Saturday, December 16, 2023

KAYOD KA NANG KAYOD PARA KANINO?

 

Then he tried toil. “Magtrabaho tayo nang magtrabaho. Tanim tayo nang tanim. Gawa tayo nang gawa. But all of labor’s fruits, sabi niya, will be left behind to his successors, to his heirs. Sabi nya, “Ang lungkot!” “Gawa ako nang gawa, pundar ako nang pundar, ang yaman-yaman ko pero napapanssin kong tumatanda na ako, mamamatay na ako, sinong magmamana nito? Anak ko? Alam ko ba kung anong uri ng taong mapapangasawa nito na magiging manugang ko? Na titira sa aking palasyo? Sa aking bahay? Nagtayo ako ng palaisdaan. Yung naglalakad pala diyang bigote mapapangasawa nitong anak ko? Magiging kanya pala ‘tong ginagawa kong ito? Bakit ko ‘to ginagawa? Sabi niya, “Inupud-upod ko ang buhay ko, nagpakandahirap-hirap ako, I denied myself any pleasures, I worked so hard. Para lang ipamana sa hindi ko kaanu-ano? At paano kung mamana yan ng asawa ko’t mamatay ako? At nag-asawa uli ang asawa ko? Sobra namang sinuwerte yung napangasawa niya. Nakuha na niya yung asawa ko, pati pa yung pinundar ko. At paano kung namatay yung asawa ko, eh di kanya na? Mag-aasawa siya ngayon ng iba, kanilang-kanila na lahat ng ipinundar ko. “Kaya sabi ni Solomon, “Kayong pundar nang pundar mag-isip-isip kayo, ha? Nalulugi kayo.”

Maraming ama ng tahanan, wala nang ginawa kundi magpayaman. Sa biglang tingin hindi naman masama that you are trying to bring the family up the economic ladder. Pero sa tagal mo sa trabaho, pag-uwi mo sa iyong bahay, wala na pala ang mga anak mo, naglakihan na ang mga bata, nag-asawa na. O iniwan ka na rin ng asawa mo. O kaya’y ang layu-layo na ng loob nila sa’yo. Nagsasama-sama nga kayo sa isang bahay pero ang lalayo ng loob. Bakit? Dahil naubos na ang panahon mo sa labas. Ano ba talaga mahalaga? Wala pa daw taong namamatay na nagsabing, “Sana dinamihan ko pa ang aking pagtatrabaho. Sana nag-stay pa ako longer sa office.” Ang pinagsisihan ng marami, “I should have spent more time with my children. I should have spent more time with my family.” Yan ang pinagsisihan ng lahat ng naghihingalo. Kaya huwag nyo nang abangan na maghingalo kayo. Magsisi ngayon pa lang! At magbagu-bago na nga mga pamamaran. Huwag tayong magpadala sa mga standards ng sanlibutan. You know yung mga standards ng sanlibutan? Get more, have more, have more! For what? We should know when to stop. Kaya sabi ni Solomon, great projects-meaningless! Possessions-meaningless. Bale wala. Pag dumami yung possession mo dumadami lang yung binabayaran mo para magbantay. Tapos pag nakatalikod ka kinukupit nila. Kaya habang ika’y naliligo at nagsu-swimming iniisip mo, kinukupitan kayo ako ngayon sa tindahan namin? Mahabag kayo sa inyong sarili. Sabi niya, ang buhay nyo ay may wakas. Kung gusto nyong mag-provide sa inyong sarili hanggang sa retirement and up to a point bigyan nyo ng kaunting pasimula ang inyong anak, yun na lang. Pero kung pati yung kaapu-apohan ninyo ay ipagpupungar nyo pa, kawawa naman kayo. Lugi kayo. Naliligid tayo ng maraming mga taong ganyan. Andaming pinundar, tapos nung namatay kung kani-kaninong abogado napunta yung mga pinundar nila. Hindi rin napunta sa kanila! Pinag-agawan lang ng kung sinu-sino.

Mag-ingat sa mahal na insurance. Kung minsan nagiging mitsa pa ng buhay nyo yan. Lalo kung pinundar nyo mahal na insurance. Napakalapit ng aksidente sa inyo. Tinutulak-tulak kayo ng mga kaibigan nyo’t mga asa-asawa sa may gilid-gilid ng bangin at nang mapadali ang koleksyon. Kaya mag-isip-isip kayo. Sabi niya, “Meaningless. Everything is meaningless.” And it doesn’t matter how excellently done, the work will be inherited by just any fool. Sabi niya, “Paano naman ako nakatiyak na yung magmamana nito ay magmamalasakit? Paano ako nakakatiyak na ang magmamana ng ipinundar ko ay marunong? O baka gamitin pa niya sa masama ito ipinundar ko. “So, anong idinagdag niya diyan? Kaya sabi niya, “Meaningless ang lahat ng ito.”

No comments:

Post a Comment