At ano naman ang meaningful? One is enjoying what we have
rather than always wanting something else. Being rich is not measured by how
much you have but by how much you enjoy what you have. Ang pagiging mayaman ay
wala sa halaga ng iyong pag-aari. Kundi nasa pag-e-enhoy mo sa buhay. Kaya
kahit hindi malaki ang pera mo kung enjoy na enjoy mo naman, mayaman ka. Kaysa
dun sa ang laki-laki ng pera tapos hindi naman niya na e-enjoy.
Two, better what the eye sees than the roving of the
appetite. Ibig sabihin lang, kung ano yung nandiyan, enjoyin mo. At huwag kang
maghanap ng wala diyan. Sapagkat kung lagi kang naghahanap ng wala, lulungkot
ka na lang nang lulungkot sa buhay. Kung yan na ang napangasawa mo, yan na yang
nandiyan. Enjoyin mo na yan, wala ka nang choice. Hindi yung “Naku yung asawa
ko, sana kasing bango ng asawa ni ganon, kamukha ni ganyan, kasing-sarap
magluto ng asawa ni ganyan. “Sabi nga, better what the eye sees—yung nandiyan
na – than the roving of the appetite. So, enjoy what you have. And stop
complaining about what you do not have. So that at least nag-e-enjoy ka sa
buhay.
Ecclesiastes 1:10-12 also say—Whatever exists has already
been named and what man is, has been known; no man can contend with one who is
stronger than he.
Anong ibig sabihin na naman nyan? Huwag ka nang
makipag-contest sa Diyos. Kung ika’y ganyan na, eh di ganyan ka. Huwag kang
magreklamo dahil ika’y pango. Huwag kang magreklamo dahil hindi ka kamukha ni
Judy Ann. Huwag ka nang makipagtalo sa Diyos.
Arguing with God concerning who, what and how we are is
meaningless. God is too powerful to argue with. And the more we talk with God
on this issue, the less sense we make.
No comments:
Post a Comment