Kaya one of the keys to life’s enjoyment
ay ang pagtulong at pagbibigay sa kapwa. Mabuting gawin yun. Matalinong
gawin yun. Share what you have with people because you don’t know what disaster
may come to you. Eh, kung ang dami-dami mo ngang kayamanan, sinolo mo, tapos
ninakaw lang o kaya’y naubos, o kaya’y nalugi ka at nasunugan, bebelatan ka pa
ng mga tao imbes na maawa sa’yo at tulungan ka. Sapagkat noong ikaw ang
mayroon, hindi ka naging mabuti sa kanila. Itinuturo sa atin ng Bibliya pati
ang ganyang maliliit pero praktikal na bagay. Do not put all of your eggs in
one basket. Do not put all of your info in one diskette. Sabi ng Bibliya,
magbigay ka daw ang portion sa seven o eight people. Huwag lang isa ang tinutulungan
mo. Tumulong ka sa marami para balang
araw marami rin ang tumulong sa’yo.
Verses 3-5 If the clouds are full of water, they pour rain
upon the earth. Whether a tree falls to
the south or to the north, in the place where it falls, there will it lie.
Whoever watches the wind will not plant; whoever looks at the clouds will not
reap. As you do not know the path of the wind or how the body is formed in a mother’s womb, so you cannot understand
the work of God, the Maker of all things.
No comments:
Post a Comment