In love you take the thorns as well as the roses. Kung ayaw
mo ng tinik, huwag kang pumitas ng rosas. Kung ayaw mong masaktan, eh di huwag
kang umibig at mag-asawa. Talagang may risk. Pero ang tanong ay ito: Ano ba ang
mas mabuti? Masarapan nang may kasamang sakit o hindi masaktan pero hindi rin
masiyahan? Pwede ka namang magmahal at tumanggap ng posibilidad na masaktan.
Ganun talaga ang buhay. Pero para may proteksyon ka sa pag-ibig, LAGING MAGTIRA
SA SARILI. Huwag sobrang bigay na bigay. Mahalin mo rin ang sarili mo. At kung
mangyaring pinahihirapan ka nya, take good care of yourself.
Wednesday, April 29, 2020
Monday, April 27, 2020
Paano malalaman kung ang bf/gf ay takda ng langit?
Your chemistry will tell you. And your shared convictions,
beliefs and aspirations. I do not think na “may itinakda” na specific person
for each human being. Pero may mga types of persons na PWEDE/ BAGAY/ TUGMA/
TUGMANG-TUGMA.
So, kilalanin at damhin yung candidate. Get counsel from
parents, friends and spiritual people. Ipanalangin at makiramdam sa sagot.
Saturday, April 25, 2020
Ano po sa tingin nyo ang pinakamadalas at pinakamahal ang bayad na pagkakamaling nagagawa ng tao laban sa kapwa?
Lack of effort to understand the other person—to see things
from the other person’s point of view. We break up, quarrel, fight, lose
people, hurt and get hurt NEEDLESSLY simply because we insist on looking at
things ONLY OUR WAY. We assign and impose meanings on what people say or do, do
not say or do not do without bothering to check if we are right. We take
offense when we should not. We become defensive when we should be open. We
become offensive when we should have been more caring. All because of our
limited, narrow, myopic viewpoints which are usually proven wrong over time.
All because of our self-serving attempts at protecting ourselves from
non-existent threats. All because we are too engrossed with ourselves. SAYANG
ANG MGA RELASYON. Sinisira ng ating mga katangahan.
Thursday, April 23, 2020
Ano po ang magandang gawin pag inis na inis?
Don’t
speak. Baka may masabi kang pagsisisihan mo. Quiet muna.
1.
Lumayo sa kinaiinisang tao o sitwasyon. Change
channels.
2.
Don’t make any important or big decision.
3.
Pahupain ang inis. Mag-relax, mag-shower, eat
something nice, do something you enjoy. Talk with someone who makes you laugh.
And cooperate. Laugh.
4.
Huwag magdamay ng iba, lalo na yung walang
kinalaman sa inis mo.
5.
Express your inissa isang sympathetic,
understanding, supportive person.
6.
Examine yourself. Bakit ka naman nainis?
Justified ban a nainis ka? Could you be partly responsible kung bakit nangyari
ang kinainisan mo? If so, correct yourself. Or the situation.
7.
Try to isolate people from their actions or
events na nakaiinis. Like, mainis ka sa nangyari pero hindi sa tao—kung pwede
mong madala ang utak mo sa ganung maturity.
8.
Avoid maulit ang nakaiinis na bagay o
pangyayari. Change the situation. If you can’t, change your attitude.
9.
Pray. Seek God’s peace—and patience. Thank God
na ikaw ang nainis at hindi ikaw ang kinainisan.
And remember your name. Hindi naman INEZ, di
ba?
Wednesday, April 22, 2020
Bakit po yung pastor naming galit na galit sa internet at Facebook? Parang ang laking sin na mag-internet? Binabawalan po kami.
Ewan ko sa kanya. Siguro dahil marami naman talagang bad
stuff sa internet at Facebook. Pero tulad ng totoong buhay, marami ring good.
Nasa tao na kung alin ang pipiliin.
Monday, April 20, 2020
Parang ayaw ko pong umattend ng high school class reunion naming kasi sobrang malayo nap o ang narrating ng iba naming classmates habang ako ay wala namang masyadong na-accomplish. What can you say?
Reunion yun, hindi contest kaya dumalo ka. Masaya. You cannot
make old friends. Sayang pag lumayo ka pa sa old friends mo. Just remain true
to yourself. Huwag kang makipagpaligsahan pero huwag ka rin magpaawa o
magpaaba. Many of them would be happy to see you. At malay mo, baka through
them ay ma-bless ka! But no matter, be a blessing to them!
Friday, April 17, 2020
Sino po kaya ang pinakamalaking hadlang sa paglago at pagpapalaganap ng Christianity?
