Sunday, October 5, 2025

Prepare For and Expect Disappointment

 Another way to prevent anger is by preparing for and expecting disappointment. Expect to be frustrated because of other people's mistakes, carelessness, shortcomings and selfishness resulting from a sinful nature. Prepare yourself for the worst when dealing with people. Decide beforehand how you would react  and act towards them. Kung nagpautang ka sa isang tao, i-prepare mo na ang sarili mo na baka hindi ka nya bayaran. Anong gagawain mo ngayon? Papatawarin mo na lang kasi pag hindi ka willing magpatawad, huwag ka na lang magpautang in the first place. Maraming tao ang hindi nagbabayad, so prepare yourself for this. Nasabi mo tuloy: "Sabi ko na nga ba, e.* Hindi naman abnormal na natural ka dahil handa ka nang ma-disappoint at di ka na surprised. Whenever you ask people to do something, expect that they might not able to do it. We are not saying this so that people might be tolerated not to perform well. No, but that there must be some reservation in our hearts for people's carelessness, mistakes and shortcomings. Otherwise, we will be driven to fits of anger. Organization and management people usually get angry because corporate goals were not met. Kaya maglalagay din tayo ng human factor sa plans natin, na somehow something might go wrong. May kasabihan: If something can go wrong it will. Let's prepare ourselves. Let's take people as imperfect beings like ourselves. So umpisa pa lang ay alam na natin that one of these days, This person will frustrate me. This friend, this boyfriend,  this husband or wife,  this mother or father, this brother or sister of mine, no matter how tall they seem to me now, will fall one of these days. When that happens, I would be ready to forgive. Kaya tayo nahe-hurt ay dahil ang ine-expect natin ay perfection. Ine-expect natin ay perfection from others 100%  of the time. And when our expectations are not met, we get angry. Let's leave room for people to be human and to commit mistakes without getting us off the track. Let's prepare ourselves to this: it is one of the greatest ways to prevent undue anger.

Tuesday, June 10, 2025

YOU CAN BE SAVED

 Ang sinasabi naman ng Panginoon, "You can be saved." Napakalinaw sa Bibliya na pwede ka pang maligtas.

ACTS 2:21 And everyone who calls in the name of the Lord will be saved. 

Acts 16:31 They replied, " Believe in the Lord Jesus and you will be saved, you and your household."

Siyempre, maraming pinag-uusapan ang mga theologians sa kung anu-anong mga degrees of salvation-- salvation ng kaluluwa natin doon sa eternity at meron din namang salvation from the forms of hell here on earth. Nagkakaroon tayo ng mga bagong pananaw at bagong pamantayan sa buhay. Naliligtas tayo sa kinakasadlakan ng maraming hindi nagkakaroon ng kaliwanagan.

Saturday, March 8, 2025

YOU CAN BECOME BRAND NEW

 Pero ang sagot ng Bibliya, " You can become  brand new." Wasak-wasak ka na, giba-giba pero pwede kang maging bago. Matthew 16:25 For whoever wants to save his life will lose it. Sinuman ang willing na isuko ang kanyang buhay sa Diyos, nagkakaroon siya ng bagong buhay. Kung willing tayo na patayin na yung dati nating sarili, yung makasalanan, yung marumi nagkakaroon tayo ng isang bagong buhay na malinis, isang bagong pasimula. 

2 Corinthians 5:17 Therefore, if anyone is in Christ he is a new creation; the old has gone, the new has come. Magandang katotohanan! Sinumang na kay Ķristo, inaaring bago. Nililimot  na ng Diyos ang dati, binibigyan ng bagong puso, bagong espiritu, bagong pasimula. Kaya hindi pwedeng magsabi ang taong " Wala akong kapag-a-pag-asa." Kung hindi na nare-repair ang buhay, sobrang  dami na siguro ang naging damage. This is totally new person na ibinibigay ng Panginoon pag tayo nagsusuko ng buhay sa Kanya.

Saturday, March 1, 2025

Dapat bang maging banal upang maligtas?

 Naalala nyo ba ang dalawang lalaking nakapako sa magkabila ni Kristo at kung paano Niya nailigtas ang isa? 

Kung ang ating pag-aaralan ang istorya, nandito ang susi kung paano nailigtas ang isang tao.
 Marami kasing nagsasabi na para ma-save, kailangan ikaw ay banal. 
Sa tingin nyo ba banal ang lalaking ito? Pero sinabi ni Jesus sa kanya, Today, you will be with me in paradise. 
Pumunta ba siya sa paraiso? Siyempre.Banal ba siya? Hindi. So hindi totoo na dapat maging banal para ma-save.

Sunday, January 26, 2025

Ano ba ang new heaven and new earth?

<> Sa pagbabalik ni Lord ay magseset-up Siya ng kingdom here on earth at yun ang magiging everlasting kingdom.

Ang totoo, hindi tayo pupunta sa heaven, dahil ibababa ni Lord yung heaven. Yun naman ay kung literal ang interpretasyon natin. Ano naman daw ang gagawin natin sa langit? Aba’y malay! Problema yun ng Diyos. Ang mahalaga, nandoon tayo. Hindi ko alam ang gagawin sa langit, pero alam ko ang gagawin sa hell. Katakot-takot na guilt at sisihan. Kung nadala ka ng tao sa maling relihiyon, walang kayong gagawin kundi magsisihan, magkagalit at mag-away-away.
So heaven, I’m sure we will worship God forever and ever and ever. And who know, baka maraming field trip. Baka pupunta tayo sa Pluto, sa Saturn, bibisitahin natin lahat ng creation ng Diyos. Ang dami no’n, baka hindi natin kayang ubusin lahat.

