Posts

Showing posts from December, 2023

Do Not Love Too Much

    Some people love other people too much that those people become their idols. Nagtataka ba kayo kung bakit itong si Abraham na kay tanda-tanda na ay pinangakuan ng Panginoon na magkaanak. At nang binatilyo na ang kaisa-isang anak na si Isaac, ang sabi ng Lord, “I-offer mo siya sa akin”. Bakit kaya? Ano kayang test kay Abraham yun? Pwede kaya na dahil sa katagalan nyang walang anak at dahil sa pananabik sa anak nya? Siguro puro anak na lang nang anak yung iniisip mula sa umaga hanggang gabi. Bini-baby-baby. Maari kayang nakalimot siya nang kaunti sa Diyos? Kaya sabi ng Lord, “Mabuti, magkaroon tayo ng test sa faith, ha? I-offer mo siya.” And Abraham naman passed the test. Pero ba’t kinailangan nyang dumaan sa test na iyon? Is it possible that he was loving Isaac too much that it is now becoming obvious that he would love Isaac more than he would love God?       But God tolerates no rivals. Kung ayaw nyo na mayroon kayong mahal sa buhay na...

KAYOD KA NANG KAYOD PARA KANINO?

  Then he tried toil. “Magtrabaho tayo nang magtrabaho. Tanim tayo nang tanim. Gawa tayo nang gawa. But all of labor’s fruits, sabi niya, will be left behind to his successors, to his heirs. Sabi nya, “Ang lungkot!” “Gawa ako nang gawa, pundar ako nang pundar, ang yaman-yaman ko pero napapanssin kong tumatanda na ako, mamamatay na ako, sinong magmamana nito? Anak ko? Alam ko ba kung anong uri ng taong mapapangasawa nito na magiging manugang ko? Na titira sa aking palasyo? Sa aking bahay? Nagtayo ako ng palaisdaan. Yung naglalakad pala diyang bigote mapapangasawa nitong anak ko? Magiging kanya pala ‘tong ginagawa kong ito? Bakit ko ‘to ginagawa? Sabi niya, “Inupud-upod ko ang buhay ko, nagpakandahirap-hirap ako, I denied myself any pleasures, I worked so hard. Para lang ipamana sa hindi ko kaanu-ano? At paano kung mamana yan ng asawa ko’t mamatay ako? At nag-asawa uli ang asawa ko? Sobra namang sinuwerte yung napangasawa niya. Nakuha na niya yung asawa ko, pati pa yung pinundar ko. ...