“Christians” who have very little of Jesus and have much of:
1.
the Pharisees
2.
sectarianism and congregationalism
3.
religious traditions not directly based on Jesus
and His teachings but on the teachings of men who came after Jesus.
4.
self-righteous
5.
religious politics
.
Thursday, April 16, 2020
Paano po ba malalaman na yung taong gusto mo eh gusto ka rin?
Mararamdaman mo yun, hindi pwedeng hindi. Observe body
language: palapit nang palapit sa iyo. O kaya, the other extreme: palayo nang
palayo. At pag kausap ka, halos mamilipit na parang bulateng kinakagat ng
langgam.
Ano po ba ang signs of emotional maturity?
Mature people:
1.Hindi
magagalitin
2. Mas
tolerant of others.
3.
Relaxed
4.Choose their battles. Kaunti na lang giyera ang sinasalihan.
5.
More appreciative of others and things
6.
Quiet, hindi loud
7.
Accomodating
8.
Nurturing
9.
Diplomatic
10.
Spiritual
Tuesday, April 14, 2020
Bakit po may mga theologians, congregations and Bible schoold/seminaries na nagsasabing “Si ganyan, mali. Si ganun, tama. Ang ganitong theology ay faulty, ang ganun ay dangerous, etc.?
They express their OPINION but lack “to-me-ness” labeling.
Yung sabihin dapat na “TO ME” or “TO US, such and such is right, so and so is
wrong.” In matters of interpretation and application, wala namang single
authority.
Mayroon lang maiingay at mahilig mag-impose ng opinion at
“scholarship” nila on others. Yung may mga malalaking schools, churches, media
at sikat, madalas mapagkamalang “THE” authority. At madalas din maniwala na
authority nga sila kaya ganun na rin ang arte. Parang sila lang ang marunong.
Thursday, April 9, 2020
Paano po pag lagi kang inaaway o inaapi, dapat po bang lumaban?
Pag-aralan mo kung bakit ka inaapi. Usually, ang sobrang
pagiging “mabait” ay para na ring imbitasyon sa iba na apihin ka. Weakness or
meekness is sometimes taken by aggressive people as an invitation for conquest.
Tuesday, April 7, 2020
Usong-uso na naman po ang usapan tungkol sa end of the world. What’s your take on it?
End of the world or not, let us just live as God wants us
to:
1.
Minimize sorrow and pain.
2.
Maximize happiness and pleasure.
3.
Do the most good. (You can find these in Ecclesiastes.)
Hindi naman natin mapipigil o mapapadali yan. We cannot
stop, delay or advance it, so I would not be too conscious of it.
Kung dumating, dumating. Kung hindi, hindi. Too much
interest in it only scares people. And it may also take our focus away from
more practical, fruitful work. After, sabi sa Bible, no one knows the time of
the end. So why bother to compute and “know” what the Book says is unknowable
anyway?
Monday, April 6, 2020
Bakit nga po ba may mga mahilig mag-comment tungkol sa physical condition ng kapwa: kung payat, mataba, maitim, maputi, etc?
Choose the correct answer:
1.
Pa-close kunwari sa iyo. Pinalalabas na
nababantayan nya ang nangyayari sa iyong katawan kaya quick ro remark pag
parang may nagbago. Ang tunay nyang message: “See, I know. Because I watch over
you. I care.” Of course, hindi yun totoo. Kasi kung caring siya, hindi siya
kikibo especially sa harap ng iba.
2.
Nagpapa-impress siya na all-knowing siya. Nagpaparamdam
siya na alam nyang nag-beach o nag-bleach ka, na alam nyang nagpa-rebond ka, na
alam nyang nagpa-abort ka kaya ka nangangayayat o alam nyang nagpa-lipo ka.
3.
Wala lang siyang masabi kasi wala naman siyang
ibang alam.
4.
Well-meaning naman kaya lang hindi niya alam na
nakakainis ang ginagawa niya.
5.
He/She is a commentator from hell.
Wednesday, April 1, 2020
Ano pong dapat gawin kung ang mga churchmates nyo po ang puro feeling righteous na parang ikaw lang ng nagkakasala at sila ay hindi na?
Layuan mo. Pag talagang nag-fall ka, hindi ka tutulungan ng
mga yan. Pagpipiyestahan ka nila,
i-e-expose, ipapa-discipline, ititiwalag. Sayang ang oras mo sa
pakikisama sa kanila. And don’t be affected by their opinion of you. Some
people never feel holy until they make others seem sinful.
Subscribe to:
Posts (Atom)