Thursday, December 20, 2018

WORRYING CANNOT MAKE ONE LOOK BEAUTIFUL


      Jesus said not to worry about these things. Worrying cannot make one look beautiful. Sa katunayan, nagpapangit pa nga ang pag-aalala. Nakikita nyo ang mga lalaki na magandang mag-alaga ng kanilang may-bahay? Aba, magaganda ang kanilang maybahay – parang mga sariwang-sariwang ubas. Pero pagka ang maybahay ay mukhang pasas, ang sisihin nyo’y ang asawa. Di nyo yata inaalagaan ang puri, di nyo yata inaalagaan na magtiwala siya at huwag mag-alala kung wala ka. Kaya hayan, nagkanda tuyot-tuyot na. Pero pag inaalagaan ang tao’y gumaganda. Ang napakalakas magpapangit ay ang pag-aalala. Kaya nga sabi ng Panginoon, huwag kayong mag-alala. Kung minsan may mga tao na kahit di naman natin kilala ay sinasabi ng iba na, “Siguro’y sister or brother natin yan. Mukhang Christian kasi eh.”
       Matthew 6:31-32
         So do not worry, saying, ‘What shall we eat?’ or ‘What shall we drink?’ or ‘What shall we wear?’ For the pagan run after all these things and your heavenly Father knows that you need them.
   
      Sabi Niya, “Huwag kayong mag-alala sa mga bagay na yan dahil worrying is for godless people.” Ang pag-aalala ay di bagay sa mga anak ng Diyos. Bagay lang yan sa mga taong di kilala ang kanilang Diyos.
     Sabi Niya, “Kung anak kayo ng Diyos, di bagay sa inyo ang mag-alala.” Parang wala naman tayong Diyos. Parang wala tayong Ama sa langit. Parang wala tayong Tagapagligtas. Parang walang Banal na Espiritu na umaaliw sa ating lumbay at sumasama sa ating pag-iisa. Ang anak ng Diyos ay talagang di nag-iisa kailanman sapagkat ang Diyos ay nananahan na sa ating puso. Hindi lang sa temple sa Israel o sa mga templong gawa ng kamay kundi sa puso ng mananampalataya. Kaya’t sabi Niya, “Bakit ka mag-aalala?
 
       Alam nyo ba ang pinakamalaking redemption at rescue plan in human history ? That God became man to save us from sin. Tayo ba ang nagsabi sa Diyos, “Diyos, magkatawang tao naman Kayo. Akuin Nyo ang lahat ng aming mga kasalanan. Akuin Nyo ang lahat ng aking kakulangan. Lahat ng kaparusahang dapat kong tanggapin, pakitanggap Nyo nga. Pagkatapos, pakibigay Nyo sa akin ang Inyong kabanalan  para kami ang maging banal at Kayo ang maparusahan at kami’y maligtas. Bayaran Nyo nga ang lahat ng utang namin.”
      
      Ideya ba natin yan? Hindi. Yan ay ideya ng Diyos at kung Diyos ang nag-isip na Siya’y magkakatawang-tao para bayaran ang ating mga kasalanan, kailangan pa ba natin Siyang himukin na maging mabuti sa atin? Kailangan pa ba natin Siyang himukin na magbigay ng pagkain at ng mga kailangan natin? Kung ang Kanyang buhay ay ibinigay Niya sa atin, napakasimpleng bagay ang mga ito. Di na natin hinahangad na magkaroon pa tayo ng very sophisticated na pag-aaral. Balikan lang natin kung ano ang simple, unawain ito, namnamin at ipamuhay at napakalaking bigat ang mawawala sa ating mga dala-dalang alalahanin sa araw-araw.

No comments:

Post a Comment