Alin ba ang mahalaga sa inyo? Mahalaga ba sa inyo na pagka
may mga lakaran ay nakakapag-swimming kayo? Kung hindi kayo marunong lumangoy,
learn to do so as early as possible. Para humaba ang panahon, i-enjoy nyo yan.
Gusto nyo palang pag may party ay nagbo-ballroom dancing kayo, eh di pag-aralan
nyo. Kaysa habang buhay nakatingin na lang kayong pa-inggit-inggit doon sa mga
nagpapaikot-ikot, nagpapagulong-gulong at nagpapatalon-talon. Learn it if you
like it. Gusto mo palang mamisikleta pero habang buhay nakatitig ka na lang sa
namimisikleta because you don’t know how to do it. Then learn it.
At this point in life, ano ang mahalaga sa inyo o gusto nyo
pero hindi nyo alam? Alamin nyo. Mas maaga nyong ma-master yan, mas mahaba ang
natitirang oras para nyo ma-enjoy. Skill ba yan? Language ba yan? Is it a piece
of information? Is it a trade? Isang uri ba yan ng paghahanapbuhay o nagagawa
ng kamay? Alamin mo. We cannot forever say, “Gusto ko sana pero hindi ko alam.”
Agahan ang pag-alam.
Proverbs 24:5
Wisdom brings strength and knowledge gives power.
Sa palagay nyo, ano ang dapat nyong malaman at pag
nalaman nyo mas lumalakas kayo bilang tao? Yung mas lumalakas ang bargaining
power nyo with the world? Know it. Another thing we have to learn is to be
healthy as much as possible. Bakit ang sabi nila kapag nagkaka-edad ka na ay
dumadami na ang sakit? Eh ang dami na kasing ginawa sa iyong katawan. Ang dami
mo pang inipon na atraso. Mga pawis na hindi mo na naipawis, exercise na hindi
mo na-exercise. Mga bagay na hindi mo dapat kinain na kinain mo, siyempre
darating ang panahong mahahabol ka rin nyan. Dumadami, nagkakasabay-sabay. Kaya
pagdating ng araw, doon ka ngayon magbabawas ng alat, ng taba at ng kung
anu-ano. Agahan na ang pagbabawas nun kasi naiipon. Habang bat aka pa, kaunting
disiplina na sa katawan. Huwag mong sabihing “Bata naman ako” kasi naiipon at
naiiwan sa katawan mo yan. Hindi lang naman mahalagang tumanda at humaba ang
buhay. Ang maganda ay mahaba ang buhay pero malusog. Mas nae-enjoy mo yun.
1 Corinthians 6:19
You surely know that your body is a temple where the Holy
Spirit lives. The Spirit is in you and is a gift from God.
Isipin nyo na yung Espiritu ng Diyos na walang katapusan
at napakamakapangyarihan ay nakatira sa ating katawan. At kapag bumigay na yung
katawan natin ay kasunod na ring bumigay ang brain natin kasi yun ang
tinitirhan nito. Many great and powerful
people get sick at certain times in their lives. Natatalo sila kapag may
giyera. May napakagaling na heneral na ang daming napalunan pero dahil lang sa
kagat ng lamok ay nagkaroon ng malaria. Kung kalian kailangan siya ay sinumpong
at inapoy ng lagnat saka doon lumusob ang kalaban kaya natalo sila. Kasi kahit
gaano kagaling ang utak mo, nakatira pa rin yan sa katawan mo. Yung katawan mo
naman kapag bumigay kasamang bibigay lahat. Kaya dapat inaalagaan natin ang
ating katawan nang mas maaga.
The body is also the temple of the mind so it limits the
mind kaya inaalagaan yan. The body becomes the tool of the mind so it can also
become the prison of our whole life. Kaya dapat responsible ang young people sa
kanilang kaligtasan. Huwag na kun saan-saan ibalibag ang katawan at
ipaghampasan at dalhin. Kasi kapag nabagok ang ulo mo at na-paralyze ka, yung
matandang nanay mo pa rin ang mag-aalaga sa iyo. Kapag nagkaroon ka ng
karamdaman ang gagastos ay ang mga mahal mo sa buhay. Kaya hindi ka lang
namumuhay para sa sarili. You live responsibly. In adulthood, do not treat
yourself as old. Do not think old and do not act old. Marami kasing humihina na
bahagi ng katawan natin kasi hindi na nagagamit, hindi na napapraktis. Recently,
nakakita ako sa internet ng 92 year old na lola na nagsa-salsa. Talagang
nagpapagulong-gulong, ibinabalibag ng apo, kulang na lang lumipad. Ang lakas ng
katawan at 92 years old! Naisip ko, wow! Marami sigurong ginawang tama itong
lola sa buhay nya. So, huwag na lang kayong laging nakaplanela at nakabalabal.
Pwede naman ninyong pasiglahin ang inyong katawan para marami pa tayong makita,
malasap, magawa, ma-produce. So, watch what you eat. Ibig sabihin hindi komo
masarap ay iyon ang mabuti sa iyo. Kaunting control sa sarili.