Some people
love other people too much that those people become their idols. Nagtataka ba
kayo kung bakit itong si Abraham na kay tanda-tanda na ay pinangakuan ng
Panginoon na magkaanak. At nang binatilyo na ang kaisa-isang anak na si Isaac,
ang sabi ng Lord, “I-offer mo siya sa akin”. Bakit kaya? Ano kayang test kay
Abraham yun? Pwede kaya na dahil sa katagalan nyang walang anak at dahil sa pananabik
sa anak nya? Siguro puro anak na lang nang anak yung iniisip mula sa umaga
hanggang gabi. Bini-baby-baby. Maari kayang nakalimot siya nang kaunti sa
Diyos? Kaya sabi ng Lord, “Mabuti, magkaroon tayo ng test sa faith, ha? I-offer
mo siya.” And Abraham naman passed the test. Pero ba’t kinailangan nyang dumaan
sa test na iyon? Is it possible that he was loving Isaac too much that it is
now becoming obvious that he would love Isaac more than he would love God?
But
God tolerates no rivals. Kung ayaw nyo na mayroon kayong mahal sa buhay na
alisin ng Panginoon dyan, huwag nyo silang mahalin nang higit pa sa pagmamahal
nyo sa Diyos. Especially kung nobyo at nobya nyo pa lang. Don’t love too much.
Hindi pa kayo nakakatiyak kung yan ang magiging asawa nyo, baka naibigay nyo na
ang lahat-lahat. Ang nakaraan, ang kahapon, ang bukas at ngayon. Eh kung
iniwan-iwan kayo?
Deuteronomy 6:5
Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all
your strength.
God
muna. Kasi pag mahal natin ang Diyos—ang katuwiran, katotohanan at
liwanag—napapabuti ang ating buhay. Pati pagmamahal natin sa tao napapalagay sa
tama. Pero pag inuna nyo yung tao, kawawa naman kayo kasi lulungkot kayo
sigurado. Pag sobra kang nagmamahal sa tao nang higit sa pagmamahal mo sa
Diyos, humuhukay ka ng iyong sariling libingan at tumatahi ka ng sarili mong
panluksa kasi lulungkot ka sigurado. Pero kung mamahalin mo ang Diyos above
all, tapos mamahalin mo yung tao na nasa lugar lang, yun ang tama. People come,
people go pero you have that other Number One love na hindi ka iiwan, hindi ka
pababayaan at hindi ka pagtataksilan. And that is God.
“Put
a little love away” sabi ng isang kanta. Huwag masyadong ilagay o ibuhos ang
iyong loob.
Magtira nang kaunti para
sa sarili. Pansinin nyo ang mga Pilipina, napakahirap paibigin pero oras na
nahulog na ang loob, alipinin mo, atsayin mo, pagawin mo ng thesis, okay lang.
Alilain mo, love ka pa rin. Nakawin mo yung kita niya at ibigay mo
sa querida mo, love ka pa rin. Kaya lagi na lamang iiyak-iyak. Mabuting magtira
ng kaunting pag-ibig sa sarili. Kasi kung hindi nyo rin iniibig ang inyong
sarili, hindi rin kayo totoong kaibig-ibig. Don’t love people too much. Love
them but with a godly limitation. Love God above all at magtitira sa sarili.
No comments:
Post a Comment