Posts

YOU CAN BECOME BRAND NEW

 Pero ang sagot ng Bibliya, " You can become  brand new." Wasak-wasak ka na, giba-giba pero pwede kang maging bago. Matthew 16:25 For whoever wants to save his life will lose it. Sinuman ang willing na isuko ang kanyang buhay sa Diyos, nagkakaroon siya ng bagong buhay. Kung willing tayo na patayin na yung dati nating sarili, yung makasalanan, yung marumi nagkakaroon tayo ng isang bagong buhay na malinis, isang bagong pasimula.  2 Corinthians 5:17 Therefore, if anyone is in Christ he is a new creation; the old has gone, the new has come. Magandang katotohanan! Sinumang na kay Ķristo , inaaring bago. Nililimot  na ng Diyos ang dati, binibigyan ng bagong puso, bagong espiritu, bagong pasimula. Kaya hindi pwedeng magsabi ang taong " Wala akong kapag-a-pag-asa." Kung hindi na nare-repair ang buhay, sobrang  dami na siguro ang naging damage. This is totally new person na ibinibigay ng Panginoon pag tayo nagsusuko ng buhay sa Kanya.

Dapat bang maging banal upang maligtas?

Image
 Naalala nyo ba ang dalawang lalaking nakapako sa magkabila ni Kristo at kung paano Niya nailigtas ang isa?  Kung ang ating pag-aaralan ang istorya, nandito ang susi kung paano nailigtas ang isang tao.  Marami kasing nagsasabi na para ma-save, kailangan ikaw ay banal.  Sa tingin nyo ba banal ang lalaking ito? Pero sinabi ni Jesus sa kanya, Today, you will be with me in paradise.  Pumunta ba siya sa paraiso? Siyempre.Banal ba siya? Hindi. So hindi totoo na dapat maging banal para ma-save.

Ano ba ang new heaven and new earth?

Image
> Sa pagbabalik ni Lord ay magseset-up Siya ng kingdom here on earth at yun ang magiging everlasting kingdom. Ang totoo, hindi tayo pupunta sa heaven, dahil ibababa ni Lord yung heaven. Yun naman ay kung literal ang interpretasyon natin. Ano naman daw ang gagawin natin sa langit? Aba’y malay! Problema yun ng Diyos. Ang mahalaga, nandoon tayo. Hindi ko alam ang gagawin sa langit, pero alam ko ang gagawin sa hell. Katakot-takot na guilt at sisihan. Kung nadala ka ng tao sa maling relihiyon, walang kayong gagawin kundi magsisihan, magkagalit at mag-away-away. So heaven, I’m sure we will worship God forever and ever and ever. And who know, baka maraming field trip. Baka pupunta tayo sa Pluto, sa Saturn, bibisitahin natin lahat ng creation ng Diyos. Ang dami no’n, baka hindi natin kayang ubusin lahat.

BEAUTIFY TEXT MESSAGES- ETIQUETTE FOR TEXTERS

  I would like to share some points with you; some of them are moral imperatives na dapat gawin dahil ito ay mga utos ng Diyos, pero meron namang social and artistic refinements that you can take as suggestions na maaaring pag-isipan.      One of the most important points I would like to share   with you is, as children of God we should beautify our text messages. Dapat nating pagandahin ang ating mga mensahe. Be more specific. Be more vivid.       Halimbawa, instead na magpadala ng walang kamatayang “miz u” why don’t we be more specific? Pwede namang “I miss your smile,” I miss your laughter” o “ I miss your adobo.” Mas malinaw. Kasi yung araw-araw na miz u, nagagasgas yan at nawawalan na ng katuturan. Nawawala ang talab, kasi hindi mo alam kung ano ang kahulugan.        Sino sa atin ang laging nagpapadala ng “Ingats!”? At letter “z” ha? Minsan naman, “Ingatzzz.” Bakit hindi naman natin ibahin? N...

Do Not Love Too Much

    Some people love other people too much that those people become their idols. Nagtataka ba kayo kung bakit itong si Abraham na kay tanda-tanda na ay pinangakuan ng Panginoon na magkaanak. At nang binatilyo na ang kaisa-isang anak na si Isaac, ang sabi ng Lord, “I-offer mo siya sa akin”. Bakit kaya? Ano kayang test kay Abraham yun? Pwede kaya na dahil sa katagalan nyang walang anak at dahil sa pananabik sa anak nya? Siguro puro anak na lang nang anak yung iniisip mula sa umaga hanggang gabi. Bini-baby-baby. Maari kayang nakalimot siya nang kaunti sa Diyos? Kaya sabi ng Lord, “Mabuti, magkaroon tayo ng test sa faith, ha? I-offer mo siya.” And Abraham naman passed the test. Pero ba’t kinailangan nyang dumaan sa test na iyon? Is it possible that he was loving Isaac too much that it is now becoming obvious that he would love Isaac more than he would love God?       But God tolerates no rivals. Kung ayaw nyo na mayroon kayong mahal sa buhay na...

KAYOD KA NANG KAYOD PARA KANINO?

  Then he tried toil. “Magtrabaho tayo nang magtrabaho. Tanim tayo nang tanim. Gawa tayo nang gawa. But all of labor’s fruits, sabi niya, will be left behind to his successors, to his heirs. Sabi nya, “Ang lungkot!” “Gawa ako nang gawa, pundar ako nang pundar, ang yaman-yaman ko pero napapanssin kong tumatanda na ako, mamamatay na ako, sinong magmamana nito? Anak ko? Alam ko ba kung anong uri ng taong mapapangasawa nito na magiging manugang ko? Na titira sa aking palasyo? Sa aking bahay? Nagtayo ako ng palaisdaan. Yung naglalakad pala diyang bigote mapapangasawa nitong anak ko? Magiging kanya pala ‘tong ginagawa kong ito? Bakit ko ‘to ginagawa? Sabi niya, “Inupud-upod ko ang buhay ko, nagpakandahirap-hirap ako, I denied myself any pleasures, I worked so hard. Para lang ipamana sa hindi ko kaanu-ano? At paano kung mamana yan ng asawa ko’t mamatay ako? At nag-asawa uli ang asawa ko? Sobra namang sinuwerte yung napangasawa niya. Nakuha na niya yung asawa ko, pati pa yung pinundar ko. ...

Bawal ba ang lotto, bingo, sweepstakes, jueteng at raffle sa mga Christians?

Image
 Ang kamalian ng lotto, sweepstakes o lahat ng sugal, ang pupunta sa inyong pera kung manalo kayo ay galing sa iba. May nanalo dahil maraming talo. Sasaya kayo dahil may lulungkot. Something is wrong with you kung tuwang-tuwa kayo dahil nanalo kayo kahit dugo ng iba yan. Bakit hindi nyo na lang straw-hin ang dugo nila? Diretsuhin nyo na lang dahil ganun din yon. Pag ang inyong kaligayahan ay kalungkutan ng iba, masama yon. May kumabig dahil merong natalo. Hindi yun mabuti. Kahit anong uri ng sugal, uwi-uwi nyo ang panalo at kung kayo ay may diwa ng Espiritu ng Diyos, malulungkot kayo para doon sa natalo. Kaya nyo bang sumaya kung ang napalunan nyo ay galing sa pera ng iba? Halimbawa sa sabong, uuwi ang nanalong sabungero, magbo-blowout ng pamilya pero maraming uuwi na natalo at aawayin ng asawa dahil wala silang isasaing at kakainin. Napunta na doon sa nanalo. That is what is evil with gambling. We Christians don’t take games of chance. If we want to have money, we work. Dapat nagk...