Some people love
other people too much that those people become their idols. Nagtataka ba kayo
kung bakit itong si Abraham na kay tanda-tanda na ay pinangakuan ng Panginoon
na magkaanak. At nang binatilyo na ang kaisa-isang anak na si Isaac, ang sabi
ng Lord, “I-offer mo siya sa akin”. Bakit kaya? Ano kayang test kay Abraham
yun? Pwede kaya na dahil sa katagalan nyang walang anak at dahil sa pananabik
sa anak nya? Siguro puro anak na lang nang anak yung iniisip mula sa umaga hanggang
gabi. Bini-baby-baby. Maari kayang nakalimot siya nang kaunti sa Diyos? Kaya
sabi ng Lord, “Mabuti, magkaroon tayo ng test sa faith, ha? I-offer mo siya.”
And Abraham naman passed the test. Pero ba’t kinailangan nyang dumaan sa test
na iyon? Is it possible that he was loving Isaac too much that it is now
becoming obvious that he would love Isaac more than he would love God?
But God
tolerates no rivals. Kung ayaw nyo na mayroon kayong mahal sa buhay na alisin
ng Panginoon dyan, huwag nyo silang mahalin nang higit pa sa pagmamahal nyo sa
Diyos. Especially kung nobyo at nobya nyo pa lang. Don’t love too much. Hindi
pa kayo nakakatiyak kung yan ang magiging asawa nyo, baka naibigay nyo na ang
lahat-lahat. Ang nakaraan, ang kahapon, ang bukas at ngayon. Eh kung
iniwan-iwan kayo?
Deuteronomy 6:5 Love
the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your
strength.
God muna. Kasi
pag mahal natin ang Diyos—ang katuwiran, katotohanan at liwanag—napapabuti ang
ating buhay. Pati pagmamahal natin sa tao napapalagay sa tama. Pero pag inuna
nyo yung tao, kawawa naman kayo kasi lulungkot kayo sigurado. Pag sobra kang
nagmamahal sa tao nang higit sa pagmamahal mo sa Diyos, humuhukay ka ng iyong
sariling libingan at tumatahi ka ng sarili mong panluksa kasi lulungkot ka
sigurado. Pero kung mamahalin mo ang Diyos above all, tapos mamahalin mo yung
tao na nasa lugar lang, yun ang tama. People come, people go pero you have that
other Number One love na hindi ka iiwan, hindi ka pababayaan at hindi ka
pagtataksilan. And that is God.
“Put a
little love away” sabi ng isang kanta. Huwag masyadong ilagay o ibuhos ang
iyong loob.
Magtira nang kaunti para sa sarili. Pansinin nyo ang mga
Pilipina, napakahirap paibigin pero oras na nahulog na ang loob, alipinin mo,
atsayin mo, pagawin mo ng thesis, okay lang. Alilain mo, love ka pa rin. Nakawin mo yung kita niya
at ibigay mo sa querida mo, love ka pa rin. Kaya lagi na lamang iiyak-iyak.
Mabuting magtira ng kaunting pag-ibig sa sarili. Kasi kung hindi nyo rin
iniibig ang inyong sarili, hindi rin kayo totoong kaibig-ibig. Don’t love
people too much. Love them but with a godly limitation. Love God above all at
magtitira sa sarili.
thank you very much Pastor Ed Lapiz sa mga aral na binabahagi nio samen.God bless po.
ReplyDelete