Tuesday, October 10, 2023

What’s the difference between tithes and offering?

 

The mere word tithe means tenth, ika-sampu. Ibig sabihin, kung pagbabasehan natin ang Biblia, ika-sampung bahagi ng lahat ng kabuhayan na ibinigay ng Diyos sa atin ay hindi atin kundi sa Diyos. Halimbawa, empleyado ako, sumusuweldo ako ng 10,000. Ang akin ay 9,000 lang, yung 1,000 sa Diyos yun. Ang baboy ko nanganak ng sampu, yung isa doon kay Lord, siyam lang yung akin. Ang papaya ko namunga ng sampu, siyam lang yung akin, isa kay Lord, so dapat yun isina-submit sa church. Kaya sabi ni Lord sa Malachi 3:8, Will man rob God? Yet you are robbing me. Kasi may mga tao, hindi nila binibigay yung tenth. Ang tawag sa hindi nagta-tithe, magnanakaw. Ang tanong naman nung iba na gustong makaisa sa Diyos based ba sa gross o net? Siyempre, kung kayo’y swelduhan, gross, kung kayo’y nagtitinda, net. Alangan namang pati puhunan kasali pa. Pero kung kayo’y suwelduhan, kayo’y binabayaran, eh syempre sa gross. Ngayon, kung magkakamali kayo, commit an error on the side of generosity rather than on the side of stealing from God. Kung hindi kayo nakatitiyak, tiyakin ninyo na sumobra kesa kumulang. Kasi, kung sumobra, marunong si Lord ng arithmetic, isinusuli Niya, may dagdag pa. Pero sa dunong Niya sa arithmetic, pag dinaya nyo, sisingilin Niya at may iba pang hila. Sa Malachi 3:9, Cursed are you because you are robbing me, Naku may kasama pang sumpa! Kaya kung malilito kayo, doon na kayo magkamali sa napasobra kaysa kumulang. Kasi ang Diyos alam Niya kung sumobra, ibabalik Niya. Paano Niya ibabalik? Hindi naman NIya ibinabalik sa bulsa nyo. Halimbawa, naglalakad kayo, dapat sana masagasaan kayo ng tricyle, nadala kayo sa ospital, nagpa-repair pa kayo ng mukha nyo sa kung sinu-sinong mga aesthetic surgeon. Yung ibinibigay nyo sa Diyos na binabawas nyo sa 90%--yun ang inyong offering. Pag nag-tithe ka, ang totoo’y hindi ka pa nagbibigay, nagsa-submit ka lang. Pag nag-offering ka above the 10%, doon ka lang nagbibigay sa gawain ng Panginoon.

 

No comments:

Post a Comment