May kasabihan sa Ingles, "It never rains, but it pours." Hindi lang daw umuulan, bumubuhos pa. At ito'y karaniwang binabanggit nung mga nakaranas ng napakaraming sabay-sabay na mga dagok sa buhay. Maraming hirap, maraming pasanin, maraming mga sakit sa buhay. At maraming mga tao ang pagod na pagod na. Ang treatment nila sa kanilang buhay ay parang walang katapusang hirap. Kung tayo man yon, ano ang mensahe sa atin ng Panginoon? At kung hindi tayo, paano tayo makapagmi-minister sa mga kapwa natin na ganito ang kalagayan sa buhay? Pagod ang isip, pagod ang puso, pagod ang katawan.
I AM TOO TIRED
People complain, "I am too tired. Pagod na ako. I'm tired of work. I'm tired of burdens. I'm tired of heartaches and difficulties, of pain and sorrow, of frustrations and rejection, of want or poverty. I'm tired of sickness. Pagod na pagod na akong mahirapan, lagi na lang kinakapos."
I WILL GIVE YOU REST
But what does the Bible say? What does God say? Ang sagot niya, "I will give you rest. "Pangako yan ng Panginoon.
Matthew 11:28-30
Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. Take my yoke upon you and learn from me, for I am gentle and humble in heart and you will find rest for your souls. For my yoke is easy and my burden is light.
Sabi ng Panginoong Hesus, "Lumapit kayo sa akin kayong mga napapagod, kayong mga nabibigatang lubha at kayo'u aking pagpapahingahin." Sabi pa niya, "Isuot nyo ang aking pamatok." Pamatok ang tawag sa isinusuot sa batok ng mga kabayo, baka at kalabaw para hilahin nila ang anumang dapat nilang hilahin. At sa Israel uso yung pamatok na doble. Kung minsan doble, kasi dalawang baka yung magkasabay na humihila ng araro. "Isuot mo ang aking pamatok," sabi niya. In other words, Ako ang inyong magiging partner.
Amen po.bilang ofw po,malaking help magbasa ng mga aral na share nio Pastor Ed.bukod sa palaging pagbbasa ng Bibliya.God bless you po..naway mas maraming makaunawa at mkpg basa ng mga aral na bnibigay ninyo,upang magamit nmin sa aming paglago bilang mananampalataya🙏
ReplyDeleteAmen, pastor ed salamat at malaking tulong ito para sa akin para ma inhance ang aking kaalaman sa salita ng Diyos. At ikaw ang binigyan niya ng kapangyarihan para mapaabot sa amin ang banal niyang mga salita. At salamat dahil sa mga ginagawa mung mga share ay ito narin ang aking mga basihan para maipaabot q rin sa kapatiran. Salamat pastor. God bls
ReplyDelete