Ecclesiastes 11:9-10
Be cheerful and enjoy life while you are young! Do what
you want and find pleasure in what you see. But don’t forget that God will judge you for everything
you do. Rid yourself of all worry and pain because the wonderful moments of
youth quickly disappear.
Napakahalaga ng mensaheng ito ni Solomon, the wisest man
who ever lived. Sabi nya, habang bata ka pa, maging masayahin ka. Mag-enjoy ka
at gawin mo ang gusto at kaya mong gawin. Huwag mo lang kakalimutan na
answerable ka sa Diyos. In other words, huwag kang lalabis. Huwag kang gagawa
ng bagay na ipagsisisi mo kapag humarap ka sa Diyos dahil hahaharap at haharap
ka. Pero lahat ng pwedeng gawin na hindi ma-ooffend ang Diyos ay gawin mo. Yung
hindi magbibigay ng panganib sa iyo at sa iyong kapwa, gawin mo. Nang sa gayon,
huwag ka na muna masyadong mag-alala at mag-isip ng mga malulungkot na mga
bagay kasi darating din yan sa iyo.
Sandali ka lang maging bata, so enjoyin mo ang iyong
kabataan. Ang dapat sigurong sabihan nito yung mga magulang o mga lola’t lolo,
hindi yung mga kabataan. We must allow children to be children. And we must allow young people to be young. Do not fast-forward their maturity. We all have
a lot of time to be old. At kapag dumating na sa iyo yung old age wala ka nang
balikan. Kaya dapat huwag sayangin ang pagiging bata. Kawawa naman yung bata na
hindi naging bata sa dami ng naging responsibilidad sa buhay. Yung hindi na
naka-attend ng anumang gathering o socialization kasi laging nag-aalaga ng
maysakit na magulang o kapatid o naghahanapbuhay habang kung minsan yung tatay
ay palasing-lasing. Yung mga anak na ang nagbuhat ng tungkulin ng mga magulang.
Hindi na sila naging bata. Eh, ang problema kapat lagpas na ang kabataan mo
hindi ka na magiging bata muli, ever. Kaya, isang malaking kalupitan ang
nakawan natin ang mga kabataan ng kanilang pagiging bata. Siyempre hindi pa yan
nag-iisip ng maraming bagay o kaya parang hindi seryoso. Sandaling-sandali lang
yun eh. Tulad din ng ganda, sandaling-sandali lang ang kagandahan ng isang
bata.
So samantalahin. Huwag natin silang pigilang magkaroon ng
kasiyahan hangga’t hindi offensive sa Diyos. Siyempre may hangganan ang lahat
ng bagay. Maraming panahon ng katahimikan na ang tao hindi mo man pigiling
mag-ingay ay kusang tatahimik. Kasi maraming darating na dagok ng buhay. So,
habang hindi dumarating yon o wala, bakit nyo naman dadagukan? Kailangan
marunong tayong magrespeto sa taong sumasaya. Enjoy youth, enjoy young
adulthood. Enjoy adulthood. In fact, enjoy every stage of life.
Ecclesiastes 3:1-2,4
Everything
on earth has its own time and its own season. There is a time for laughing and
dancing.
And if it is not your time, hayaan mo yung iba to enjoy
their time. Kung sino ang nagsasaya, siya ang may karapatan. Yung ayaw magsaya,
yun ang lumalayo. Pero huwag nyong pigilin yung nagsasaya. Hindi nyo alam baka
bukas may malalaman siyang kahindik-hindik na bagay na kahit hindi nyo pigilin
ay mawawala na yung saya niya. Hayaan nyo siyang magcharge ngayon para may baon
siyang saya sa buhay. So, there is time for laughing and dancing. Maximize that
time. Create and invent ways to be happy. Be youthful at heart and let the young
be young.
No comments:
Post a Comment