Do not desire; do not be attached. Your desire, your passion
will make you possessive, selfish and jealous. It will make you suspicious,
paranoid, worrisome and afraid. Your fear of loss can lead you on the path to
your dark side and to your sinful nature.
James 4:2,3
You want something but don’t get it. You kill and covet
but you cannot have what you want. You quarrel and fight. You do not have
because you do not ask God. When you ask, you do not receive because you ask
with wrong motives that you may spend what you get on your pleasures.
Be free from attachment and you will have no loss to
fear. Lalaya tayo kung hindi tayo natatakot mawalan. May mga taong nagsusuot ng
magagandang alahas tapos sapo-sapo nila tuwing may kasalubong dahil takot na
ma-snatch. Tupperware na lang ang isuot para maagaw man ay di bale na lang.
Magpapagawa ng pagkaganda-gandang bahay tapos ang buong mag-anak ay hindi na
makalabas nang sabay-sabay dahil kailangang may magbantay parati. Why do we
invent our masters? Why do we create an “amo” in our lives? May mga misis din
na bantay nang bantay sa mga mister na hindi na umuuwi. Umuubos ng pera
kababayad sa lahat ng taxi para sundan nang sundan ang asawa hanggang Manaoag,
Pangasinan! Kung ayaw umuwi sa inyo, hayaan nyo. Alangan namang nawalan na kayo
ng asawa, nawalan pa rin kayo ng personal na buhay? Bakit mo ba pinipilit
sumiksik sayo yung ayaw? After you have done what you could, kung ayaw nya, eh
di wag. You both lose but he loses more. Do not be the satellite of anybody
kahit asawa pa ninyo. Lalakad ka ba nang paluhod para lang balikan? Sa palagay
mo ba sa iyong pagmamakaawa na balikan ka, pag binalikan ka nga, igagalang ka
pa? Binalikan ka nga, igagalang ka pa? Binalikan ka nga pero alila ka na lang.
Lagi ka na lang sinisigaw-sigawan. Eh di wag na lang. May mga tao kasing
madaling mahulog ang loob at sobrang ibinibigay ang puso. Limang araw lang na
sunud-sunod inaabutan ng Chiclet, bumigay na agad. Eh ganun naman talaga yung
pagpapaibig. Susuyuin kang sandali, tapos ikaw naman, in love na kaagad. Sa
susunod na pagkikita nyo, ibinibigay mo na sa kanya ang hikaw mo. Sobra kasing
emosyonal. Sobrang romantiko. Sobrang manood ng mga telenobelang puro pag-ibig.
Sobrang mahilig magpatugtog ng mga malulungkot na love songs. Kaya nagiging
kawawa. Kaya hahabul-habol. Kailangang may sariling kahulugan ang buhay ang tao
whether or not there are other people around. We must not build our world
around one person because if this person leaves you, your whole world will
crumble. Do your marital duties. Be loving, be nice, be kind but love God above
all. Kawawa ang mga tao na ang number one sa buhay ay tao lamang. That is why
we have to develop our loving relationship with God.
Wow! Very inspiring message.
ReplyDeleteGodbless Ptr.Ed Lapiz
Relate sa sitwasyon ko. You are so blessed being a channel of God's blessing pastor.
ReplyDelete