1.
Hindi muna nakinig nang mabuti bago sumabat.
Wrong entry.
2.
Ang gusto lang nya ay i-promote ang idea nya
kahit bagay sa usapan o sa takbo ng usapan.
3.
Gusto nyang magmukhang mas marunong kaysa sa mga
nagbigay na ng statement.
4.
Akala nya misyon nyang laging magkaroon ng
kakaiba o kontrang statement, na akala nya ay mahusay o magaling yung hindi
umaayon.
5.
Kulang talaga siya sa sapat na kaalaman.
6.
May memoryado siyang pa-smart lines na basta
maibulalas lang nya kahit wala sa lugar ay masaya na siya.
7.
Mayroon siyang iba o limited audience within the
audience-hearers. Kung minsan may nagsasalita sa harap ng marami pero ang tunay
lang na kinakausap o pinariringgan ay isa o kaunti lang sa mga naroon. Kaya
lihis tuloy sa pandinig ng marami.
No comments:
Post a Comment