Tuesday, March 19, 2019

Learn What Matters To You As Early As Possible


Alin ba ang mahalaga sa inyo? Mahalaga ba sa inyo na pagka may mga lakaran ay nakakapag-swimming kayo? Kung hindi kayo marunong lumangoy, learn to do so as early as possible. Para humaba ang panahon, i-enjoy nyo yan. Gusto nyo palang pag may party ay nagbo-ballroom dancing kayo, eh di pag-aralan nyo. Kaysa habang buhay nakatingin na lang kayong pa-inggit-inggit doon sa mga nagpapaikot-ikot, nagpapagulong-gulong at nagpapatalon-talon. Learn it if you like it. Gusto mo palang mamisikleta pero habang buhay nakatitig ka na lang sa namimisikleta because you don’t know how to do it. Then learn it.
At this point in life, ano ang mahalaga sa inyo o gusto nyo pero hindi nyo alam? Alamin nyo. Mas maaga nyong ma-master yan, mas mahaba ang natitirang oras para nyo ma-enjoy. Skill ba yan? Language ba yan? Is it a piece of information? Is it a trade? Isang uri ba yan ng paghahanapbuhay o nagagawa ng kamay? Alamin mo. We cannot forever say, “Gusto ko sana pero hindi ko alam.” Agahan ang pag-alam.
Proverbs 24:5
Wisdom brings strength and knowledge gives power.

Sa palagay nyo, ano ang dapat nyong malaman at pag nalaman nyo mas lumalakas kayo bilang tao? Yung mas lumalakas ang bargaining power nyo with the world? Know it. Another thing we have to learn is to be healthy as much as possible. Bakit ang sabi nila kapag nagkaka-edad ka na ay dumadami na ang sakit? Eh ang dami na kasing ginawa sa iyong katawan. Ang dami mo pang inipon na atraso. Mga pawis na hindi mo na naipawis, exercise na hindi mo na-exercise. Mga bagay na hindi mo dapat kinain na kinain mo, siyempre darating ang panahong mahahabol ka rin nyan. Dumadami, nagkakasabay-sabay. Kaya pagdating ng araw, doon ka ngayon magbabawas ng alat, ng taba at ng kung anu-ano. Agahan na ang pagbabawas nun kasi naiipon. Habang bat aka pa, kaunting disiplina na sa katawan. Huwag mong sabihing “Bata naman ako” kasi naiipon at naiiwan sa katawan mo yan. Hindi lang naman mahalagang tumanda at humaba ang buhay. Ang maganda ay mahaba ang buhay pero malusog. Mas nae-enjoy mo yun.

1 Corinthians 6:19
You surely know that your body is a temple where the Holy Spirit lives. The Spirit is in you and is a gift from God.

Isipin nyo na yung Espiritu ng Diyos na walang katapusan at napakamakapangyarihan ay nakatira sa ating katawan. At kapag bumigay na yung katawan natin ay kasunod na ring bumigay ang brain natin kasi yun ang tinitirhan nito. Many great and powerful  people get sick at certain times in their lives. Natatalo sila kapag may giyera. May napakagaling na heneral na ang daming napalunan pero dahil lang sa kagat ng lamok ay nagkaroon ng malaria. Kung kalian kailangan siya ay sinumpong at inapoy ng lagnat saka doon lumusob ang kalaban kaya natalo sila. Kasi kahit gaano kagaling ang utak mo, nakatira pa rin yan sa katawan mo. Yung katawan mo naman kapag bumigay kasamang bibigay lahat. Kaya dapat inaalagaan natin ang ating katawan nang mas maaga.

The body is also the temple of the mind so it limits the mind kaya inaalagaan yan. The body becomes the tool of the mind so it can also become the prison of our whole life. Kaya dapat responsible ang young people sa kanilang kaligtasan. Huwag na kun saan-saan ibalibag ang katawan at ipaghampasan at dalhin. Kasi kapag nabagok ang ulo mo at na-paralyze ka, yung matandang nanay mo pa rin ang mag-aalaga sa iyo. Kapag nagkaroon ka ng karamdaman ang gagastos ay ang mga mahal mo sa buhay. Kaya hindi ka lang namumuhay para sa sarili. You live responsibly. In adulthood, do not treat yourself as old. Do not think old and do not act old. Marami kasing humihina na bahagi ng katawan natin kasi hindi na nagagamit, hindi na napapraktis. Recently, nakakita ako sa internet ng 92 year old na lola na nagsa-salsa. Talagang nagpapagulong-gulong, ibinabalibag ng apo, kulang na lang lumipad. Ang lakas ng katawan at 92 years old! Naisip ko, wow! Marami sigurong ginawang tama itong lola sa buhay nya. So, huwag na lang kayong laging nakaplanela at nakabalabal. Pwede naman ninyong pasiglahin ang inyong katawan para marami pa tayong makita, malasap, magawa, ma-produce. So, watch what you eat. Ibig sabihin hindi komo masarap ay iyon ang mabuti sa iyo. Kaunting control sa sarili.

No comments:

Post a Comment