Monday, July 20, 2020
Okay lang bang manood ng X-rated movie ang mag-asawa?
Member po kasi ng dalawang church ang brother ko, isa sa Manila at isa dito sa province, Ngayon po nagkaroon ng policy sa aming church sa province kung saan ka member eh doon ka magpapadala ng tithes mo (para sa mga OFWs at nadestino ng work sa ibang lugar). Ngayon po pinapapili ang brother ko kung saan siya magpapa-member kasi dapat isa lang. Ang tanong ko po, okay lang po ba kung dalawang membership at kung okay lang, paano po ang tithing? 50-50? Kung ang pipiliin po ng brother ko ay ang church sa Manila, pag-uuwi po siya ng province ay they will not allow him na tumayo sa ministry nya.
Ano ba naman yan? Kaya maraming natu-turnoff sa fellowships
eh. Naka-base sa tithing ang membership? Kung ako, ayoko ng ganyang policy.
Pinoproblema ang hindi naman dapat problema. Eh paano yung OFWs na may
fellowship abroad? Alangan namang di sila mag-support nun eh dun sila
nakasilong. Favor ako sa hati. At kung ayaw na nila sa akin dahil hinahati ko
ang tithers ko, eh di ibibigay ko na lang nang buo dun sa open-minded church na
nagfi-feed sa akin. Pag hindi nila ako pinatayo sa ministry, we BOTH lose. Or
perhaps they lose more because I will serve where I am welcome.
Thursday, July 16, 2020
Sa palagay nyo po, sino ang mas reliable pakinggan, ang preacher sa pulpit o ang Bible scholar/researcher/translator?
Yung scholar, committed and answerable to the science of
scholarship, linguistics and historical context. Mas factual and scientific and
discipline nya sa pag-intindi at pag-interpret ng verse. Usually, may
specialized training/education siya. Wala siyang audience or congregational
superiors to please kaya posibleng mas objective ang interpretation nya.
Yung preacher, may audience to please, may religious
superiors to answer to, may “statement of faith” to operate within, plus yung
church has payables to think of. So, a preacher could be constrained by such
issues. The preacher is not as free to speak as the scholar.
BUT PEOPLE LISTEN TO
PREACHERS, NOT TO SCHOLAR! J
Wednesday, July 15, 2020
Dapat nga po ba na ang mga Christians eh hindi na pumasok sa hindi Christian church? Paano po kung sa isang kasalan eh kabilang ka sa entourage pero hindi naman ito Christian wedding o ninong/ninang ka sa binyag? Dapat po bang tumanggi?
I think God’s temple is in our hearts and we carry it with
us everywhere.
Hindi naman nawawala yun kahit pumasok tayo sa ibang houses
of worship.
Tuesday, July 14, 2020
I want to know the biblical view about annulment. Does God allow Christians to get annulled and remarry or do we stay unhappy in a marriage or get annulled but remain single for life still unhappy?
This is very personal opinion: If a person is so miserable
in marriage, one option is to get an annulment, remarry if there is someone to
marry at ipaubaya na nya sa Diyos ang case nya. Kung parusahan siya ng Diyos,
tanggapin niya. Kung hindi siya parusahan because of the merits of his/her
case, e di salamat.
But to stay in a hopelessly miserable marriage is just
another form of punishment—not from God but from one’s spouse or worse, from
oneself! Minsan lang mabuhay ang tao. Dapat maghanap ng ginhawa.
Bago may malito: LAST RESORT YAN HA. Hindi first aid at
hindi way out para lang sumama sa iba.
Saturday, July 11, 2020
Bakit po may napo-possess ng bad spirit? Di po ba ang katawan natin ay temple ng Holy Spirit?
1.
May free will ang tao at kung sino ang patirahin
nya o i-welcome sa buhay nya, yun ang maghahari.
2.
Deceptive ang demons at nadadaya nila ang tao
into welcoming them into the person’s heart without full awareness of the
colonization/occupation/possession.
