Tradition lang yung krus na symbol ni Christ pero hindi Niya in-endorse kahit kailan sa buhay Niya. We don’t want to make war with people who would like to use it. But we ourselves find no need to have a symbol because as John 4:24 says God is spirit and in truth. Ang totoo, technically, wala akong maisip na masama sa sign of the cross. Kung magpi-pray ka, In the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, ano ba naman ang problema doon? Wala! Basta wala lang kasunod na “Hail Mary.” Because we’re really praying in the name of the Father, of the Son and of the Spirit. Kung minsan, when I’m with many Catholic people, I open a prayer this way at hindi naman ako nako-compromise. It even accommodates them sa opening prayer pa lang para hindi difference, kundi yung commonality ang makita. And I am not offended by that.
Sunday, February 12, 2023
Ano ang ibig sabihin ng pagsa-sign of the cross ang Catholics? Bakit hindi ito ginagawa ng mga believers
Masama bang gumamit ng mga rebulto o larawan ng Diyos habang nagdarasal?
Sa kanino mang nagpapahalaga sa mga bagay na ito—mga rebulto at religious images—nais ko lang sabihin na sa Ten Commandments (Exodus 20 and many other verses ipinagbabawal ng Panginoon ang mga ito. Ayaw Niya ng mga nililok na anyo na mga kamukha ng mga nasa langit at nasa lupa at nasa tubig at sa ilalim ng lupa. At ipinagbabawal Niya ang pagyuko at paglilingkod sa mga bagay na ito.
What’s the difference between tithes and offering?
The mere word tithe means tenth, ika-sampu. Ibig sabihin, kung pagbabasehan natin ang Biblia, ika-sampung bahagi ng lahat ng kabuhayan na ibinigay ng Diyos sa atin ay hindi atin kundi sa Diyos. Halimbawa, empleyado ako, sumusuweldo ako ng 10,000. Ang akin ay 9,000 lang, yung 1,000 sa Diyos yun. Ang baboy ko nanganak ng sampu, yung isa doon kay Lord, siyam lang yung akin. Ang papaya ko namunga ng sampu, siyam lang yung akin, isa kay Lord, so dapat yun isina-submit sa church. Kaya sabi ni Lord sa Malachi 3:8, Will man rob God? Yet you are robbing me. Kasi may mga tao, hindi nila binibigay yung tenth. Ang tawag sa hindi nagta-tithe, magnanakaw. Ang tanong naman nung iba na gustong makaisa sa Diyos based ba sa gross o net? Siyempre, kung kayo’y swelduhan, gross, kung kayo’y nagtitinda, net. Alangan namang pati puhunan kasali pa. Pero kung kayo’y suwelduhan, kayo’y binabayaran, eh syempre sa gross. Ngayon, kung magkakamali kayo, commit an error on the side of generosity rather than on the side of stealing from God. Kung hindi kayo nakatitiyak, tiyakin ninyo na sumobra kesa kumulang. Kasi, kung sumobra, marunong si Lord ng arithmetic, isinusuli Niya, may dagdag pa. Pero sa dunong Niya sa arithmetic, pag dinaya nyo, sisingilin Niya at may iba pang hila. Sa Malachi 3:9, Cursed are you because you are robbing me, Naku may kasama pang sumpa! Kaya kung malilito kayo, doon na kayo magkamali sa napasobra kaysa kumulang. Kasi ang Diyos alam Niya kung sumobra, ibabalik Niya. Paano Niya ibabalik? Hindi naman NIya ibinabalik sa bulsa nyo. Halimbawa, naglalakad kayo, dapat sana masagasaan kayo ng tricyle, nadala kayo sa ospital, nagpa-repair pa kayo ng mukha nyo sa kung sinu-sinong mga aesthetic surgeon. Yung ibinibigay nyo sa Diyos na binabawas nyo sa 90%--yun ang inyong offering. Pag nag-tithe ka, ang totoo’y hindi ka pa nagbibigay, nagsa-submit ka lang. Pag nag-offering ka above the 10%, doon ka lang nagbibigay sa gawain ng Panginoon.
Paano ang mga tumanggap sa Panginoon na hindi nagpatuloy—mga backslider, nawawala ba ang kanilang pangalan sa aklat ng buhay?
Dapat nating linawin ang paggamit nung term na backslider. Hindi pwedeng gamitin yung label na backslider para sa isang nakasama natin na nasa buhay ng kasalanan ngayon. Baka kasi naging istambay lang siya dito sa atin at ang real habitation nya ay ang kanyang kinalalagyan ngayon.
Saturday, February 4, 2023
Okay lang ba patubuan ang perang ipinapahiram para ipuhunan sa negosyo?
alagay ko, okay lang. Halimbawa, nanghiram ako ng P1,000; ipinang-negosyo ko, eh di tutubo. Alangan namang yung hiniram ko na last year, ibabalik ko ngayon na P1,000 pa rin.
Eh, samantalang kung ipinasok niya sa bangko yun, baka P1,100 na yun ngayon.So, I should be decent enough to pay him the cost of the money kung yon ay ini-invest niya o inilagay sa bangko.
Dahil yung halaga ng P1000 five years ago ay iba na ngayon.
Para sa akin kung ako’y nagpapakatao, dadagdagan ko dahil nakatulong ka sa akin.
Kung ako naman ang nagpapahiram, siguro hindi kita ire-require.
Pero ikaw na pinahiram ang dapat magkusa na gawin yun kasi yun ang tama.
Para naman yung nagpahiram ay hindi mapahamak na masabihang siya ay userero.
Tumulong na nga yung tao, siya pa ang napahamak.
Tungkulin ng tinulungan na maging disente siya at ibalik niya yung value ng pera kung hindi man madagdagan yung value.
Hindi monetary quantity yung value noon.
Masama bang gumamit ng mga rebulto o larawan ng Diyos habang nagdarasal?
Sa kanino mang nagpapahalaga sa mga bagay na ito—mga rebulto at religious images—nais ko lang sabihin na sa Ten Commandments (Exodus 20 and many other verses ipinagbabawal ng Panginoon ang mga ito. Ayaw Niya ng mga nililok na anyo na mga kamukha ng mga nasa langit at nasa lupa at nasa tubig at sa ilalim ng lupa. At ipinagbabawal Niya ang pagyuko at paglilingkod sa mga bagay na ito.
Ano ang masasabi ninyo sa mga nangangaral ng Salita ng Diyos sa mga kanto, bus at jeep at pagkatapos ay nangongolekta ng offering?
The preaching can be good but the collection may leave a bad taste in the mouth.
Ano ang tamang gawin sa mga batang namamalimos sa lansangan?
Kung tayo ay magbibigay sa mga batang namamalimos, lahat ng kalaro nila makikitang may pera sila. Bukas mamamalimos na rin ang mga kalaro nila and we will create a begging industry. Hindi tama yon. Dapat ipagpi-pray natin dahil baka talagang very legitimate ng pangangailangan nila, para makatulong tayo.
Ano ang ibig sabihin ng pagsa-sign of the cross ang Catholics? Bakit hindi ito ginagawa ng mga believers?