Lack of effort to understand the other person—to see things from the other person’s point of view. We break up, quarrel, fight, lose people, hurt and get hurt NEEDLESSLY simply because we insist on looking at things ONLY OUR WAY. We assign and impose meanings on what people say or do, do not say or do not do without bothering to check if we are right. We take offense when we should not. We become defensive when we should be open. We become offensive when we should have been more caring. All because of our limited, narrow, myopic viewpoints which are usually proven wrong over time. All because of our self-serving attempts at protecting ourselves from non-existent threats. All because we are too engrossed with ourselves. SAYANG ANG MGA RELASYON. Sinisira ng ating mga katangahan.
Thursday, March 23, 2023
Paano malalaman kung ang bf/gf ay takda ng langit?
Your chemistry will tell you. And your shared convictions, beliefs and aspirations. I do not think na “may itinakda” na specific person for each human being. Pero may mga types of persons na PWEDE/ BAGAY/ TUGMA/ TUGMANG-TUGMA.
Mayroon po akong sariling pananaw at paniniwala tungkol sa paggunita ng kamatayan. Second death anniversary po ng lolo ng asawa ko, di nap o ako sumama at naki-celebrate, pinagbigyan ko na po siya last year. Ang biyenan ko po halos isumpa ako at ang lola nya na nakatira sa amin ay galit din po. Napakasama ko po bang tao at kasalanan po bas a Diyos yun?
Ano ba naman ang mawawala sa iyo kung makikisama sa isang gawain once a year? Kaysa naman masira ang relasyon mo sa mga nabubuhay?!
Kung binibigyan ka ng balato sa jueteng samantalang lagi mong sinasabi na masama yun, okay lang ba na tanggapin?
Kung ibinibigay naman sa inyo in good spirit and in good faith, baka naman ma-offend yung tao kung tanggihan nyo. Hindi ito policy at hindi ito theology, pero sa biglang tingin, siguro tatanggapin ko kasi ibinigay eh. Kesa naman tanggihan ko, baka ibigay pa niya sa masamang tao, magamit pa sa mali.
Sunday, March 5, 2023
Why does the Lord allow suffering?
Actually wala dapat suffering. But the whole system was destroyed because of sin.
Masama bang magalit ang isang Kristiyano?
Hindi naman masama, depende lang kung paano tayo nag-e-express ng galit.
BE HAPPY!
All people, good or bad, end up dying. Pero hindi naman ibig sabihin na maging masama ka na lang. Death levels and renders everything useless. So habang buhay, be happy! That is his message! Inulit na naman niya—enjoy eating and drinking. Sabi niya, “Go! Eat your food with gladness! And drink your wine with joyful heart. For it is now that God favors what you do.” Kaya pag kumakain, huwag kayong nagmamadali. Enjoy your food. Huwag lunok nang lunok. Una, baka ka mabilaukan. Pangalawa, baka ka magkaroon ng indigestion. Pangatlo, ang pagkain masarap lang sa dila dahil nandun yung taste buds. Matapos lumampas yon at at nasa esophagus na, it is already tasteless. And then it becomes excess baggage. Kaya dapat hindi mo yan nilulunok agad kundi ninanamnam-namnam! Biruin mo, inilagay ng Diyos sa ating dila ang mga taste buds na yan. Magkalinya-linya pa yung taste ng asim, ng tamis, ng pakla, ng pait, ng alat. Linya-linya pa yan para talagang dahan-dahan mong nalalasap. Para masabi mo. “Wow! Ang sarap naman ng asim ng sukang Paombong! Napakasarap naman nitong asim ng magga at maalat ng bagoong.” Ang sarap-sarap! Tapos lulunukin mo lang agad? Kaya dapat, ninanamnam.
Tama ba na ang isang Kristiyano ay manood ng sine o pumasok ng sinehan?
Anong gagawin nila? Magpro-produce pa ulit sila. Ganun din yung sex-oriented films. Yung pera nyo binibigay nyo sa gumagawa ng malalaswang pelikula. Eh, di siyempre ang ibig sabihin noon, gumawa pa ulit sila. So dapat pinipili natin kung anong tinatangkilik. Pero kung sabi ng pastor nyo, huwag kayong magsine, sundin nyo siya, huwag ako.
Nawawala ba ang salvation?
Saturday, March 4, 2023
Kasalanan ba ang kumain ng dinuguan?
Blood was considered life in the Old Testament and was forbidden as food. But the New Testament declared that all foods sold in the meat market could be eaten. Was blood ever sold in the meat market in the Old Testament? Walang record na ganito sa Old Testament, so gray area. Pero malinaw sa New Testament na lahat ng pwede mong kainin na nabibili sa palengke ay puwedeng kainin.