Posts

Showing posts from October, 2023

What’s the difference between tithes and offering?

  The mere word tithe means tenth, ika-sampu. Ibig sabihin, kung pagbabasehan natin ang Biblia, ika-sampung bahagi ng lahat ng kabuhayan na ibinigay ng Diyos sa atin ay hindi atin kundi sa Diyos. Halimbawa, empleyado ako, sumusuweldo ako ng 10,000. Ang akin ay 9,000 lang, yung 1,000 sa Diyos yun. Ang baboy ko nanganak ng sampu, yung isa doon kay Lord, siyam lang yung akin. Ang papaya ko namunga ng sampu, siyam lang yung akin, isa kay Lord, so dapat yun isina-submit sa church. Kaya sabi ni Lord sa Malachi 3:8, Will man rob God? Yet you are robbing me. Kasi may mga tao, hindi nila binibigay yung tenth. Ang tawag sa hindi nagta-tithe, magnanakaw. Ang tanong naman nung iba na gustong makaisa sa Diyos based ba sa gross o net? Siyempre, kung kayo’y swelduhan, gross, kung kayo’y nagtitinda, net. Alangan namang pati puhunan kasali pa. Pero kung kayo’y suwelduhan, kayo’y binabayaran, eh syempre sa gross. Ngayon, kung magkakamali kayo, commit an error on the side of generosity rather than on...