Thursday, March 21, 2019

Don't Listen To Everything That Everyone Says


Listening to everything that everyone says is meaningless. Tandaan nyo yan. You should not listen to everything people say. Why? Because you will only hear people cursing you. Baka marinig nyo pati katulong nyo minumura kayo. Mga amo, ano bang mga iniisip ng secretary nyo tungkol sa inyo? Mga construction managers, anong iniisip ng mga laborers tungkol sa inyo? O mga amo sa bahay anong iniisip ng inyong mga katulong. Bihira naman siguro yung, “Wow, love ko yung amo ko. Ang bait ng amok o.” Kung mae-Xray nyong utak niyan, palalayasin nyo ngayon din. Kaya ang sabi ni Solomon huwag nyo na lang X-rayin. Kayo din naman marami ding iniisip laban sa kanya at sa iba pa eh. Ganyan lang talaga ang tao.
In other words, Solomon was saying there are people you should never listen to. May mga tao never kayo dapat makinig sa kanila dahil lulungkot lang kayo. There are things naman that you should not listen to or hear even from people that you listen to. Listening to what everyone says is useless. Mayron po tayong mga kilalang tao. Pag hahangos sa akin, “Naku mayron hong nagco-complain tungkol sa ating Bible study.” Ilan ba yung uma-attend sa Bible study? “Dalawampu.” “Eh, ilan yung nagco-complain?” “Isa ho.” Eh, hayaan mo na, charge it to statistics.” Alangan namang lahat ng twenty naging happy, sobrang perfect naman. Laging may hindi happy diyan. Ngayon, kung may labing-siyam na nagrereklamo, makinig ka na. When people live together, some will smile and som will frown. But you need not mind them. Travel on as best you can, take them as you find them.
Kasi kung papakinggan nyo lahat ng tao para kayong hilong talilong kung saan kayo ipaling doon kayo haharap. Lalo sa leadership, not everyone will be happy. Iba-iba ang tao. Kung pinakinggan nyong lahat mababaliw kayo.

No comments:

Post a Comment