Do not be a quitter. Walang kwenta yung nahirapan lang
nang konti, umaatras agad. Hindi pwedeng napaso ka, bigla mong iluluwa at ayaw
mo na. Gaya halimbawa ng pag-aasawa. Pasensya ka, nag-asawa ka eh. Pero
panindigan mo yan. Hindi atras ka na lang nang atras. But we must have wisdom
from God para malaman kung kailan talaga wise and godly na umatras. Alangan
namang mali na nga, tuloy ka pa rin nang tuloy. That is what we need – wisdom from
the Holy Spirit – to know when to give up and when to pursue. When to push and
when to pull. When to be still and know that our God is God. This is very crucial.
And one other
thing, do not envy those who succeed around you. For all you know, baka
kaluluwa nila yung ibinayad nila sa success nila; hindi nakakainggit yun. “Naku,
mabuti pa itong classmate ko nung high school, asenso na ngayon samantalang
pare-pareho lang kami nun. Kasi naman, gumawa nang masama, naging drug lord at
naging corrupt. Yumaman na sila, samantalang tayo ay mahirap pa rin.” Wala kayo
sa lugar pag nainggit kayo dun. Hindi nyo kinaiinggitan ang kayamanan na ang
ibinayad ay kaluluwa. Hindi nyo kinakainggitan ang tao na biglang sumikat at
biglang nagkaroon ng material things dahil gumawa ng mali. Hindi dapat
kinakainggitan kahit kalian.
Ano ba naman
yung asenso? People can buy food but they can never buy appetite. You can buy a
good bed but you can never buy sleep. At iba yung tulog ng taong ang kanyang
ginagawa ay ayon sa kalooban ng Diyos. Yun ang tunay na tagumpay. What the world
may call an outright failure may actually be a very righteous person. Baguhin
ang isip. Sapagkat ang lahat ay nagmumula at nagtatapos sa isip.
Kung sino
man sa atin ang nagkaroon na ng mga kabiguan noon at hanggang ngayon ay may
inaalagaang sama ng loob, galit sa tao, sa mundo o sa Diyos, hindi aksidenteng
binabasa ninyo ito ngayon. Kausapin natin ang Diyos. “Panginoon, meron po akong
mga dapat patawarin. Meron akong dapat kalimutan na. Meron akong mga sugat na
gusto ko sanang gumaling na at huwag na kong maapektuhan pa. Pag naaalala ko
ang mga ito, nagagalit ako at nagkakasala ako. Pero ngayon, Panginoon,
ipinaliwanag ninyong ito’y talikuran ko na. Kung may mga bahagi ng ating
nakaraan ang nais nating isuko na sa Diyos, mga paninisi at mga pagsisisi, ito
ang tamang oras sa paanan ng atin Panginoon. Hinihingi niya ang aing mga
kabigatan upang mapalitan Niya ng pagpapala. Hindi kayo makakatanggap ng
pagpapala sa Diyos kung ang kamay nyo ay nakahawak sa mga pangit na nakaraan.
Bitawan natin ang mga ito. Ihingi ng tawad ang ating mga kakulangan ng
pagpapatawad sa ating kapwa.
Kung sino
sa inyo ang nais manalangin na magkaroon ng bagong buhay, na limutin na ang mga
sakit ng kalooban at ang mga hinanakit, ang mga nagnanais na humingi ng tawad
at magpatawad, nakikinig ang Diyos.
No comments:
Post a Comment