Halimbawa, ang tao na laging galit, bitter, resentful,
hateful, violent,etc. ay nakapagbubukas siya ng pinto para siya pasukin ng
masasamang espiritu. Napo-possess siya nang di nya namamalayan. That is why
Satan likes people to be angry while Jesus likes us to be forgiving and
kalmado—para no space for demons.
Thursday, July 9, 2020
Bakit po kaya may mga tao na tuwing sasali sa usapan ay off, lihis, mali at wala sa lugar?
1.
Hindi muna nakinig nang mabuti bago sumabat.
Wrong entry.
2.
Ang gusto lang nya ay i-promote ang idea nya
kahit bagay sa usapan o sa takbo ng usapan.
3.
Gusto nyang magmukhang mas marunong kaysa sa mga
nagbigay na ng statement.
4.
Akala nya misyon nyang laging magkaroon ng
kakaiba o kontrang statement, na akala nya ay mahusay o magaling yung hindi
umaayon.
5.
Kulang talaga siya sa sapat na kaalaman.
6.
May memoryado siyang pa-smart lines na basta
maibulalas lang nya kahit wala sa lugar ay masaya na siya.
7.
Mayroon siyang iba o limited audience within the
audience-hearers. Kung minsan may nagsasalita sa harap ng marami pero ang tunay
lang na kinakausap o pinariringgan ay isa o kaunti lang sa mga naroon. Kaya
lihis tuloy sa pandinig ng marami.
Monday, July 6, 2020
Evil, demonic at witches po ba talaga ang mga albularyo?
HUH! SINO NAMAN ANG MAY SABI NUN? The word ALBULARYO comes
from the word HERBOLARIO or HERBALIST. IT MEANS MINISTERING HEALTH, WELLNESS OR
CURE USING HERBS OR PLANTS. KUNG YUN LANG ANG GINAGAWA, WALA NAMANG EVIL DOON.
A joint study conducted by the UP Colleges of Medicine, Pharmacy and
Agriculture discovered that a big percentage of the claims of herbularios about
the medicinal and healing qualities of plants are proven.
Syempre, iba na kung may mga bulung-bulong at mga
supernatural procedures.
We should isolate the traditional but scientifically sound
use of plants in healing from occultic practices although kung minsan combined
na ginagawa yun ng one and the same practitioner.
Thursday, July 2, 2020
Ano po ang masasabi nyo sa asawa ng OFW, babae man o lalaki, na nasa Pilipinas, tumatanggap ng padala, tapos nakukuha pang magtaksil sa OFW nyang asawa na naghihirap abroad?
[Sagutin lahat ng SYA NAWA]
TAMAAN SANA NG KIDLAT, kahit daplis lang!
KAININ SANA NG LUPA, kahit iluwa rin kapagdaka.
DAPUAN SANA NG GRABENG SAKIT, kahit gumaling din after a
while.
USIGIN NAWA NG BUDHI hanggang halos mabaliw, kahit
maka-recover later.
DAPUAN NAWA NG GRABENG-GRABENG GALIS HANGGANG PANDIRIHAN NG
PARTNER IN CRIME.
MADEMANDA NAWA, MAKULONG AT MAPAHIYA, kahit makalaya rin
after 100 years.
ANAYIN NAWA ANG BUTO, kahit na ma-pesticide din after a
while.
TABLAN NAWA NG HIYA SA DIYOS, KUNG HINDI MAN SA ASAWA AT
PAMILYA.
MAGBAGONG-LOOB NAWA.
MATAKOT SA DIYOS.
SOBRA-SOBRANG KASALANAN YAN HA—YANG MAGTAKSIL SA ASAWANG
NAGHIHIRAP AT NAGSASAKRIPISYO ABROAD!
[O, yung mga magbabait-baitan at malulupitan sa wishes ko,
SHUT UP. Make your own wishes sa wall nyo.