It is very interesting to note what the Lord, talking to
the Father, said.
John 17:4 I have brought you glory on earth by completing
the work you gave me to do.
What did the Lord
have to show in order to be able to say he has completed his tasks? May
labindalawa siyang disciples, nagtaksil pa yung isa. A group of 70 secondary
people was his next sphere of influence. The greatest number that remained with
the Lord was 120. Noong ipinako siya sa krus, wala ngang taong kasama sa eksena
ng crucifixion e. In-abandon siya ng mga tao. Bakit niya nasabing nakumpleto na
raw nya ang trabaho nya?. Napagaling na ba nya lahat ang maysakit? Ang dami
pang may ketong. Ang dami pang pilay. Gaano na karami ang nag-repent? Yung
woman that was caught in adultery? Yung lalaking possessed by legions of
demons? Ang dami pang hindi. Ang mga opisyal ba sa temple, nag-repent na? Ang
bayan ba ng Israel ay nagbalik-loob na sa Diyos? Eh ang Jerusalem nga, hindi pa
nagre-repent.
Pero ang
sabi ng Lord, “I have completed the work that you gave me to do.” Bakit?
Because the Lord knew his calling. Ang calling ng Lord was not to personally
convert every human being on the planet. Ang calling ng Lord was to heal every
leper or deaf or sick person. Ang calling nya was to train and to teach 12
disciples, to live a sinless life and to die a sacrificial death for men. Alam
nya ang calling nya. Kaya nang nagampanan na nya ito at nang mamamatay na Siya
sa krus, ang sabi Niya, “It is finished.” Tapos na. You know why He can say
with satisfaction that His job was completed? He knew what His job was!
Tayo
naman, baka nagawa na natin yung assigned work sa atin ay di pa rin tayo
kontento. Bakit? Eh kasi hindi natin alam kung ano yung work natin eh. Kaya
puro tayo hit-and-miss. Yung iba para makasigurado, dinadaan na lang sa dami.
Baka sakaling maraming matumbok. Pwede na.
Are we
trying to be everybody and everything? If that is the case, we will only
overspeed and we will miserably fail. Do not be presumptuous of God’s
protection. The Lord is the author of natural law which we must respect.
Natural law tells us that if we don’t eat, magugutom tayo. Na kapag nagpupuyat
ka, aantukin ka. Na kapag hindi ka nagpapahinga, manghihina ka. Kahit pa ang
ginagawa mo ay para sa ministry. Yung iba kasi, “Sa ministry naman ito, hindi
na lang ako matutulog.” Eh ang Panginoon nga, dahil sa pagod sa ministry kahit
na lulubog na yung barkong sinasakyan nila, hindi pa rin nagising eh. Sa
sobrang pagod, nakatulog. Let’s not be presumptuous. The Lord can take care of
us but it is not the Lord’s obligation to rescue us if we run outside the law
of nature. Remember, God is the author of nature and so, natural law must be
respected.
Overspeeding robs us of a lot of happiness because we leave many loved
ones behind. It causes us unhappiness because we miss the chance to love and be
loved, to be kind and to receive kindness, to appreciate the beauty of creation.
Lagi kasi tayong nagmamadali kaya hindi na tayo nagkaroon ng pagkakataon to
appreciate the sunrise or sunset, the blooming of a flower, yung hamog sa
damuhan, yung tunog ng alon na humahampas sa breakwater.
Do not
overspeed. Maraming mga magulang ang sobra kung mag-overspeed. Gustong yumaman
kaagad. Wala nang ginawa kung hindi magtrabaho nang magtrabaho nang magtrabaho.
Before they knew it, ang mga anak nila ay mga 15 o 16 anyos na. Kung kalian
sila mayroon nang panahon para makipag-bonding sa mga anak nila, hindi na
interesado ang mga anak dahil lumipas na ang panahon. May mga iba nang
pinagkakaabalahan ang mga bata. Kaya nga dapat i-enjoy ng mga magulang ang
childhood ng kanilang mga anak dahil ang mga bata ay hindi magiging bata
forever. If you turn your back on them by overspeeding in trying to make a
living, when you return, chances are you will have juvenile delinquents in your
house. Ilang lipat panahon lang, mag-aasawa na ang mga iyan. Sasama na sa iba.
Ang you will never be the same again. Then you will forever pine for lost time.
No comments:
Post a Comment