth or poverty, hindi yan permanent. Kung minsan kahit wala kang gawin, maiiba yan dahil kasama ka ng mundong umiikot. Eh kung may ginagawa ka pa na positive eh di lalong napadali. So baka numbers lang yan, mag-isip-isip. Pag nagpakamatay ka, masasama ka sa statistics. So you’ll just be a number again.

No comments:

Post a Comment