Wednesday, June 24, 2020

Hanggang saan at kailan po ba dapat tumanaw ng utang na loob?

UTANG NA LOOB IS FOREVER kung yung tumulong sa iyo noon ay:

1.       patuloy pa ring tumutulong sa iyo.

2.       Hindi ka pa naman “nakakabayad”/nakakapagsukli ng kabutihan o kaunti pa lang”naibabayad” mo.

3.       Patuloy na mabuti sa iyo kahit nagbabayad-bayad ka.

4.       Hindi na nakatutulong sa iyo pero wala namang ginawang major masama sa iyo. So, sa balance, may utang ka pa rin.

UTANG NA LOOB IS NOT FOREVER kung:

1.       ang dami mo nang “naibayad” tapos may ginawa/nagawa nang masama o pang-aabuso sa iyo ang concerned.

2.       Ginagamit yun ng concerned para ka abusuhin, kontrolin, kawawain. Magsukli ka ng marami, then move on on. Hindi lubos na nababayaran ang utang na loob pero at least dahil sa bad behavior nya at dahil sa naisukli mo na, medyo bayad ka na nun. Pwede nang mag-good-bye.



1 comment:

  1. Pastor.pwede po ba na sabihin ng pastor na utang na loob ng members o tinuturuan nia kung anu sila ngayon .? Na'sila lang ang susundin ng mga bata na hawak nila?

    ReplyDelete