Thursday, May 9, 2024

BEAUTIFY TEXT MESSAGES- ETIQUETTE FOR TEXTERS

 

I would like to share some points with you; some of them are moral imperatives na dapat gawin dahil ito ay mga utos ng Diyos, pero meron namang social and artistic refinements that you can take as suggestions na maaaring pag-isipan.

     One of the most important points I would like to share  with you is, as children of God we should beautify our text messages. Dapat nating pagandahin ang ating mga mensahe. Be more specific. Be more vivid.

      Halimbawa, instead na magpadala ng walang kamatayang “miz u” why don’t we be more specific? Pwede namang “I miss your smile,” I miss your laughter” o “ I miss your adobo.” Mas malinaw. Kasi yung araw-araw na miz u, nagagasgas yan at nawawalan na ng katuturan. Nawawala ang talab, kasi hindi mo alam kung ano ang kahulugan.

       Sino sa atin ang laging nagpapadala ng “Ingats!”? At letter “z” ha? Minsan naman, “Ingatzzz.” Bakit hindi naman natin ibahin? Nakakasawa na. Sabihin natin, “ Bring your flashlight.” “Wear your vest.” O kaya “Check the fire exit” kung nasa hotel siya. “Ingatz” din yun e, pero mas specific. Ibig sabihin pinag-isipan naman natin kung ano ang sasabihin natin.

        Para sa mga mahilig magpadala ng “luv yah”, bakit hindi naman natin sabihin, “I love your kindness,” “ I love your neatness,” “I love your hair,” “I love your beautiful speech,” “ I love your clean feet” o kaya “ I love how you love me”? Di ba mas specific? Pero “luv yah”? Gasgas na yun. Ganyan kapag laging ginagamit nang walang kahulugan. Bakit hindi ito ang i-text nyo?

Song of Songs 1:15 How beautiful you are, my darling!  Oh, how beautiful! Your eyes are doves.

        Kahit i-send nyo ang “luv yah” o itong buong Song of Songs 1:15, piso rin yun eh. Pareho lang ang halaga. Lalo na kung kayo’y may “unli,” di ba? Ini-invest-an nyo lang ng konting panahon. Eh di nakakapagpahayag kayo ng mas makahulugang pagmamahal. Hindi basta”luv yah”, “luv yah” lang.

        Eh yung nagpapadalan ng “nytnyt”? Why not “Have a restful sleep,” “ A peaceful sleep to you” or “Enjoy your rest”? Trabahong tamad lang yang “nytnyt.”

Saturday, December 30, 2023

Do Not Love Too Much

 

  Some people love other people too much that those people become their idols. Nagtataka ba kayo kung bakit itong si Abraham na kay tanda-tanda na ay pinangakuan ng Panginoon na magkaanak. At nang binatilyo na ang kaisa-isang anak na si Isaac, ang sabi ng Lord, “I-offer mo siya sa akin”. Bakit kaya? Ano kayang test kay Abraham yun? Pwede kaya na dahil sa katagalan nyang walang anak at dahil sa pananabik sa anak nya? Siguro puro anak na lang nang anak yung iniisip mula sa umaga hanggang gabi. Bini-baby-baby. Maari kayang nakalimot siya nang kaunti sa Diyos? Kaya sabi ng Lord, “Mabuti, magkaroon tayo ng test sa faith, ha? I-offer mo siya.” And Abraham naman passed the test. Pero ba’t kinailangan nyang dumaan sa test na iyon? Is it possible that he was loving Isaac too much that it is now becoming obvious that he would love Isaac more than he would love God?

      But God tolerates no rivals. Kung ayaw nyo na mayroon kayong mahal sa buhay na alisin ng Panginoon dyan, huwag nyo silang mahalin nang higit pa sa pagmamahal nyo sa Diyos. Especially kung nobyo at nobya nyo pa lang. Don’t love too much. Hindi pa kayo nakakatiyak kung yan ang magiging asawa nyo, baka naibigay nyo na ang lahat-lahat. Ang nakaraan, ang kahapon, ang bukas at ngayon. Eh kung iniwan-iwan kayo?

 Deuteronomy 6:5 Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your strength.

        God muna. Kasi pag mahal natin ang Diyos—ang katuwiran, katotohanan at liwanag—napapabuti ang ating buhay. Pati pagmamahal natin sa tao napapalagay sa tama. Pero pag inuna nyo yung tao, kawawa naman kayo kasi lulungkot kayo sigurado. Pag sobra kang nagmamahal sa tao nang higit sa pagmamahal mo sa Diyos, humuhukay ka ng iyong sariling libingan at tumatahi ka ng sarili mong panluksa kasi lulungkot ka sigurado. Pero kung mamahalin mo ang Diyos above all, tapos mamahalin mo yung tao na nasa lugar lang, yun ang tama. People come, people go pero you have that other Number One love na hindi ka iiwan, hindi ka pababayaan at hindi ka pagtataksilan. And that is God.

        “Put a little love away” sabi ng isang kanta. Huwag masyadong ilagay o ibuhos ang iyong loob.

Magtira nang kaunti para sa sarili. Pansinin nyo ang mga Pilipina, napakahirap paibigin pero oras na nahulog na ang loob, alipinin mo, atsayin mo, pagawin mo ng thesis, okay lang. Alilain  mo, love ka pa rin. Nakawin mo yung kita niya at ibigay mo sa querida mo, love ka pa rin. Kaya lagi na lamang iiyak-iyak. Mabuting magtira ng kaunting pag-ibig sa sarili. Kasi kung hindi nyo rin iniibig ang inyong sarili, hindi rin kayo totoong kaibig-ibig. Don’t love people too much. Love them but with a godly limitation. Love God above all at magtitira sa sarili.