Alone does not always have to be defined as lonely. Develop
fellowship with yourself. Sino sa atin ang nakikipag-fellowship with ourselves.
Yan ang talagang di ka masi-zero dahil lagi namang dalawa yung sarili mo. So
kung marunong kang mag-enjoy ng company ng sarili mo, malayo ka sa lungkot.
There’s the company of your body and soul.
Ecclesiastes 1:13 I devoted myself to study and to explore
by wisdom all that is done under the heaven.
Wala naman siyang kasamang nag-aral. Pwedeng may assistant
ka, may tagadala ka ng libro pero yung journey ng mind mo into ideas, you do
alone. Hindi tayo dapat natatakot mag-isa. May mga panahon na dapat ka talagang
mag-isa and to be quiet so that you can hear your mind think. Those corridors
of aloneness need not be defined as loneliness because we find enlightenment in
moments when we are in solitude. Dr. Solitude is one of the greatest professors
of wisdom. Yung pag-iisa, pagbubulay-bulay, pag-iisip-isip. Bagamat gusto
nating may mga kasama, it is healthy to be alone every now and then. Therefore,
we should give even our loved ones the space to be alone from our presence.
Kung minsan tahimik yung asawa mo.
“Ano ang
iniisip mo?”
“Wala.”
“Ano nga?”
Huwag ka nang makialam kasi nananahimik muna siya eh. Hayaan
mo siyang magbulay-bulay.
Pati ba naman yung ka –private-private part ng kanyang brain
gusto mo na ring pakialaman? So, hayaan mo siya kung gusto niya ng tahimik.
Maliban na lang na alam mo yung
katahimikan nyang naghihintay lang at naghahanap ng pansin. So dapat marunong
kang makiramdam. Aso man ay gusto ng privacy, sumusuot sa ilalim ng sofa pag
napapagalitan. Ganun din ang tao. People need time to be alone. Binibigyan
natin sila ng ganung space. We need that for balance.
Pero ang pinakamasarap, lalo’t walang ibang tao, we should
develop fellowship with God. Madalas nga sa buhay natin naitutulak pa tayo sa
pag-iisa para lang natin madiskubre ang Diyos. Kasi kung minsan sa ingay ng
ating mga pagtitipon, sa dami ng mga taong kahalubilo napupwera na yung Diyos.
Kaya maging sa pag0iisa huwag kayong malungkot kasi wala naman talagang
nag0iisa eh dahil kasama natin ang Diyos kahit saan. Kasama din natin siya sa
ting isip, sa ating emosyon, sa ating mga sakit. Kung ikaw ay naratay walang
dumadalaw sa iyo, hindi yun totoo. Nandun ang Diyos lagi sa iyong tabi. Pero
bakit lagi nating naiisip na tayo ay nag0iisa? Kasi hindi natin tinitingnan ang
Diyos. Hindi natin iniisip. Akala tuloy natin nag-iisa nga tayo. Mayroon bang
nag-iisa? Imposible. Sabi nga, “If I climb to the heavens, you are there. If I
cross the ocean, you are on the other side of the sea. If I dive to the depths of
the sea, you are there at the bottom of the sea. If I go into the inmost part
of my heart, you are there.” So paano ka pwedeng mag-isa? Masaya ang tao na
marunong mag-develop ng fellowship with the Spirit of God.
Psalm 42: 1,2 As the doer pants for streams of water, so my
soul pants for you , Oh my God. My soul thirsts for God, for the living God.
Where can I and meet with God?
No comments:
Post a Comment