Isang Tanong, Isang Sagot

Mga Tanong Kay Pastor Ed At Ang Mga Sagot Niya Sa Mga Ito.

Question: Ano ang cause ng envy?

Answer: Madalas, a sense of entitlement. People usually envy those who have/enjoy what they(the envious) think they themselves deserve! Naiinggit ka dun sa taong iniisip mo ay kapantay o kasing kalibre mo 'tapos mas marami siyang nae-enjoy kaysa sa iyo. So, you resent it dahil iniisip mo, bakit siya mayaman o mas sikat o mas masaya kaysa sa iyo.

Question: Bakit kaya ako sobrang selosa?

Answer: 1. Mababa ang pagtingin mo sa sarili.
              2. Takot na takot ka mawalan ng papa.
              3. Dapat naman talagang magselos kasi kulang ka sa assurance.

Question: Ano ang panlaban sa inggit kung naiinggit ka sa isang tao?

Answer: Ituring mong deserving siya sa nae-enjoy nya. Huwag mong ipantay ang sarili mo sa kanya para ka madiskuntento na hindi kayo magkasingyaman o magkasingsikat o magkasingsaya. 

Question: Bakit may mga taong pag tinuturuan mo at itinutuwid ay nagagalit?

Answer: Marami kasing tao ang gusto ay INUUTO sila. They reward those who flatter and make them uto and punish those who tell them the truth.


Question: Mayroon ba talagang mga tao na mabigat kasama sa buhay?

Answer: Parang ganun na nga. Madalas hindi lang siya ang factor; yun ding kasama. Hindi sila compatible. Dapat suriin din ang sarili kung may kontribusyon ka rin sa pagbigat ng samahan.

Question: Ano ang dapat gawin sa mga anak na batugan?

Answer: Reward sipag and punish tamad.

Question: Ano ang effective way para patahimikin ang nagger at bungangerang mother?

Answer: Give her what she wants: attention or obedience. This also applies to nagging wives. Kaya lang naman nagna-nag kasi hindi pinapansin o sinusunod.

Question: Sa dami ng nakikialam sa buhay ko na mga kapatid, magulang, uncles, aunties, friends, etc. litung-lito na ako kung alin at ano ang gagawin para mapasaya ko sila. Madalas pa, kahit sundin ko sila, hindi pa rin sila masaya. At may nagagalit, lalo na yung iba ang ideas. Sino kaya ang dapat kong sundin na siguradong mapapasaya ko?

Answer: Ang sarili mo.

Question: Paano kaya ako hindi magpapaapekto sa mga tsismis tungkol sa akin?

Answer: Huwag mong alamin.

Question: Ang bigat ng problema ko pero hindi ko alam ang gagawin. Ano ang dapat kong gawin?

Answer: WALA! Wala kang dapat gawin- at least for today or until the time comes na alam no na ang dapat gawin. Hindi mo pala alam ang gagawin, so bakit ka kikilos? Lalo ka lang magkakamali at lalala pa ang problema. Minsan, ang pinakamabisang paraan sa paglutas ng problema ay WALA MUNANG GAWIN—hanggang dumating ang KALIWANAGAN, ang maganda at tamang idea. Sa panahong mabigat ang problema at walang malinaw na solusyon, manahimik at manalangin kaysa padalus-dalos na kumilos at lalo lang mapasama ang sitwasyon.

Question: Inis na inis ako sa isang pesteng text nang text sa akin. Mumurahin ko ba o hindi na lang papansinin o magpapalit ako ng number?

Answer: Pag minura mo, magkakaroon lang kayo ng communication (negative and ugly pa). Pag nagpalit ka ng number, abala, even to your other friends. Sino ba naman siya para ibahin mo ang mundo mo dahil lang sa text nya? So ignore na lang. Don’t answer. Magsasawa rin yun o mauubusan ng load.

6 comments:

  1. Pasto Ed, As born again christian are we aloud to eat Dinuguan, or cooked or grilled blood?

    ReplyDelete
  2. Pastor Ed, paano po malalaman kung Siya na yung babaeng will ni Lord para sayo?

    ReplyDelete
  3. Namamana po ba ang kasalanan. Kasi di ba nĂ¹ng panahon pa nila Adam and Eve nagkasala ang mga tao so meaning may minana tayong kasalanan kina Eva and Adan. Now kung ang batang 3 taong gulang ay mamatay. Sya ay di maliligtas kasi may minana pa syang kasalanan.

    ReplyDelete
  4. pastor ed bakit puro po religion o religious group ang sinasabi nyo diba wala namang makaka pag ligtas sa tao na religion kundi relasyon sa Dyos

    ReplyDelete
  5. Pastor may mga member po sa church namin na di naniniwalang anointed mg Holy Spirit ang pastor namin, kasi sya mismo daw ay ginagamit ng Diyos para magsalita o mag propechy, Ang nangyayare po, nagkakaroon ng paghati sa church. Gumagawa sila ng sariling schedule, nagdedevotion sila pero di umaattend ng prayer meeting at bible study. Ano po ang say nyo po dito?

    ReplyDelete
  6. Hello Pastor. I'm one of the youth leader sa church. My question po is it possible po na ang 3rd degree cousin mo pwedeng maging partner mo?

    ReplyDelete