Monday, July 20, 2020

Member po kasi ng dalawang church ang brother ko, isa sa Manila at isa dito sa province, Ngayon po nagkaroon ng policy sa aming church sa province kung saan ka member eh doon ka magpapadala ng tithes mo (para sa mga OFWs at nadestino ng work sa ibang lugar). Ngayon po pinapapili ang brother ko kung saan siya magpapa-member kasi dapat isa lang. Ang tanong ko po, okay lang po ba kung dalawang membership at kung okay lang, paano po ang tithing? 50-50? Kung ang pipiliin po ng brother ko ay ang church sa Manila, pag-uuwi po siya ng province ay they will not allow him na tumayo sa ministry nya.

Ano ba naman yan? Kaya maraming natu-turnoff sa fellowships eh. Naka-base sa tithing ang membership? Kung ako, ayoko ng ganyang policy. Pinoproblema ang hindi naman dapat problema. Eh paano yung OFWs na may fellowship abroad? Alangan namang di sila mag-support nun eh dun sila nakasilong. Favor ako sa hati. At kung ayaw na nila sa akin dahil hinahati ko ang tithers ko, eh di ibibigay ko na lang nang buo dun sa open-minded church na nagfi-feed sa akin. Pag hindi nila ako pinatayo sa ministry, we BOTH lose. Or perhaps they lose more because I will serve where I am welcome.



1 comment:

  1. Kung ako po ito hahanap nalang ako ng Church na may open minded. Sa amin walang tithes. It is offering. Nasa sa iyo kung magkano ang gusto mong ibigay.

    ReplyDelete